Chapter 85 VANESSA'S POV "Ate, Ate." Ang tahimik kong pag upo sa malawak na sala, kaagad din naman naagaw ang pag tawag sa akin ni Maxine. Binaba ko muna ang binabasa kong magazine at nakita ko na lamang itong abot-langit na ang ngiti nitong palapit sa kina-roroonan ko. Sabik kong ano naman ang sasabihin o kaya naman ipapakita sa akin na kaagad kong napansin naman ang hawak nitong plato na babasagin ngunit katamtaman lang naman ang laki. Mabilis siyang lumapit sa akin at piniling maupo sa tabi ko, sobrang likot niya na hindi na ito mapakali. "Oh bakit?" Tanong ko na lamang. "Wala kasi akong magawa kanina, at nag patulong ako kanina sa kusina paano gumawa ng Blanquette de veau." Nag ningning na lamang ang mata ni Maxine na pinag aralan niya talagang maibigkas na tama ang salitang frenc