Chapter 10

1648 Words
ALEX BAHAGYA akong napaatras nang makita ko ang mabilis na paghakbang ni Klaus papalapit sa akin matapos nitong maiupo si Jordan sa maliit na kubo kung saan naroon ang ibang mga gamit. “What the hell is wrong with you, Alexis?“ bulyaw niya sa akin nang tuluyan itong makalapit. “I-I didn't mean—” “You didn't mean what? I saw you pushed her!“ “I didn't push her!“ mariin kong tanggi. “Yeah, right! I saw what happened Alexis. I don't know what got into you. But shouldn't have done that. Paano kung may nangyaring masama kay Jordan? Ano na lang ang gagawin mo?“ Mapakla akong tumawa. “You saw what happened? Then maybe, you should have your eyes check. Dahil kung talagang nakita mo ang nangyari, hindi mo sasabihing tinulak ko s'ya. I didn't push her. At kung hindi ka naniniwala, puwes, problema mo na 'yon!“ Mabilis ko itong tinabig at saka nilampasan. “Alexis, bumalik ka rito! Hindi pa tayo tapos mag-usap!“ Narinig kong sigaw nito ngunit hindi ako nag-abalang lingunin ito. Bahala s'yang maubusan ng hangin kakasigaw. Napadaan ako sa cottage kung saan naroon nakaupo si Jordan habang nakabalot ng tuwalya at nanginginig sa lamig. Akmang lalampasan ko ito nang mabilis niyang hawakan ang aking braso. “I-I'm sorry. I didn't mean to cause a commotion. Klaus didn't mean to shout at you—” Hindi ko na s'ya pinatapos pa sa kaniyang sasabihin. “Stop talking. I don't want to hear it,” wika ko bago marahas na winaksi ang kaniyang kamay na nakahawak sa aking braso. “Magsama kayong dalawa,” mariin at malamig kong turan bago mabilis na naglakad patungo sa owner-type jeep na sinakyan ko patungo rito. “Alexis, where are you going? Come back here, goddamnit!“ muling sigaw ni Klaus habang patakbo niya akong sinundan. Nagmamadali akong sumampa sa sasakyan at mabilis na binuhay ang makina. At bago pa man nga makalapit si Klaus ay sinimulan ko nang patakbuhin ang sasakyan. Hindi ko ito masyadong gamay ngunit kalaunan din ay nagawa kong imaneho ang sasakyan ng maayos. I wanted to get away from that place as soon as possible. Hindi ko alam kung makakaya ko pang makasama ang dalawang iyon sa iisang lugar. Hindi ako sigurado kung tunay nga ba ang pinapakitang kabaitan ni Jordan sa akin. Sino ba namang hindi magdududa? I'm the ex-girlfriend of her fiancé. Walang dahilan upang maging mabait siya sa akin. But at the same time, I was thinking that I might overreacted. I may have some prejudiced against her just because that's not I was going to do if I were in here position. Baka kinadena ko na si Klaus sa tabi ko at mahigpit na binakuran kung nagkabaliktad kami ng posisyon. Kitang-kita ko mula sa rear-view mirror ng sasakyan ang tangkang paghabol ni Klaus sa akin. “Shìt!“ malakas nitong mura nang hindi niya ako maabutan. Napabuga na lamang ako nang malakas na hangin habang tinatahak ang malubak na daan pabalik sa mansyon. Hindi ako pamilyar sa lugar kaya't nagpasya na lamang akong baybayin ang daan base sa aking pagkakaalala. Makailang minuto na rin akong nagmamaneho nang mapansin kong tila nagbago ang daang aking tinatahak. Hindi ko matandaan kung dumaan ba kami rito noong papunta kami. Bagama't nagsisimula na akong mangamba na baka naliligaw na ako, pinilit ko pa ring maging alisto at pilit na pinapakalma ang aking sarili. Ang buong lupain na ito ay pagmamay-ari ng aking pamilya. Maraming trabahador ang nakatira sa palibot ng lupain kaya't kung sakali mang nalihis ako ng landas pauwi ay mayroon akong mapagtatanungan. Ang kailangan ko na lamang gawin ay ipagpatuloy ang aking pamamaneho hanggang sa makakita ako ng bahay na maaaring pagtanungan. This is a classic scene from a horror story. Kaya naman kahit pa kinukumbinsi ko ang aking sarili na walang mangyayaring masama ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan lalo na't lumilipas ang oras ay wala pa rin akong nakikitang bakas ng kahit na sino. Mabuti na lamang at maaga pa kaya maliwanag pa ang paligid. Hindi ako nangangambang abutin ng dilim sa gubat.— “You're going to be fine, Alex. Inhale, exhale,” turan ko sa aking sarili habang palinga-linga at pilit na naghahanap nang mapapagtanungan. Dahil na rin sa pagiging abala ko sa pagtingin sa paligid ay hindi ko namalayan ang maputik na bahagi ng daan. “Fvck!“ Napamura ako dahil sa malakas na pag-uga ng sasakyan. Napakunot-noo naman ako nang tila hindi umusad ang aking sasakyan. Sinubukan kong tapakan nang mariin ang selinyador ngunit bigo pa rin akong makausad. “Great! Kung mamalasin ka nga naman! When it rains, it pours!“ turan ko sa aking sarili. I had no other choice but to go down the jeep and check what's the problem. “You've got to be kidding me!“ saad ko nang makita kong nalubog na sa putik ang gulong ng sasakyan kaya hindi ito makausad. “Fvck! Fvck! Fvck!