Chapter 11

2062 Words
KLAUS NAGPASYA akong iuwi na lamang si Jordan matapos ang nangyari. She has a low tolerance to cold that's why she gets sick easily. Kaya't labis na lamang ang aking pag-aalala rito nang makita ko itong mahulog sa ilog. Bigla akong nakaramdam nang pagsisisi kung bakit ko pa pinilit itong isinama rito. I wasn't expecting Alexis to act that way. I've known her to be bratty and stubborn, but not to the extent of hurting anyone. Kaya namang hindi ko maiwasang magulat nang makita ko ang ginawa nito kay Jordan. Hindi ko inaasahang ganito ang magiging trato n'ya kay Jordan. She's the one who walked out on our wedding. Kung mayroon mang dapat magtanim ng sama ng loob sa aming dalawa, ako 'yon. But that part was already a history. I've forgiven her and moved on already. Ilang minuto lamang ang pagitan nang umalis si Alexis sa may ilog at nang pagbalik namin dito sa mansyon. Kaya naman inaasahan kong nakauwi na rin ito rito. Ngunit bahagya pa akong nagulat nang hindi ko ito madatnan doon. Hindi ko na rin maiwasang hindi mag-alala dahil magtatanghali na ay hindi pa rin ito nakakabalik mula kanina. Gusto ko na sanang lumabas upang hanapin ito ngunit naisip kong baka nagpalipas lamang ito ng sama ng loob dahil sa nangyari. Hindi ko sinasadyang sigawan ito. Ngunit hindi na ako nakapagpigil nang makita kong nahulog si Jordan sa tubig. Jordan is a sweet and kind woman. Isa iyon sa dahilan kung bakit ako pumayag nang ipagkasundo kami ng aming mga magulang. I'm the type of person who can't easily persuaded. I could have said no to them, but I decided to pursue the engagement nang makilala ko kung anong klaseng babae si Jordan. She'll be a perfect wife for me. To be honest, I have no intention of getting married after what happened to me and Alex. I don't think I could ever love another woman as much as I love her. Ngunit mapilit ang aking mga magulang na ipakasal ako. Pumayag na lamang ako upang tigilan na nila ang kakakulit sa akin. Besides, Jordan is beautiful and generous woman. “She didn't push me, you know.“ Napapitlag ako nang marinig ko ang tinig ni Jordan. Kasalakuyan kaming nasa loob ng silid at kakalabas lamang nito sa banyo. Mahirap mang paniwalaan, ngunit sa ilang taon namin bilang magkasintahan ay ni minsan walang nangyari sa amin. Jordan believes that she would only sleep with a man she loves and I respect that. Napagdesisyon namin hayaan lamang muna ang aming mga sarili hanggang sa parehas kaming maging handa. “What?“ ulit ko rito. Iniisip ko pa rin kasi hanggang ngayon kung nasaan si Alexis at kung bakit hindi pa rin ito bumabalik kaya hindi ko agad nakuha ang kaniyang sinabi. “Hindi n'ya ako tinulak kaya ako nahulog. It was really an accident,” ulit nito sa kaniyang sinabi. Mas lalo naman akong kinain ng aking konsensya dahil sa aking narinig. I already know that I overreacted, but now, I feel more terrible for shouting at her and blaming her for what happened. “Hindi mo s'ya dapat sinigawan,” dagdag pa nito. “Napaka-OA mo naman kasi. Para nahulog lang sa tubig kung makapag-react ka riyan, akala mo isusugod na agad ako sa ospital.“ “I was just worried. You're my responsibility. Ano na lang mangyayari kapag nalaman 'yan ng mga magulang mo? They might forbid you from going outside,” saad ko. “Why are you even trying to be friends with her? “Wala naman akong nabalitaang namatay dahil sa nabasa ng tubig,” sarkastikong turan nito. “At ano namang masama kung makipagkaibigan ako sa kaniya? I wanted to be close to her para maireto kita sa kaniya.“ “It's not helping, Jordan,” seryosong turan ko. “Chill, okay? Mag-sorry ka na lang. Lumuhod ka kung kinakailangan. Try mo na ring mag-propose ulit,” pang-aasar pa nito. Sinamaan ko ito nang tingin dahil sa kaniyang huling sinabi. Our relationship are only for convenience. I get to have some rest from my nagging parents and she gets to have her temporary freedom from her strict parents. It might be a loveless relationship, but it's both beneficial to us. “You know it would never happen,” seryosong tugon ko. “Why not?“ “Haven't you heard about what happened to us?“ sarkastikong turan ko. “So? She's a runaway bride. But have you talked to her about her reasons? Did you even tried to figure out why she decided to call off the wedding?“ “Para saan pa? Tinapon na n'ya ang lahat nang mayroon sa relasyon namin nang magdesisyon s'yang iwan ako sa araw ng kasal namin. I don't think I would be able to accept whatever her reasons are.“ “Ikaw bahala. Sige ka, kapag 'yan si Alexis nakahanap nang kapalit mo, baka maglupasay ka r'yan,” kibit-balikat nitong saad. “Teka nga lang. Bakit ba panay ang tulak mo sa akin kay Alexis? Baka nakakalimutan mo kapag nagkabalikan kami ibig sabihin no'n ikukulong ka na naman ng mga magulang mo sa bahay n'yo,” wika ko. “You're saying it like my parents are a monsters.“ “Aren't they? What kind of parents would lock their daughters inside their house like a prisoner?“ “I already explained it to you why they're like that, right? And I completely understand. You don't know what they've been through when I was kidnapped. At ayaw na nilang mangyari 'yon kaya gano'n na lang sila kahigpit sa akin,” saad niya. “You're a child back then. But you're a grown woman now. They should at least give you some slack,” giit ko. “They did, right? When you came into the picture and for that, I'll be forever grateful. Pero ayaw ko namang pigilan mo ang kaligayahan mo para lang sa akin. I know she's the only one that could make you happy. Hashtag Team ANik kaya ako.“ “ANik?“ kunot-noong turna ko. “ANik. Alexis and Niklaus. ANik.“ “Ang bantot. You're hopeless,” naiiling kong saad. Napanguso ito dahil sa aking sinabi. “Pangit ba? Sige, hayaan mo. Mag-iisip ako nang ibang pangalan sa loveteam n'yo. Hmmm…what about ALNIK? NikAl?” turan nito. Naiiling na lamang ako habang nakikinig sa kung anu-anong pangalan ang binabanggit nito na hango sa pinaghalong pangalan namin ni Alexis. Habang nakikinig sa patuloy na pagsasalita ni Jordan ay nakarinig ako ingay mula sa labas. Bahagya pa akong nagtaka dahil hindi iyon tunog ng makina bagkus ay yabag iyon nang tila isang kabayo. Nang sumilip ako mula sa bintana ng silid ay hindi nga ako nagkamali sa aking hinala. May isang kulay itim na kabayo ang papalapit sa bukana ng mansyon. Mas lalong lumalim ang kunot ng aking noo nang mapagsino ko ang nakasakay sa ibabaw ng kabayo. Hindi ko kilala ang lalaking nasa unahan at may hawak ng renda ng kabayo. Ngunit hindi ako maaaring magkamali kung sino ang babaeng nakasakay sa kaniyang likod. “What the hell….“ “Why, what's wrong?“ usisa ni Jordan sabay sinunandan ng tingin ang aking mga mata. Sumilip din ito sa bintana upang tingnan iyon. Bahagya pa akong nagtaka nang bigla itong mapaatras. Bakas ang gulat sa kaniyang mukha at malalim na paghugot nito ng hininga. Nang bumaling akong muli sa labas ay namataan kong nakatingin ang lalaki sa aming gawi. Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at nagmamadali akong bumaba upang salubungin ang mga ito. Hindi ko maipaliwanag ang galit at inis na mabilis na gumapang sa aking dibdib nang makita ko ito habang nahawak sa baywang ng lalaki. I had the sudden urge of grabbing her and pulling her away from him. “Where the hell have you been?“ bungad ko sa mga ito. Nakapatong ang aking magkabilang kamay sa aking baywang habang matalim na nakatitig sa mga ito. “Hi, nice to meet you. I'm Thanos,” turan ng lalaki sabay abot ng kaniyang kamay. “Thanos? You're name is Thanos?“ ulit ni Alexis na tila ba namamangha. “I don't care who you are, and I'm not talking to you,” malamig kong turan bago muling bumaling kay Alexis. “Klaus!“ bulyaw ni Alexis sa akin. “What the hell is wrong with you? Nagmagandang-loob na nga 'yong tao para ihatid ako rito, babastusin mo pa,” pagalit nito sa akin. “Pagpasensyahan mo na 'tong lalaking 'to. Nireregla 'yan kaya gan'yan.“ Hindi nakaligtas sa aking pandinig ang isang pigil na tawa mula sa aking likuran. Bumaling ako upang paningkitan ng mata si Jordan na nakatayo sa aking likod at nakikinig sa aming usapan. Agad naman nitong tinikom nang mahigpit ang kaniyang mga labi upang pigilan ang tawang nais kumawala mula roon. Itinaas pa nito ang kaniyang dalawang kamay bilang tanda ng pagsuko. Bumuga muna ako nang isang malakas na hangin bago muling bumaling sa dalawa. Mas lalong ikinainit ng aking ulo nang mabalingan kong muli ang mga ito habang masayang nag-uusap. Agad na gumapang ang inis sa aking dibdib nang makita ko ito habang masayang nakangiti sa lalaking kausap nito. That smile was once mine. Hindi ko maatim na panoorin ito habang masayang nakangiti sa harap ng estrangherong ito. Mariin kong kinuyom ang aking mga kamay habang umiigiting ang aking panga hanggang sa tuluyan nang naubos ang aking pasensya. Marahas kong hinila ang braso ni Alexis papalapit sa aking gilid. “Now, that's enough. Naihatid mo na s'ya, makakaalis ka na,” pagtataboy ko sa lalaki. “What, no!“ tanggi ni Alexis. “You stop it, Klaus. Hindi ko alam kung anong nalunok mo at nagkakagan'yan ka, pero puwede ba, pabayaan mo na lang kami?“ “Not gonna happen.“ Iyon lamang ang aking huling sinabi bago mabilis na yumuko upang buhatin ito at ipatong sa aking balikat. “She's okay now. Thank you for taking her home, makakaalis ka na,” turan ko bago ito mabilis na tinalikuran. “Wait, are you sure—” “She's going to be fine.“ Narinig kong turan ni Jordan sa lalaki. Hindi ko na muli pang narinig ang tinig nito. Tanging mga hiyaw na lamang ni Alexis ang umaalingawngaw sa buong bahay. “Put me down, you brute!“ hiyaw nito kasabay nang malakas niyang paghampas sa aking likod. “Klaus, ano ba? Ibaba mo nga sabi ako, eh!“ “Ang mga dapat sa babaeng matigas ang ulo na kagaya mo ay pinaparusahan at pinapalo sa puwet,” turan ko. “Don't you dare!“ banta nito ngunit hindi ako nagpatinag dito. Malakas kong hinampas ang kaniyang pang-upo bilang parusa dahil sa ginawa nito. “How dare you! Fvck you, Klaus!“ “If the circumstances are different, I might say harder,” asar ko pa rito. “Ahh, harder pala, ha?“ wika nito. Hindi ko naman agad nakuha ang gusto niyang sabihin. Naramdaman ko na lamang ang kirot mula sa aking likuran. “Aaaahhhh!!!! Fvck!“ malakas kong hiyaw dulot ng sakit mula sa aking likuran. Kung hindi ako nagkakamali ay kinagat niya ang aking likod nang ubod ng diin. “Did you just bite me?“ “Huh! That's what you get for messing with me,” kumpiyansa nitong saad. “That's your play? Fine, let's play,” turan ko. “S-Saan mo ako dadalhin?“ nauutal nitong saad. “K-Klaus, ibaba mo ako!“ “Later, hon. Why don't we play for a bit, shall we?“ wika ko saka nagpatuloy sa paglalakad patungo sa silid. “A-Anong gagawin mo?“ tanong nito. Bahagya na rin itong humupa sa pagpupumiglas. Imbes na sagutin ito ay nananatili lamang akong tahimik bago tuluyang pumasok sa loob ng silid nito at pagkatapos ay mabilis iyong ni-lock. “W-Why did you lock the door?“ tanong nitong muli. “K-Klaus, answer me! Goddamnit!“ Sa halip na tumugon ay marahas ko itong ibinagsak sa ibabaw ng malambot ng kama. “What the fvck!“ malakas nitong mura bago nagtangkang bumangon mula roon. Ngunit bago pa man ito tuluyang makakilos ay mabilis akong kumubabaw sa kaniya hanggang sa iilang pulgada na lamang ang pagitan ng aming mga mukha. “W-What are you doing?“ Isang makahulugang ngisi lamang ang aking tinugon sa kaniya. *************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD