Chapter 22
"Ang Nighteagle iyon. Ano ginagawa nila dito?"
Nasa gitna ang isang bandgroup at kaharap si Everen na inaalis pagkakahawak sa kwelyo niya ng leader ng banda.
Tumayo si Victor at sinundan siya nina Kiel patungo sa gitna. Noong makalapit sila nakita ni Victor si Rin na nasa likod ni Everen.
"Hoy."
Napalingon ang grupuhan at si Everen. Nakapamulsahan nagtanong ang lalaki.
"Bakit hindi kayo humanap ng katapat niyo?" ani ni Victor. Sinipa ni Robin ang nakaharang sa kanila dahilan para makaagaw sila ng pansin lahat.
"Robin? Ang 4th generation nandito," ani ng isa sa mga lalaki at mga nag atrasan.
"Victor," ani ni Rin na nanginginig habang nakatingin sa mga lalaki at nakahawak sa braso ni Everen.
"Ano nangyari?" tanong ni Victor kina Everen at Rin.
"Galing kami sa taas. Sinamahan ko sina Rin imeet iyong gusto mag invest sa movie tapos kinuha ng mga iyan si Rin at balak ilabas ng club!" gigil na sambit ni Everen. Noong nadaanan ng ilaw ang grupo nina Victor, isa sa nga kagrupo ng mga bumangga kina Everen ang muntikan tumaob sa lamesa.
Binubuo ang grupo ni Victor ng mga young master ng malalakas, malalaki at mayaman na pamilya. Sikat din mga ito sa kanikanilang field, sa music at entertainment industry. Hindi nila akalain na may mga ganitong malalaking tao sa likod ni Everen.
Hindi nila afford maoffend ang grupo nito specially si Victor Difabio na ngayon is umiingay ang pangalan sa larangan ng business at acting.
"Alis na tayo!" sigaw ng lalaki kanina nagyayabang sa harapan ni Everen.
"Hep! Hep! Sino may sabi aalis kayo? Pinaaalis na ba kayo nina Victor?" ani ni Kiel at humarang. Agad mga ito lumuhod tapos humingi ng tawad.
"Kilala mo ba sila?" tanong ni Jack. Nasa tabi ito ni Victor.
"Kasama ko sa set si Everen at iyong babae sa likod niya bestfriend ng sister in law niyo," ani ni Victor. Napatingin mga kaibigan ni Victor kay Victor.
"Then mas lalong hindi natin pwede sila palabasin," ani ni Jack at natutuwa lumapit sa grupuhan.
"Teka! Teka pwede naman yata natin pag usapan ito," natatakot na sambit ng isa sa mga lalaki.
Sa ibaba ng stage nagkakatuwaan sina Jack at kumukuha ng video. Nagpopole dancing mga lalaki na nambubully kina Rin kanina.
"Salamat," ani ni Everen at pabiro sinuntok si Victor sa balikat.
"Ano ginagawa mo dito Victor? Dont tell me pumunta lang sa ibang lugar asawa mo nambababae ka na," ani ni Rin. Tinaas ni Victor ang phone niya kung nasaan nasa kabilang linya pa din si Phinea na nakatalikod sa direksyon nila kausap si Catherine.
"Not in her presence," natatawa na sambit ni Victor. Tinuro ni Victor mga kaibigan na nasa likod, pinagkakatuwaan mga nambastos kay Rin.
"Kasama ko mga barkada ko. Relax lang ng kaunti."
"Jack! Uwi na ako. Maaga pa pasok ko bukas," paalam ni Victor sa mga kaibigan. Nagpaalam na din si Victor kina Everen.
Lumabas na si Victor sa club at tumungo sa parking lot.
"Victor," tawag ni Kiel. Napatingin si Victor sa bestfriend. Nakapamulsahan lumapit si Kiel kay Victor.
"Gusto kita makausap. May time ka pa?" tanong ni Kiel. Nilagay ni Victor ang kamay sa bulsa at sumandal sa pinto ng sasakyan.
"Kung importante iyan pwede ako gumawa ng time pero kung makikipagkwentuhan ka lang sa akin dahil sobrang namis mo ako, may bukas pa naman. Babalik ako dito sa club," ani ni Victor na may mapaglarong ngiti.
After 3 minutes sumakay na si Victor sa sasakyan at nagpaalam kay Kiel. Noong makalabas ang kotse ng gate lumapit si Robin kay Kiel.
"Bakit hindi mo na naman siya natanong?" tanong ni Robin. Flat na sumagot si Kiel na wala siyang lakas ng loob magtanong.
"Isa pa mukha naman hindi na bigdeal iyon. Maganda na pakikitungo ni Victor kay Phinea," ani ni Kiel. Umupo si Robin sa sahig at hinawakan ang ulo.
"Sa tingin mo ito na iyong key? Kapag naayos conflicted sa pagitan ni Victor at Phinea titigil na din pagbalik natin sa past?" tanong ni Robin at tumingala para tingnan si Kiel.
"Hindi ko alam," bulong ni Kiel pero deep inside hinihiling niya na iyon na sana iyon. Sawa na sila magpabalik balik sa past at ulitin mga bagay na nagawa na nila.
"May naiisip ka na ba ibang reason? Nagistart lang tayo kapag meron kina Victor at Phinea ang namamatay," ani ni Kiel. Tinanong ni Robin si Kiel kung may idea na si Kiel sa reason bakit sila bumabalik at may memories sila ng past while si Phinea at Victor is wala.
"Karma," bulong ni Kiel at naiinis na bumulong ng annoying. Tiningnan ni Kiel ang langit sinabi na gusto niya na matapos iyon.
Kasama si Kiel ng mom niya mag attend ng reunion sa same resort and hotel. Nagulat si Catherine at Phinea 'nong makita siya.
"He...hello," bati ni Phinea pagkatapos makita si Kiel. Ngumiti lang si Kiel at bumati. Nagpakilala siyang bestfriend ni Victor at pinaalala na is a siya doon sa mga guy na pinakilala ni Victor sa wedding nila. Naaalala iyon ni Phinea dahil sa appearance ng mga kaibigan ni Arthur imposible hindi mga makaiwan ito ng impression.
"Sino diyan ang girlfriend mo?" biro ng ina ni Kiel na kababalik lang galing sa lobby.
"Pareho na sila taken mom. Kapatid at asawa sila ng friend ko, binati ko lang," pag imporma ni Kiel sa ina.
Nasa lobby si Phinea at Catherine noong nakasalubong nila si Kiel. Yumuko ang babae at napakilala si Phinea.
"Oh my huwag ka masyado maging polite. Baka isipin ng mga tao masyado ako strict," natatawa na sambit ng ginang at hinawakan braso ni Phinea.
"Katalinaa," dumating ang ina ni Victor at sinunggaban ng yakap ang ginang.
"Oh my Carol buti nakarating ka. Akala ko talaga hindi ka pupunta," ani ng ginang at nakipag beso sa babae.
"Pwede ba naman hindi lalo na at nalaman ko na dadalo ka din. Matagal din kita hindi nakita," ani ng ginang. Napakamot sa pisngi si Kiel matapos ma out of place sila. Inaya sila ni Catherine na pumunta sa malapit na restaurant at hayaan na muna ang parents nila.
"Kiel sumama ka na din sa amin."
Siyempre hindi tumanggi doon ang lalaki. Nagpaalam si Kiel sa ina niya na sasama kina Catherine na agad naman pumayag. Masyado natutuwa ang ginang sa muling pagkikita ng dating classmate para alalahanin pa siya.
"Friendly si Victor 'nong bata siya pero bihira lang talaga magkaroon ng kaibigan si Victor na nagtatagal. Masyado siya straightforward tapos narrow minded, ayaw niya nag aadjust para sa ibang tao kaya naman talagang bilib ako kay Kiel dahil nakatagal siya sa ugali ng kapatid ko," kwento ni Catherine at tinuro si Kiel na nakasunod sa kanila.
"I think mas... Mas mature na ngayon si Victor," ani ni Phinea. Pareho napangiwi si Kiel at Catherine.
"Kung ano 'man pinakikita sa iyo ni Victor na actions at sides, sa iyo lang siya ganon," ani ni Catherine. Nag agree naman si Kiel.
"Wait picture tayo," ani ni Kiel. Nasa unahan siya ngayon tapos inangat ang camera ng phone niya. Nagpicture sila.
"Please, dont make it public," ani ni Phinea na nahihiya. Natawa si Kiel at nilingon.
"Sigurado papatayin ako ni Victor kapag pinost ko mukha mo sa social media. Dont worry sa group chat lang namin ito kasama si Victor," ani ni Kiel tapos pinakita group chat nila magbabarkda. Sunod sunod nag ping ang phone ni Kiel after nito isend ang picture nila nina Phinea.
Inangat ni Kiel ang suot na facemask. Lumapit si Catherine sa isa sa mga staff sinabi na may pinareserved siya na table.
Inaya sila ni Catherine sa second floor ng restaurant. Napatanga na lang si Kiel noong nalaman na pinareserved ni Catherine ang buong floor.
"Bakit walang tao?" tanong ni Phinea na nakakapit sa braso ni Catherine.
"Para makakain ka ng maayos. Kumakain tayo sa labas palagi kasama mg friends ni mom napapansin ko na hindi ka masyado kumakain. Paano kapag nagkasakit ka, sigurado sasakalin ako ni Victor," ani ni Catherine at hinawakan kamay ng babae.
"But... Masyado expensive magpareserved sa ganito ka high end na restaurant," bulong ni Phinea. Tumawa si Catherine tapos inangat ang black card na hawak niya.
"Hindi ko naman pera gamit ko. Pinahiram sa akin ito ni Victor before tayo umalis sinabi na magenjoy tayo at i ibigay ko lahat ng gusto mo. Tapos bilin din ni mom na dalahin kita dito at ireserved buong floor para sa atin," nautuwa na sambit ni Catherine and hinila nga si Phinea patungo sa isa sa mga table.
Napawow na lang si Kiel noong ginawa nga siya chaperone ng dalawang babae at noong kinuwento ni Kiel iyon sa mga kaibigan tinawanan lang siya ng mga ito.
"Hows Phinea?" bigla chat ni Victor sa group chat nila.
"She's fine lagi nakabuntot sa kaniya si sister in law at auntie Carol. Lapitin ng mga bubuyog asawa mo," ani ni Kiel na natatawa tapos sinend voice message niya.
Bigla nag invite ng group call si Victor kaya nag open ang lahat. Pinakita ni Kiel sina Phinea na nakatayo sa gilid ng pool hindi malayo sa pwesto niya.
Actually since dumating siya doon pasimple niya din sinusundan ang dalawang babae consider na bestfriend niya ang kapatid at asawa ng dalawang babae.
Nakita nila nagtatago si Phinea sa likod ni Catherine.
"This is annoying. Ang hirap ng may magandang sister in law. Kasalanan lahat ito ni Victor," nagpapadyak na reklamo ni Catherine. Hindi niya maenjoy ang party dahil sa paglapit ng mga lalaki sa side nila at kinukulit si Phinea.
Noong nawala na mga guy natutuwa si Phinea umupo sa gutter at nagtampisaw sa tubig.
Napatitig si Phinea sa ibaba ng pool at may lalaki bigla na lang humawak sa paa niya.
"Sister in law!" sigaw ni Kiel at napatayo mula sa pagkakaupo sa folding bed. Napatalon siya at nahulog ang phone sa pool.
Nahawakan ni Kiel ang braso ng babae at sinipa iyong nantrip kay Phinea. Nataranta si Catherine at inilayo sa pool.
"Bakit ka naninipa!" sigaw ng guy na humawak sa paa ni Phinea.
"Nagtatanong ka pa na gago ka! Muntikan na mahulog sister in law ko sa pool!" sigaw ni Kiel. Lumapit mga staff at tinanong ano nangyari.
Nagreklamo iyong guy na sinipa na lang siya ni Kiel.
"Catherine? Ano nangyari?"
Nag aalala na tanong ng ina ni Catherine na ngayon hawak ang phone niya. Nasa kabilang linya si Victor tinatanong kung ayos lang si Phinea.
"Iyong gago na iyan hinawakan si sister in law sa paa," ani ni Kiel. Tinanong ng staff kung kilala nila iyong guy, sinabi nina Catherine na hindi. Sinabi ng lalaki gusto niya makipag kilala kay Phinea at prank iyon.
"Laro lang iyon. Hindi niyo naman kailangan ibig deal."
Tinulak ni Kiel ang lalaki sa pool. Tumawa si Catherine at napatitig lang si Phinea.
"Prank pala ah? Papakita ko sa iyo tunay na prank."
Hinubad ni Kiel ang suot na tshirt tapos tumalon sa pool. Nakita ni Catherine tumawa si Phinea noong makita si Kiel na hawak sa ulo 'yong nambastos sa kaniya tapos sinusubsob ang mukha sa tubig.
"Heh, ate, sabihin mo kay Kiel libre ko na ticket niya sa tour at ako na bahala sa mga gastos niya during world tour," ani ni Victor. Nagthumbs up si Catherine.
Nag aalala tinanong ng madam si Phinea kung nasaktan ito at hinawakan sa braso si Phinea. Umiling si Phinea.
"Michael!"
May dumating na babae kasama ang asawa nito na mukhang parents 'nong nambastos kay Phinea.
Sumampa si Kiel at kinuha na ang towel niya. Naiinis lumapit ang matandang lalaki tinanong kung hindi ba sila nito nakikilala.
"Maurell Wilson, sino nga naman hindi makakakilala sa iyo," sabat ng madam ng mga Difabio. Napatigil ang lalaki matapos makita ang babae na sobrang familiar sa kaniya.
"Ca... Carol?"
Agad na lumapit ang lalaki at hinawakan sa braso ang babae.
"Matagal kita hinanap. Saan ka dinala ng gagong Vincent na iyon! Bakit ngayon ka na lang nagpakita!"
Yayakapin ng lalaki ang babae noong itulak ito ng ginang.
"Carol," puno ng concern na sambit ng lalaki. Humingi ng respeto ang babae sa lalaki.
"Nandito ang anak at daughter in law ko," ani ni Carol. Napatigil ang lalaki matapos marinig iyon.
"A.. Anak niyo ni Vincent?"