20

2488 Words
Chapter 20 "Class reunion?" ulit ko. Naikwento ni dad na gusto ng mom niya mag attend ng class reunion. Hindi daw pumayag si dad. "Next week iyon at wala ako. Isang linggo ang trip nila siyempre hindi ako pumayag at nagagalit mom mo sa akin," kwento ni dad. Tinanong ko si dad siyempre kung bakit, napakaunreasonable naman kung hindi papayag si dad dahil hindi siya kasama. Pagkakaalala ko classmate sila ng mom ko noong college. "Half sa class namin may gusto sa mom mo at invited doon ang long time ex ng mom mo. May tiwala ako sa mom mo pero dahil lalaki ako alam ko nature ng kapwa ko lalaki. Nalaman ko pa na divorce siya at kinokontak na naman niya mom mo," ani ni dad. Nagsuggest ako na isama ni mom si ate at Phinea. Napatigil si dad tapos nilingon ako. Pinaliwanag ko na hindi tatanggi si mom at mawawalan din ng chance mga aaligid sa mom ko. Sumandal ako sa hood ng sasakyan. Naalala ko bigla noong past ko may nabalitaan ako na nagkaroon ng time na nagkaroon ng malalang away parents ko. Malakas kutob ko na related iyon sa reunion party ni mom. Magandang bonding din iyon para sa girls at kay Phinea. Maya maya lang tinawag kami ni ate Catherine sinabi na nagluto si Phinea baka gusto pa namin kumain. "Gusto mo sumama?" tanong ko. Nakaupo ako ngayon sa harap ng table katabi si Phinea. Naiopen up ko about sa reunion party ni mom tapos concern nj dad. "Paano... Paano ikaw?" tanong ni Phinea. Nagtataka ko siya tiningnan. "Malayo ang ve... Venue," bulong ni Phinea. Tumawa lang ako at pinisil pisngi ni Phinea. "I'm fine, medyo busy din ako next week pero siyempre kapag gusto mo ako makita or namis kita kahit 6 hours pa ang biyahe pupuntahan kita," ani ko. Tumango-tango si Phinea sinabi na sasama siya kina Catherine at mom. "Here kumain ka ng madami," ani ko tapos naglagay ng piraso ng isda sa plato ni Phinea siyempre himay na iyon. After namin kumain nauna si Phinea sa itaas at kausap ko si ate. "Mom's ex?" ulit ni ate. Napataas ng kilay si ate Catherine. "Iniisip mo ba lolokohin ni mom si dad kaya gusto mo bantayan ko si mom?" tanong ni ate. Agad ko pinagcross ang mga braso ko at sumagot ng no. "Hindi magkakaroon ng peace of mind si dad habang nasa business trip kapag nasa labas si mom kaya sabi ko bantayan mo si mom," explain ko. Pwede magdala ng family members at inaya naman kami ni mom sumama sa kaniya sa reunion so? Its fine. Feeling ko kasi may something sa reunion na iyon kaya nagiinsist si mom sumama. Hindi mahilig si mom sa mga party at isa pa tuwing may business trip si dad palagi kasama si mom, that's why medyo nag aalala ako bakit hindi sumama mom ko kay dad at mas gusto pa nito mag attend ng reunion. "Hindi ka pa inaantok?" tanong ko pagkatapos ko yakapin si Phinea mula sa likod. May hawak siya na towel at pinatutuyo ang dulo ng buhok niya. Naramdaman ko umiling siya tapos ibinaba ang towel. Humarap siya sa akin tapos tiningnan ng may pagtatanong. "May... May conflict ba kina mother in law at father... Father in law?" tanong ni Phinea. Nag aalala ba siya? "Natural lang naman sa couple ang conflict at misunderstanding. Huwag mo sila isipin," ani ko tapos bahagya hinawakan ang ulo ni Phinea. "Madami ako nakain sigurado pagagalitan ako ng manager ko kapag dumagdag ang timbang ko," ani ko. Gusto ko matawa noong nanlaki mata ni Phinea. Mukhang narealize niya na madami siya niluto tapos inubos ko iyon. "Sorry," ani ni Phinea. As expected iyong word na sorry ay is parang hello lang para sa kaniya. Automatic na nasasabi niya sa kahit ano na sitwasyon. Hinawakan ko ang kamay niya tapos pinatong sa dibdib ko at dahan-dahan ibinaba iyon. "I think kailangan mo itake ang responsibility. Kailangan ko magbawas ng timbang agad at matunawan," banat ko tapos ngumiti. Shock na umatras si Phinea pero siyempre hindi ko siya hinayaan makadalawang hakbang palayo sakin. Agad ko hinapit ang bewang niya at ngumisi. "Saan ka pupunta?" Napaupo siya sa gilid ng kama at napayuko naman ako. Nakatingala siya sa akin at nakatingin sa mga mata ko, nanginginig mga labi ni Phinea tila may gusto sabihin pero hindi maipoint out "May sasabihin ka?" tanong ko. If pagod siya siyempre titigil ako. "Pe.. Please, be gentle." Napasinghap si Phinea noong hawakan ko ang bewang niya ng mahigpit. Si Phinea lang ng kaisa isang tao na nakakapagpawala ng kontrol ko sa sarili. I dont think magagawa ko ang iisanqg request niya na ito kung ganito siya ka adorable. Nilapit ko ang labi ko sa bibig ni Phinea, inipit ang labi niya sa mga labi ko at bahagya iyon hinila. Nakakatawa dahil kusa ni Phinea hinabol ang mga labi ko at hinawakan ang batok ko para ilapit pa ang labi ko sa labi niya. Nagsimula bumigat paghinga ni Phinea noong naihiga ko siya sa kama at hilahin ang tali ng night dress niya. Noong dumampi ang mga palad ko sa balat ni Phinea tila napaso ako sa init niya at paunti unti kumalat ang init na iyon sa katawan ko. Namumungay ang mga mata ni Phinea pinasadahan ako ng tingin pagkatapos ko hubarin ang pang itaas ko at yumuko para bigyan siya ng mumunting halik sa pisngi papunta sa labi. Kinaumagahan, Nagising ako noong tumunog ang phone ko na nasa side table. Pikit ang mata na inabot ko ang phone na nasa table gamit ang isang kamay at sinagot iyon. "Hello." "Sinabi ko naman sa iyo may appointment ka sa Rozu car company ng 5am. Ano oras mo balak pumunta dito?" tanong ng manager sa kabilang linya. Napahawak ako sa ulo at naimulat ang mata. Nakalimutan ko may new schedule ako at need ko maaga pumunta sa company. "Papasok na ako," tinatamad na sagot ko at binaba ang phone. Napalingon ako noong bahagya bumangon si Phinea tapos tiningnan ako ng kakaiba. "Late na ako. Pwede mo ba ako tulungan magprepare?" tanong ko. Agad naman tumango si Phinea tapos umupo ng maayos sa kama. Nakita ko siya diretso lumabas ng kwarto para siguro magluto ng breakfast as usual. Sunod sunod ang work schedule ko at ngayon nakakaramdam ako ng pagod dahil mas gusto ko ngayon magstay sa mansion kasama si Phinea. "Annoying." Pagpasok ko ng bathroom nagshower na ako at tinapos ang mga ritual ko. Paglabas ko nakita ko na si Phinea na naglalapag ng mga susuutin ko sa kama. Napangiti na lang ako noong lumingon siya. Ordinaryong araw kasama ang pinakamaganda kong asawa. Binigyan ko ng halik sa pisngi si Phinea bago kinuha iyong pants ko. Habang inaayos ko ang neck tie ko nakita ko may hawak naman sapatos si Phinea at ang bag ko. Noong umupo ako sa gilid ng kama para isuot sapatos ko naramdaman ko na pinatutuyo ni Phinea ang buhok ko. "Thank you honey," ani ko tapos inabot ang kamay niya at hinalikan ang likod ng palad niya. Hindi siya nagsalita at niyakap lang ako sa leeg. Pagkababa ko may inabot na sa akin si Phinea nalunch bag. "Hindi ka sasama mag umagahan?" tanong ni Catherine. Kinuha ko ang hawak ni Phinea. "Late na ako may bago ako schedule," sagot ko at hinawakan ang gilid ng ulo ni Phinea. "Alis na ako," paalam ko tapos hinalikan si Phinea ng magaan sa labi. "Mag iingat.. Mag ingat ka." Napangiti na lang ako at naglakad na palabas dala iyong lunch bag. Nakita ko pa si Phinea noong pagkasakay ko ng sasakyan is nakatayo siya sa may pintuan tapos nakatingin sa sasakyan ko. Pagkakabit ko ng seatbelt sandali ko binaba ang bintana. Nagtataka siya tiningnan ako. "Wife, pumasok ka na sa loob. Malamig," ani ko. Tumawa na lang ako tapos nagflying kiss and sinara ang bintana. Pinaandar ko na ang sasakyan. Natutuwa ako dahil hindi traffic at mukhang mas maaga ako makakapunta sa company. Masyado perfect ang araw na iyon para sa akin, masyado ako masaya in some reason. Hanggang sa pagdating sa company as usual nakatanggap ako ng complain sa manager ko kahit hindi naman ako nalate since may 5 minutes pa na natitira bago ang oras na napag usapan. Bukod doon naging smooth naman ang negotiation at ang photoshoot. Noong breaktime na agad ko tinawag ang manager para kuhanin na ang phone ko. Umupo ako sa sulok ng room tapos agad nagbigay ng message kay Phinea. "Ito lunch bag mo. Iniinit ko na laman nan," ani ni manager. Nagpasalamat ako at kinuha iyon para kumain. Natutuwa ako dahil sa top ng lunch box may isa pa na sandwich doon na na natitira. Apat kasi iyong nilagay ni Phinea kinain ko na iyong tatlo as breakfast kanina. Binigay ko kay manager iyong isa. "Ubusin mo iyan manager. Gawa iyan ng wife ko, nageffort ka naman ipasok ito dito kaya tanggapin mo yan as may reward," banat ko. Tinaasan niya ako ng kilay. "Totally na maappreciate ko ang sincerity mo kung pera ibibigay mo sa akin instead itong pagkain," mapait ang mukha na sambit ng manager pero kinuha niya iyon. "Maswerte ka sa asawa mo. Ang sarap niya na magluto ang sarap niya pa gumawa ng sandwich," ani ni manager. Siyempre as a proud husband agad ako nagbrag about sa kung paano ihandle ng asawa ko ang diet ko. "Kapatid ni Peregrine Lawson ang asawa mo hindi ba? Alam na ba ng asawa mo iyong issue ng mga Lawson ngayon?" tanong ng manager. Tiningnan ko ang manager ko. "May mga lumalabas na scandal ng mga Lawson sa social media dahilan para bumaba ng todo ag rate ng company ng mga Lawson at makaapekto sa image ni miss Peregrine." Hind ko alam kung nakakarating iyon kay Phinea or ginugulo pa siya ng pamilya niya ng hindi ko alam. Mas better na kausapin ko nga mamaya si Phinea about doon. Nagigipit ngayon ang mga Lawson kaya 100% sure ako na tatakbo sila sa mga Difabio at kung tatanggi parents ko tumulong si Phinea guguluhin nila. Speaking of gulo, nakita ko sa screen ng phone ko name ni ate Catherine. Kinuha ko ang phone ko at sinagot. "Isa ba sa mga plano mo ito? Are you out of mind! Nakalimutan mo na ba na Lawson ang first name ng asawa mo!" sigaw ni ate. Nagulat naman ako at bahagya nilayo phone ko sa tenga. "Pwede ba kumalma ka muna? Ano nangyari?" tanong ko sa kapatid ko at tumayo para lumabas ng room. "Dumating dito ang mga in laws mo kanina lang. Buti na lang talaga naisipan ko umuwi kanina kung hindi nabully na naman si sister in law," ani ni ate. Kinukulit ng mga ito si Phinea na pakiusapan daw ako na mag invest ulit sa kompanya nila. Napahawak ako ng mahigpit sa phone ko at sinabihan ko si ate na hintayin ako umuwi. Hindi ako papayag na mabully na naman nila si Phinea, hindi pa ako patay para hayaan sila. Kalaunan sa mansion, "Ma.. Mom?" Napaatras ako noong makita ang mom at dad ko sa pinto. Nagulat pa mga ito noong makita ako. "Aha, mukhang masyado na maganda buhay mo dito at nakalimutan mo na may mga magulang ka," ani ni mom. Napahawak ako ng mahigpit sa suot ko na dress. Dumiretso sila sa living room. Agad ko sila sinundan at sinabihan wala mga in laws ko doon at si Victor. "Masyado rude kung... Kung magiinvite ako ng ibang tao sa mansion ng wala silang permiso," nanginginig na sambit ko. Agad naman sinamaan ako ng tingin ni mom. "Ano ibig ko sabihin na ibang tao? Nakalimutan mo na ba na galing ka sa pamilya ng mga Lawson at kung nasaan ka ngayon ay dahil na din iyon sa amin!" sigaw ng mom ko. Tinuro turo niya ako at sinabi na wala ako utang na loob at walang kwentang anak. "Ibang tao na turing mo sa amin dahil lang nakapangasawa ka ng mayaman? May maganda ka na damit at mga suot na alahas!" sigaw ni mom. Parang gusto ko na lumubog sa lupa noong marinig ko iyon ag maramdaman tingin sa akin ng ilang maid. "Young madam?" Napatigil ako at lumingon. Humarang si nanny at sinabihan ang parents ko. "Mawalang galang na mrs Lawson pero nasa mansion ka ng mga Difabio at ngayon nasa harapan mo ang young madam ng mga Difabio atleast bigyan mo ng kahihiyan ang madam," ani ng nanny na akala ko is ayaw sa akin noong una ako makita. Strict kasi siya nakikita ko na palagi niya napapagalitan mga maid tapos nalaman ko na si nanny din ang nagpalaki kay Victor. "Sino ka para sumagot sa akin ng ganiyan! Anak ko si Phinea at natural na pagalitan ko siya at ituro sa kaniya ang tama!" sigaw ng mom ko. Natatakot ako na nakatingin kay mom at nahihiya na din dahil madami staff sa mansion na iyon ang nandoon sa living room. "Mrs Lawson anak niyo si young madam ngunit ngayon ay isa na siya sa parte ng pamilya ng mga Difabio. Malaki ang respeto sa kaniya ng mga amo namin specially ang young master sapat para sabihin ko na ang well being niya is hindi mo dapat minamaliit. Sinisigawan mo ang young madam na ni isang beses hindi niya na experience sa mansion na ito. Mukha ba dekorasyon lang ang pangalan na nasa tabi ngayon ng pangalan ng young madam?" tanong ng nanny. Nagulat ako noong sampalin ng mom ko ang nanny. "Nanny!" sigaw ko at napahawak sa braso ng nanny. "Katulong ka lang ang lakas ng loob mo pagsalitaan ako ng ganiyan!" sigaw ng mom ko. Naiiyak ako, wala ako magawa. "Ahh! Ahhhh!" Napalingon ako noong marinig ko sumisigaw si mom at nakita ko ang butler na hinahampas ng walis ang mom ko. "Nababaliw na ba kayo! Hindi niyo ba ako nakikilala!" Pinigilan ni dad ang butler ngunit may nagtapon sa kanila ng tubig. Napatili mom ko dahil tubig iyon galing sa mop. "Binubully mo ang young madam! Malinaw utos sa amin ng young master! Protektahan ang madam!" Pinagtulungan nila ang parents ko dahilan para matulala ako. Maya maya bumukas ang pinto. "Ano nangyayari?" Dumating si ate Catherine na nabitawan mga hawak niya na paper bag. Agad siya lumapit sa akin na hawak si nanny. "Sister in law? Bakit ka umiiyak?" Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Tinanong ni Catherine ano kailangan ng parents ni Phinea. "Bakit nagkakagulo kayo dito?" "Pumunta lang kami dito para dalawin ang anak ko dahil ilang buwan na din niya kami hindi kinokontak. Hindi ko akalain na ganito niya kami itatrato," ani ng mom ko. Hindi ko magawa makapagsalita either madepensahan ang sarili ko. "Gusto niya kami paalisin, bilang ina sumama ang loob ko at gusto ko lang siya disiplinahin pero itong nanny niyo kung anu ano na sinabi sa akin at hinahampas naman ako ng butler niyo ng tambo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD