Chapter 19
"Vic… Victor?"
Pakiramdam ko lumalayo ang boses ni Phinea. Hindi ako makahinga— may nag alis ng facemask ko at tinakpan ang bibig ko.
"He... Hey look at my eyes. Breath," ani ni Phinea na nakatayo sa harapan ko at nakadikit ang noo niya sa noo ko. Kalma... Kumalma ka Victor. Natatakot si Phinea.
Nagpromise ka hindi mo siya papaiyakin ulit. Pull yourself together.
Napaubo ako at doon nagawa ko huminga sa ilong. Napansin ko na may mga tao sa paligid ko at tinatanong kung tatawag ba sila ng ambulansya.
May nagpapaypay sa akin at inaabutan si Phinea ng inhaler.
"Lumayo kayo ng kaunti mas lalo siya hindi makakahinga kung lahat kayo nakapalibot dito."
"Ayos lang ba kasama mo?"
Napatigil ako noong makita ko ang familiar na guy. Hindi ako pwede magkamali— bakit—
Napatingin ako kay Phinea noong hawakan niya ang pisngi ko at nagtama ang mata namin na dalawa.
"Ano nangyari sa iyo? A... Ayos ka lang ba?"
Nahawakan ko ang kamay ni Phinea na nasa pisngi ko at ngumiti ng fade. Nagsorry ako dahil sa idea na pinag alala ko siya.
'If hindi mo siya alagaan ibigay mo na siya sa akin!'
Isang guy ang bigla na lang sa akin sumugod after ng fan signing. Pinagpipilitan nito ibigay ko sa kabila si Phinea at ang guy na iyon is—
"Ha? Kasal kailan?"
Nasa likod kami ng backstage at kaharap namin iyong guy na nagpakilala na Lian.
"Bigla... Biglaan din kasi iyon."
Natawa iyong guy at mas nainis ako noong hawakan niya sa ulo si Phinea pero hindi ko magawa sumugod at pigilan siya— why? Dahil wala siya masama na intensyon at isa siya sa mga taong dapat ko bayaran ng utang.
"Nandito ka ba para ipakilala siya? This is the first time na nagdala ka ng guy dito at nagpakita out of the blue ng hindi namin iniinvite."
Napatigil ako noong marinig ko iyon. Tiningnan ko si Phinea na ngayon ay nakangiti at sinabi na natural lang na ipakilala niya ang asawa niya sa family niya.
"You silly, tinuturing mo pala kami pamilya pero ni hindi mo naiisapan dumalaw dito."
"Nagbabrag ka lang yata eh."
Naramdaman ko hinawakan ako ni Phinea sa kamay at nahihiya sumagot ng im not.
Tiningnan ako ni Phinea then sinabi na gusto ako ni Phinea makilala ng mga staff doon dahil pamilya na din niya ako.
Imbis matuwa nakaramdam ako ng sobrang guilt. Why? Naalala ko sinira ko ang buong lugar na iyon at pinabagsak ang maliit na theater na iyon dahil sa pride ko at maling akala.
"Si Phinea, alagaan mo siya hindi dahil asawa mo siya at isa siyang Lawson."
Napatigil ako at tiningnan si Lian. Nakaupo ako ngayon sa sofa at sa harapan ko si Lian na nakatingin kina Phinea at sa ilang artist na nandoon.
"Alagaan mo siya dahil deserve niya iyon."
Bakit hindi ko napansin ang paraan ng pagtingin niya kay Phinea. May hindi doon na may special thing siya para kay Phinea but hindi mo iyon makoconsider na romantic.
Hindi ko maintindihan bakit noong past life namin bakit siya dumating sa point na para isecure ang safety ni Phinea at hindi masaktan is hinayaan niya ang sarili masama sa scandal.
"Gusto mo ba si Phinea? Loom she's my wife now at wala ako balak igive up siya," ani ko. Napatigil ang guy at napatingin sa akin. Maya-maya bigla ito tumawa at winagayway ang kamay.
"Kapatid ang turing ko kay Phinea. 100% its just may isang tao lang na pinagkatiwala siya sa akin at nagpromise ako."
"This is why binili ko ang lugar na ito," ani ng guy na kinatigil ko. Malambot ang expression sinabi nito na kung maaari is huwag iyon sabihin kay Phinea.
Doon nalaman ko na bestfriend si Lian ng kapatid ni Phinea. Umiikot sila sa buong bansa para mag-perform na ginagawa pa din nila ngunit mas madalas is dito sila nauwi.
Tinuring nila ang lugar na ito na tahanan at ganoon din si Phinea na akala is coincidence lang ang pagmimeet nila ni Lian.
"Then bakit mo ito sinasabi sa akin ngayon? Wala ka naman intensyon sabihin kay Phinea ang totoo," ani ko. Tiningnan ni Lian si Phinea at sinabi na ako ang pinakamalapit ngayon na tao kay Phinea.
"Iyong idea na dinala ka niya dito at pinakilala is sapat na para ikonsidera ko na mapagkakatiwalaan kita at maaalagaan mo si Phinea."
"Paano mo naman iyon nasabi? Dahil ba dinala ako ni Phinea dito?" tanong ko. Lumingon sa akin si Lian at sinabing hindi.
"Im sure sa inyo natutunan ang word na family at iyon ang unang beses na narinig ko iyon sa kaniya."
Fade na ngumiti sa akin si Lian sinabi na never si Phinea na nagopen sa kanila kahit pa dati ay madalas ito doon.
"4 years ang lumipas bago pa siya nagdecide tanungin ang pangalan namin at magpakilala."
Napatigil ako noong marinig iyon. Maya-maya lumapit na sa amin si Phinea at tinanong ako kung gusto ko na ba umuwi.
"Gusto mo na ba umuwi?" balik na tanong ko. Nilingon niya ang mga tao na nandoon at kasama niya kanina.
"Baka... Baka kasi pagod ka and—"
"Dont mind me. Wala naman ako ginagawa dito at nakaupo lang ako. Totally na nakakapagpahinga ako."
Napakurap si Phinea and ngumiti. Nagthank you siya sa akin at natutuwa na tumayo. Noong tumalikod si Phinea napahawak ako ng mahigpit sa tuhod ko at napalunok.
"This is the first time na naging honest si Phinea at pinursue ang gusto niya gawin."
Phinea look happy. Huminga ako ng malalim at inalis ang pagkakaalis ng facemask ko at cap.
Napatigil si Lian noong makita ang tunay ko na mukha at talaga nagulat ito.
"Wait—"
"Victor Difabio?" ani ni Lian at nanlalaki ang mata na nakatitig sa akin. Mukhang kilala din ako nito as usual. Nagtilian ang ilang mga staff na nandoon after ako makita. Pinigilan sila ni Lian at sinabi na huwag maingay.
"Sorry for late introduction," ani ko at tumayo. Formal ko iniabot ang isa kong kamay kay Lian.
"Victor Difabio, Phinea's husband pasensya na din dahil hindi namin kayo nainvite sa kasal. You see biglaan din ang nangyari," ani ko after abutin ni Lian ang kamay niya at nagpakilala.
Wala nga makapaniwala sa mga staffs na asawa ako ni Phinea at mamemeet nila ako in person.
"Wa...wala pa din pinagbago ang lugar na ito."
Nakita ko si Phinea sa likod ng facility at nakatayo sa harapan ng swing na nakasabit sa puno.
"Gusto mo sumakay? Tutulak kita," ani ko at naglakad palapit kay Phinea. Hinubad ko ang suot ko na coat at inilatag iyon sanupuan ng swing.
"Iyong co... Coat mo," ani ni Phinea ngunit hindi ko siya pinansin at pinaupo siya doon.
"Its fine," natatawa na sambit ko at dahan-dahan siya tinulak.
"Naikwento sa akin ni Lian kung paano mo sila nakilala but curious ako bakit noong bata ka is palagi ka nandito then bigla ka huminto sa pagpunta," ani ko habang tinutulak ang swing.
"Im scared."
Tiningnan ako ni Phinea na ngayon nakatingala at nakatingin sa akin.
"Sila lang ang mga tao... Tao na mabait sa akin. Ayoko... Ayoko malaman ng mom ko ang... Ang about sa kanila at sirain ang lugar na ito."
"I... I want to protect them."
Napahawak ako ng mahigpit sa tali. Ngayon alam ko kung gaano kahalaga ang lugar na iyon kay Phinea i just wondering ano naramdaman ng dating Phinea noong nalaman niya na sinira ko ang munting tahanan niya na iyon.
"You... You look upset again."
Napatigil ako noong inangat niya ang isang kamay at idinikit daliri niya sa pagitan ng mga kilay ko.
"Mukhang... Mukhang hindi mo hate ang place na ito. Just... Just wondering bakit simula ng makapasok tayo sa theater parang lagi ka upset. You hate people too?"
"No, im not."
Hinawakan ko ang kamay ni Phinea at hinalikan ang wrist niya. Inilagay ko sa pisngi ko ang mga palad ko.
"Just im not feeling well since then pero ayoko umuwi."
Iyon naman ang totoo. Ayoko umuwi lalo na nakikita ko nag-eenjoy si Phinea sa company ng mga staff doon.
After namin sa swing may staff lumapit sa amin sinabi na may dumating na mga pagkain at sinabi doon daw nagkaaddress. Wala sila inioorder.
"Ah..."
Sinabi ko na order ko iyon para sa mga staff dito at bayad na iyon.
"Hindi mo kailangan mag-abala sir Victor nakakahiya," ani ni Lian na nakatingin sa mga pagkain na pinapasok sa venue.
"Its fine, sigurado hindi din kakain ang asawa ko kung hindi kayo kasama kumain. Mukhang ayaw pa din naman umuwi ni Phinea so? Enjoy the food then."
Tinapik ko si Lian sinabi na huwag isipin iyon dahil part iyon sa pangispoil ko sa asawa ko. Nakita ko si Phinea na natutuwa nakasilip sa mga pagkain na inihahanda kasama ang ilan pang bata na staff.
So? Ayon kumuha na nga sila ng makakain. Nanonood lang ako since then and maya-maya lumapit sa akin si Phinea.
Medyo nagulat ako dahil may dala siya na isang plate na madaming pagkain at dalawang spoon.
"Is... Is it okay na mag... Magshare tayo ng pagkain?"
Natawa lang ako sinabi na bakit hindi sa akin magiging okay iyon? Mukhang nahirapan si Phinea kumuha ng pagkain para sa amin dalawa kaya sa iisang plate na lang kami.
Gusto ko ng shrimp ang problema is hindi iyon balat. As in kailangan pa balatan kaya patingin-tingin na lang ako doon.
Ayoko kamayin kasi madumi at hindi din ako marunong magbalat gamit lang ang kutsara at tinidor.
Nagpatuloy kami sa pagkain at pinaghiwa ko ng chicken si Phinea.
"Phinea—"
Napatigil kaming dalawa noong iabot ko sa kaniya iyong maliit na plate na may hiwa-hiwa ng chicken sakto din may inaabot niya sa akin plate ng shrimp. Nagkatitigan kami na dalawa at agad siya na namula.
Natawa ako st kinuha iyon. Nagthank you ako kay Phinea at inilagay sa harapan niya iyong plate na puro chicken at cut na.
Walang araw na hindi ako naamaze kay Phinea after ko magtry lumampas sa boundary niya. Tiningnan ko si Phinea na kinakain iyong chicken at natutuwa na kinukutsara iyong sauce before niya isubo ang piraso ng chicken.
Hindi ko ineexpect na habang pinanonood ko si Phinea is nakatingin lang din siya sa akin.
Deserved ko ba talaga ang ganitong babae sa buhay ko? Tiningnan ko si Phinea na napatigil at agad tumingin sa akin.
Inosente niya ako tiningnan at parang nagtatanong ng why. No naniniwala ako na ako lang deserved sa kaniya ngayon at kahit noong first life namin that's why nandito ako.
After namin kumain nagkaroon ng mga group pictures at siyempre fan signing.
"Please,take care my wife kapag napapapunta siya dito," ani ko. Madami sa staffs ang kinikilig sinabi na sila ang bahala kay Phinea.
Gabi na noong napagpasyahan namin ni Phinea na umuwi na. Dumiretso ako sa bathroom tapos hinubad lahat ng damit ko. Sobra kasi init at talagang pinagpawisan ako.
Habang nakaharap sa salamin hinawakan ko ang balikat ko kung saan may tattoo. Medyo kumikirot pa din kapag pinahapapawisan ako.
May kumatok sa pinto kaya napatingin ako.
"Nag... Nagprepare na ako ng susuutin mo. Maglu... Magluluto ako ng dinner. Gusto mo kumain?"
Medyo nag-alala ako dahil pagod si Phinea at gabi na kaya naman lumapit ako sa pinto at bahagya iyon binuksan. Nanlaki ang mata ni Phinea at agad na tumalikod.
"Ano act iyan? As if naman hindi mo pa ito nakita."
Nauutal sinabi ni Phinea na bukas ang ilaw at hindi siya sanay. Natawa na lang ko nagsorry.
"Kung pagod ka at nagugutom pwede tayo mag-order sa labas. Huwag mo pilitin sarili mo," ani ko. Umiling-iling si Phinea.
Nahihiya sinabi ni Phinea na gusto niya ako ipagluto. Bahagya ako napatigil at napangiti. Itinungkod ang isa kong braso sa pinto at idinikit ang labi ko sa likod ng ulo ni Phinea.
"Then suit yourself. Kahit ano lutuin mo kakainin ko."
Actually hindi ko feel kumain dahil pagod ako at kumikirot iyong braso ko but siyempre— matatanggihan ko ba si Phinea?
After ko magshower sinuot ko iyong pinili sa akin ni Phinea na damit. Nagpapasalamat ako dahil cotton iyon na t-shirt and medyo maluwag kaya hindi dumidikit sa skin ko.
Pagbaba ko nakita ko si ate Catherine and Phinea sa kusina.
"You look happy. Magkwento ka naman? Kamusta date niyo?" tanong ni Catherine. Nakaupo si Catherine sa lamesa at nakatingin kay Phinea.
Nauutal si Phinea sa pagsasalita as usual ngunit nakikita ko na kahit ganoon ang pananalita ni Phinea interesado pa din ang ate ko sa pakikinig. This is why kampante ako kahit minsan wala ako sa tabi ni Phinea dahil nandito ate ako.
Nararamdaman ko na may malaki din part si ate sa paunti-unti pagbabago ng complexion ng asawa ko. Hindi ako nagkamali na lapitan si ate ng gabi na iyon at ibilin sa kaniya si Phinea.
"Guy? Nagselos si Victor!"
Napapokerface ako noong makita ko na halos mahulog si ate sa pagtawa— medyo binabawi ko na sinabi ko. Hindi ko kapatid ito.
"I... I'm not sure. He look upset that time, i thought ayaw... Ayaw niya sa theater and doon sa pinanonood namin."
Tumatawa si Catherine sinabi na dapat nagvideo si Phinea tapos sinend sa kaniya. Gusto niya makita paano ako magmaktol.
Napabuga ako ng hangin. Hindi ko alam kung pupunta ba ako sa kusina para pigilan ang ate ko sa pagdaldal or hindi na muna dahil nakikita ko na nagkakatuwaan sila.
"Gabi na. Ano pa ginagawa mo dito sa baba?"
Napatigil ako at napalingon sa hagdan. Sa taas nakita ko dad ko na pababa. May hawak ito kaha ng sigarilyo at mukhang magsmoke.
"Magluluto ng dinner si Phinea. Nasa kusina si ate. Ayoko sila istorbohin."
Inaya ako ni dad sa labas ng mansion. Sinabi ko na ayaw ni mom ng amoy ng sigarilyo.
"I know kaya magshower ako mamaya," sagot ni dad at nagsindi ng sigarilyo. Tinanong ko si dad kung may problema ba sa company at mukhang stress ito.
Nakikita ko lang nagsisigarilyo si dad kapag stress ito and may mga iniisip.
Nasa isang club house kami dito sa may parking lot. Sinabi ni dad na nag-away sila ng mom niya.
"You did something wrong dad?" tanong ni Victor. Tiningnan siya ng ama at pinaningkitan ito ng mata.
"Bakit ako agad?" tanong ng matanda. Tumawa si Victor sinabi na kapag mom niya may kasalanan bati sila agad at hindi maisstress out ng ganon dad niya kung malinis konsensya nito.