CHAPTER 84 VANESSA'S POV Nagising na lang ako sa malamig na simo'y ng hangin, na kina-siksik ko pa ang sarili ko sa unan na inaantok pa ako, tumagilid na lamang ako sa pag kakahiga sa kama at kinapa ang kaliwang bahagi nang kama pero wala akong nahawakan. Napa-mulat ako ng mga mata ko at may pag kadismaya sa aking dibdib na mapag tanto kong wala na doon si Lucas. Napa-bangon ako at napa-upo sa malambot na kama, parang batang nawawala sa kanyang mga magulang na hinahanap ito. Hindi na alintana sa akin kong may mapanis man na laway sa gilid ng aking labi o magulo man ang buhok ko na bagong gising lamang. "Lucas." Tawag ko na lamang na ginala ko ang mata ko sa kwarto namin para hanapin lamang ito. Pabaling-baling man ako sa kasulok-sulokan ng silid ngunit hindi siya mahanap ng mata ko na