“ inis kong sigaw kasabay nang sunud-sunod na pagsipa sa gulong ng sasakyan. “Having trouble, miss?“ turan ng isang baritonong tinig. Napapitlag pa ako dahil sa pagkagulat. Agad na gumapang ang kaba sa aking dibdib nang marinig ko ang tinig ng isang hindi pamilyar na lalaki. Mabilis akong nag-isip at naghanap nang maaari kong gamitin kung sakali mang masamang tao ang lalaki narito ngayon. Bumaling ako sa pinanggalingan ng tinig. Napataas ang aking kilay nang isang makisig na lalaki na nakasakay sa kabayo. Kayumanggi ang kulay ng kaniyang balat at mababakas sa suot nitong t-shirt na hapit sa kaniyang buong katawan ang kurba ng kaniyang mga muscles. Halatang nahubog iyon hindi dahil sa gym kung 'di dahil sa mabibigat na trabaho. Hindi rin naman nagpapahuli ang itsura nito. Mukha itong haciendero na kadalasan mong mapapanood sa mga telenovela. “I'm fine,” mataray kong saad. Loka-loka ka talaga, Alexis. Nagawa mo pang sungitan ang tanging taong maaaring tumulong sa 'yo. Agad kong pinagalitan ang aking sarili. “Mukhang mahihirapan ka nang paandarin 'yang sasakyan mo. Kailangan mo na 'yang ipahila,” saad pa nito. “Mukhang hindi ka taga rito. Dayo ka lang ba rito?“ usisa pa nito. “Do you know the way back to the Cortez Mansion?“ tanong ko. “So, you're the Cortez's heiress,” saad nito bago ngumiti. Matatas itong magsalita ng wikang ingles kaya't halata mong sanay itong magsalita sa wikang iyon. Kung hindi pa nga ako nagkakamali ay tila natutunugan ko ito na tila may accent ang kaniyang pananalita. Isang bagay na hindi ko inaasahan mula sa isang taong namumuhay sa ganitong klaseng lugar. “Yes, we own the property. And I don't know you, so basically, you're trespassing,” masungit kong saad. “Pero kung tutulungan mo akong makauwi, baka palagpasin ko ang pagpasok mo sa lupa namin nang walang paalam. At huwag mo ring subukang pagtakaan ako nang masama dahil sinisiguro kong iyon ang isang bagay na pagsisisihan mo habambuhay.“ Sa halip na matakot ay natawa lamang ito sa aking ginawang pagbabanta. Mukhang hindi nito masyadong sineryoso ang aking sinabi. Mas lalo tuloy akong nagtaka kung sino ba ang lalaking ito. Mukhang ito isa sa mga trabahador dito. “For a person who's in distress and in need of help, you're quite demanding. But don't worry, it's my pleasure to be at your service, Miss Cortez. Come on, hop in. Ihahatid na kita pabalik sa mansyon n'yo,” aya nito kasabay nang paglahad ng kaniyang kamay upang alalayan akong sumampa sa kaniyang kabayo. Saglit na nagtatalo ang aking isip kung sasama ba ako rito o hindi. Lumingon muna ko sa paligid. Nagbabakasakali akong mayroon pang ibang tao na maaaring tumulong sa akin. Ngunit kahit anong gawin kong tingin sa paligid ay tanging mga puno lamang ang natatanaw ng aking mga mata. Napabuga na lamang ako nang malakas na hangin bago tinanggap ang alok nitong kamay. Mahigpit akong kumapit doon saka sumampa sa likod ng kaniyang kabayo. Marunong akong mangabayo kaya naman hindi ako nahirapang sumakay. “I'm warning you. Don't try anything unappropriate,” muli kong saad. Mahina itong tumawa, “Yes, ma'am. But before we leave, why don't you wrap your arms around my waist?“ saad nito na labis kong ikinagulat. “What?“ malakas kong sigaw. “Shìt!“ malakas nitong mura sabay takip sa kaniyang tainga. “Wala na bang ilalakas 'yang sigaw mo? Muntik mo na atang basagin ang eardrums ko,” sarkastikong turan nito. “It's because you're being absurb! How can you just suggest such thing?“ inis kong saad. “I'm just saying that so you won't fall of the horse. Wala akong balak na iuwi kang bali-bali ang buto,” sagot nito. Saka lamang ako bahagyang kumalma nang marinig ang kaniyang dahilan. It makes sense. Maaari nga naman akong mahulog sa kabayo kapag nagsimula na itong tumakbo kung hindi ako kakapit sa kaniya. “Fine,” wika ko kasunod nang pagbuga nang malakas na hangin. Ngunit sa halip na yumakap sa kaniyang baywang katulad nang nais nitong mangyari, hinawakan ko lamang ang magkabilang gilid ng kaniyang damit at doon mahigpit na kumapit. Naiiling na lamang ito nang maramdaman niya kung saan ako humawak. Ngunit hindi na ito muling nagsalita at hinayaan na lamang ako sa aking gusto. Maya-maya pa ay sinimulan na nitong patakbuhin ang kabayo. Hindi pa man kami nakakalayo ay hindi ko na naiwasang humawak sa kaniyang baywang sa halip sa kaniyang damit dahil pakiramdam ko ay mahuhulog ako mula sa kabayo anumang oras. “I told you,” he said just to make a point. Umirap na lamang ako sa hangin kahit hindi nito nakikita at nananatiling tahimik. Kung hindi ko lamang talaga kailangan ang tulong nitong bwisit na lalaking ito, baka kanina ko pa ito tinadyakan para mahulog mula sa kabayo. Kapag tinamaan ka nga naman talaga ng malas. **********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD