21

2311 Words
Chapter 21 "Sister in law?" ani ni ate Catherine tapos tiningnan ako. Npahawak ako ng mahigpit sa wrist ni ate. Puno ng pag aalala niya ako tiningnan. Sigurado hindi titigil mom ko sa paggawa ng gulo. Ayoko maging burden kina ate mas better kausapin ko na sina mom para makaalis na sila. Iniwan kami ni ate sa guest room. Dito tinanong ko sila ano nga mga kailangan nila. "Hindi mo 'man lang ba kami bibigyan ng pamalit at refreshment?" demand ni mom. Napahawak ako ng mahigpit sa braso ko. "Mom, bigyan niyo naman ako... Ako ng kahihiyan. Nandito si ate Catherine hindi kayo pwede magtagal... Magtagal dito," ani ko. Nahampas ni dad ang table at napatayo. Napatalon ako sa gulat. Natakot ako dahil sa idea na baka saktan na naman nila ako. Umatras ako, ayoko na masugatan ako or magkaroon ng marka ang katawan ko dahil makikita iyon ni Victor. Mag aalala siya sa akin ulit. "Hindi na ako magpaligiy ligoy pa, gusto ko kausapin mo ang asawa mo. Gusto ko mag invest siya sa company ng mga Lawson." Natatakot ko sinabi na hindi ako ang magdedecide about doon. Pera iyon ng asawa ko. "Maganda relasyon niyo mag asawa siguradong hindi siya maghihindi sa iyo," ani ng mom ko. Ito ang kinatatakot ko, gamitin ako ng mga Lawson para kontrolin si Victor. 'Phinea.' Pumasok sa isip ko si Victor na hawak ang pisngi ko at tinatanong ako kung ayos lang ako. Si Victor ang unang tao na nagpakita ng tunay na concern sa akin at ang mga Difabio ang siyang nagpakita ng tunay na meaning ng pamilya. Hindi nila ako sinasaktan, sinisigawan at pinipilit ang ayaw ko. Lagi nila ako sinusuportahan at pinahahalagahan ang opinyon ko. Napangiti ako ng mapait. Hindi ko pamilya ang mga Lawson. "No." Napatigil ang mom ko noong mag no ako. Napatayo siya. "Matigas na ba talaga ang mga pakpak mo Phinea! Nakakalimutan mo ba sino ang pamilya mo!" sigaw ng mom ko. Paisa isa tumulo ang luha ko. "Mga Difabio lang ang pamilya ko. Hindi ko kayo pamilya," sagot ko. Napapikit ako noong inangat ng mom ko ang kamay niya ngunit bago pa dumampi iyon narinig ko boses ni Victor. "Sino ka para saktan ang asawa ko sa mismong mansion ko!" Napamulat ako at naramdaman ko na lang na nakakulong ako sa mga braso ni Victor. Iyong mabilis na pagtibok ng puso ko at takot ay paunti-unti nawala dahil lang sa pamilyar na init at amoy na bumabalot ngayon sa katawan ko. I feel safe, agad naman nagbago expression ng parents ko pagkatapos makita si Victor. "Son in law, nandito ka na pala. Kinakausap lang namin si Phinea at may kaunti lang hindi pagkakaintindihan," ani ni dad tapos hinila mom ko palapit sa kaniya. "Curious ako sa kaunting hindi pagkakaintindahan na iyon since nakita ko sasaktan niyo si Phinea dahil lang doon," ani ni Victor. Kinuha ko ang atensyon ni Victor. Napatingin siya sa akin at puno ng concern tinanong kung nasaktan ako Bahagya ako umiling at sinabi ko na ayos lang ako. Gusto ko magsorry dahil sa gulo na iyon at nahihiya ako. "Gusto ni mom... Gusto nina mom mag invest ka sa company," bulong ko. Naiyukom ko ang kamao ko. "Wala problema sa akin ang pera. Mag iinvest ako," ani ni Victor. Napatigil ako at napaangat ng tingin. "Victor... " "Huwag ka na mag isip pa ng kahit ano, mas mahalaga sa akin ang well being at peace of mind mo kaysa sa pera." Hindi ako guguluhin ng parents ko kung ibibigay ni Victor lahat ng gusto ng mga ito pero... Nilingon ko ang parents ko na bakas ang tuwa pagkatapos marinig sinabi ni Victor. Hindi pwede palagi ganito. Ayoko abusuhin ng parents ko ang mga Difabio katulad ng pang aabuso nila sa akin. Ayoko masaktan sina Victor even ang isa sa mga tao sa loob ng mansion na iyon, ayoko ako maging dahilan 'non. "Simula ngayon hindi na ako part ng pamilya ng mga Lawson... Putulin na natin kahit anong koneksyon... Koneksyon meron tayo," bulong ko. Nashock ang parents ko at sinigawan ako. "Ano!" "Akala mo ba habang buhay ka papaburan ng mga Difabio? Pinakasalan ka lang ni Victor dahil isa kang Lawson!" sigaw ng dad ko. Nakita ko susugurin ni ate Catherine parents ko ngunit hinawakan ko si ate. Napatingin siya sa akin, fade ako ngumiti at umiling. "Ikaw! Paano ka nakakasigurado na iyon ang reason bakit ko siya pinakasalan," pikon na sambit ni Victor. Sinabi ni Victor na huwag ako maniwala dahil kahit ano mangyari susuportahan niya ako. Bahagya ko tinapik braso ni Victor na nakapulupot sa katawan ko. Alam ko iyon. — Expected na ni Victor na lalapit ang parents ni Phinea kay Phinea. Balak niya gumawa ng magkahiwalay na deal for Phinea ngunit hindi niya akalain na straight na puputulin ni Phinea ang koneksyon nito sa sariling pamilya na never nangyari 'nong past life nila. "Phinea?" nag aalala na pagkuha ni Victor sa atensyon ng babae. Napatingin si Phinea. Lumuhod ang lalaki sa ibaba ng sofa kung saan nakaupo si Phinea. "Kailanman hindi ko naramdaman na anak nila ako," bulong ni Phinea. Hinawakan ni Victor ang pisngi ni Phinea. "Why did you do this? Nagulat ako," bulong ni Victor. Nagtataka si Phinea tiningnan si Victor. Parang tinatanong kung ano iyon. "Madami sila ginawa na masama sa iyo pero bakit ngayon mo lang naisipan putulin koneksyon mo sa kanila. Medyo curious ako naiisip mo," mababa ang boses na sambit ni Victor. Natatakot siya na may iba pa gawin si Phinea. Sa isip ni Victor kakausapin niya mamaya si Catherin at ang mom niya, kapag wala siya idistract ng mga ito si Phinea at huwag aalisin sa paningin. Pumasok sa isip ni Victor si Phinea na nasa loob ng puting kahon. Napahawak ng mahigpit si Victor sa tuhod. 'Bago mamatay si Phinea sinunog niya lahat ng bagay na pamamay ari niya, damit, regalo, pictures at documents. Dalawang araw din siya hindi tumawag sa akin at bago iyon sa unang pagkakataon nakita ko na nakipag away siya sa parents niya. Kung alam ko lang gagawin niya ito hindi ko na siya hinayaan umuwi.' "Tinitake advantage nila ang mga Difabio, sinaktan si nanny at... At hindi nila kayo nirespeto. Aware naman ako na kaya niyo tinutulungan mga Lawson dahil sa akin kaya nagdecide na ako putulin koneksyon ko sa kanila," flat na sagot ni Phinea. Napatigil si Victor noong marinig iyon. "Pamilya mo sila," ani ni Victor. Sumagot si Phinea ng no. "They are not," bulong ni Phinea at yumuko. "Never sila naging masaya para sa akin at never nagkaroon ng concern sa feelings at opinion ko," dagdag ni Phinea then pumasok sa isip niya ang mga Difabio. For the first time may gusto siya bagay na protektahan at ikeep sa mundo na iyon. Tiningnan ni Phinea si Victor. "Tandaan mo Phinea na itong mansion na ito ang tahanan mo at kahit pa kamuhian ka ng lahat ng tao sa mundo, nandito ako at ang Difabio family na nasa side mo. Specially ako na kahit saan ka pumunta, susundan kita at sasama ako," bulong ni Victor. Sinabi ni Victor na pamilya din sila. Bahagya ngumiti si Phinea at tumungo. Tumaas na si Phinea sa room niya at sakto naman pagdating ng parents ni Victor. "Ano nangyari sa daughter in law ko? Nasaktan ba siya! Any injury?" ayon ang bungad ng ina ni Victor pagkapasok sa mansion. "Mom relax!" Inuga uga kasi siya ng ina at paulit ulit tinanong kung ano nangyari kay Phinea. "She's fine pinotrektahan siya ng mga staff ng mansion na ito specially ni nanny," ani ni Victor. Lumingon ang ama ni Victor sa mga staff ng mansion. "Lahat ng staff sa mansion na ito dodoble ang matatanggap na sweldo start ngayon buwan," ani ng matanda. Tuwang tuwa ang mga staff at nagthank you. Natatawa lang naman si Catherine na yakap ang braso ng nanny na nakatayo sa pintuan ng kusina. "Aray mom!" reklamo ni Victor ng paghahampasin siya ng ina. "Kapag naulit pa nangyari na ito at nakaranas pa ng injustice si Phinea sa mansion na ito. Tatanggalan na kita ng hita. Naging lalaki ka pa hindi mo kaya protektahan ang asawa mo!" sigaw ng ginang. Nagtago si Victor sa likod ng ama. "Mom, hindi na mauulit. Huwag ka na magalit," ani ni Victor at hinimas himas ang braso niya. Napangiti na lang si Catherine nong makita ang side na iyon ng kapatid. Imbis kasi magreason ito sabihin na wala siya 'nong oras na iyon or hindi sita informed mabilis ito nagsorry at tinanggap ang pagkakamali. Nagiging kakaiba ang kapatid niya lalo na kapag dating kay Phinea. Kinabukasan, "Victor! Hindi ka ba kakain ng breakfast?" tanong ng madam. Nagmamadali kasi si Victor bumaba ng hagdan, kumuha lang ito ng sandwitch at diniretso ng inom ang gatas na kalalapag lang ni Phinea para sa kaniya. "Sorry mom nagmamadali ako. May photoshoot kami ngayon sa studio," ani ni Victor. Hinalikan niya sa pisngi ang asawa at tumakbo paalis. "Akala ko wala siyang pasok. Tanghali na," komento ni Catherine. Tinulungan kasi ni Victor si Phinea mag impake ng mga gamit at magsave ng mga contacts sa phone ng babae. "Contacts?" ulit ni Catherine. Tumango si Phinea tapos pinakita niya ang phone niya kay Catherine. "Emergency... Number, number ni mom, dad at ni sister in law." Napa oww si Catherine. Inaya na niya si Phinea kumain. "Handa na ba ang mga gamit niyo?" tanong ng madam. Excited na tumango ang dalawang babae sinabi na ready na mga gamit nila pati ang ticket. Noong paggabi na after ng work hour ni Victor dumiretso ang lalaki sa tambayan nila sa club. As usual nandoon mga barkada niya kasama ang ibang girls. "Wow, himala napadalaw ka dito. Lumitaw ka Victor!" komento ni Jack Lewis matapis makita ang kaibigan. Tinanong ni Robin kung annul na ba sina Phinea at Victor. "Stop cursing. Hindi iyon mangyayari," react ng lalaki at nakipagbomb fist sa mga kaibigan. Dumampot ng alak si Victor sinabi na nasa trip ang asawa niya kasama ang ina at kapatid. "Ayun kaya naman pala napadaan dito. Ayaw mag isa sa kwarto," nang aasar na sambit ni Dion at binigyan ng space sa pagitan nila ni Jack ang kaibigan. "Madami bagong dating. Interested ka?" tanong ni Kiel na natatawa. Siyempre binibiro niya lang ang kaibigan, sino ba sa kanila hindi nakakaalam kung gaano ka head over heels si Victor sa asawa ni pagpunta sa club tinigil na nito. "Nandito lang ako para uminom at magrelax. Dont mind me," tanggi ni Victor at sumandal sa sofa. Diretso iniinom ng lalaki ang alak sa kopita. Nagsimula na ang sayawan, malakas na tugtugan, tawanan at walang sawa na inuman. Maliban sa may mga boyfriend sa grupo, pinaalis na nina Kiel ang ibang mga babae respeto kay Victor na paulit ulit kinukulit ng mga babae na napapadaan sa table nila dahil walang babae na katabi. Habang nainom ng alak napatingin siya sa phone niya noong magvibrate iyon. Nakita niya pangalan ng asawa sa screen kaya agad kinuha iyon at sinagot. "Wife!" Kailangan sumigaw ni Victor dahil sa malakas na tunog. "Aha! Nawala ka lang sister in law nambababae na si Victor!" pang aasar ni Catherine. Sumilip kasi si Catherine at nakita iyong background. "Stop talking nonsense. Sinabi Robin lang kasama ko," depensa ni Victor at pinakita sina Kiel. "Hi sister at Phinea!" sigaw nina Jackson at kumaway. Ilan lang babae sa table nila at mga may boyfriend ito. "He... Hello." "Honey napatawag ka. Nakarating na kayo sa hotel?" tanong ni Victor. Tumango si Phinea at pinakita sa screen mom ni Victor na nakatayo sa pintuan at may kausap na staff. "Midnight... Midnight na, hindi ka ba uuwi sa mansion?" medyo worried na tanong ni Phinea. May pasok bukas si Victor at wala siya sa tabi nito para gisingin ito kung tanghali na ito magising. "Uuwi na ako maya maya lang. Inuubos ko lang itong iniinom ko," ani ni Victor tapos pinakita iyong kopita na may alak. Sinabi ni Phinea na mag aayos pa sila ng mga bagahe. Sinabi ni Victor na huwag patayin ang call. Ngumiti si Phinea tapos tumango. Binaba ni Victor ang phone sa table at hinarap sa kaniya. "Cheers!" sigaw ni Victor at nakipag toast kay Dion. Hindi nag uusap si Victor at Phinea pero nanatili nakaconnect ang tawag, sumisilip silip sa ginagawa ng isa't isa. "Mas maganda complexion ng asawa mo compare sa last na nakita namin siya 'nong wedding. Akala namin nagpalit ka na ng asawa," natatawa na biro ni Kiel. Naalala ni Victor iyong situation kung saan kapag nagkita kita sila magbabarkada lagi napapasama sa usapan nila si Phinea at may comment mga barkada na masama about sa pagiging irresponsible niya. May mga time na napipikon siya dahil doon without thinking na concern lang mga ito sa kaniya. "Malaki din nabago kay Victor. Less iritable na ito tapos hindi palagi nakasimangot," komento naman ni Robin at tumawa. Napapokerface si Victor sinabi na hindi siya nagbago. "Ganiyan siguro kapag inlove talaga. Nabalitaan ko din smooth din masyado pag sail ng career ni Victor lahat ng project na movies either commercial naghihit," natatawa na sambit ni Kiel. Inakbayan ni Jack ang kaibigan sinabi na araw araw niya nakikita pangalan ni Victor sa hot search. "Balita ko din isa si Victor sa kasama maging candidate sa best actor award. I'm curious kung masusungkit agad iyon ni Victor sa first try lang," natatawa na sambit ni Robin. Nagkapustahan pa magbabarkada dahilan para mabato sila ni Victor ng nadampot na coins nasa lamesa. "Wala ba kayo tiwala sa akin na makukuha ko best actor award? Kailangan pa ba kayo magpustahan?" pagyayabang ni Victor. Nagkakatuwaan sila nang mahagip ng mga mata ni Victor si Everen. Nasa dance floor at ngayon hawak sa kwelyo ng isa sa mga lalaki na nandoon. "Si Everen," ani ni Victor. Napatingin si Robin sa tinitingnan ni Victor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD