Chapter 18
Iyong idea na may susundo sa kaniya sa labas is sapat na para buong araw makaramdam ng excitement si Victor na agad tapusin ang trabaho niya at umuwi.
"Iyong asawa mo nasa labas?" ulit ng manager habang kaharap si Victor na naghahumming abang inaayos ang buhok sa salamin at may hawak na cap.
"Yes kaya hindi ako makakasabay ngayon. Ikaw na bahala kina director gumawa ng palusot," ani ni Victor at natutuwa lumabas ng tent. Paglabas ni Victor sakto dumating si Rin na nagtataka sinundan ng tingin si Victor na naglalakad paalis.
"Hindi ulit sasama si Victor?" tanong ni Rin. Sumagot ng no ang manager.
"You see mukhang may sariling way si Victor para ienjoy ang sarili niya," natatawa na sambit ng manager.
Kalaunan sa labas ng site. Nasa loob ng isang restaurant si Phinea kasama si Catherine.
"Ang pait," reklamo ni Catherine out of the blue habang nakangiwi at may hawak na cup ng coffee.
Pumasok sa isip ni Phinea si Victor dahil ganoon din ang expression ni Victor noong nagsubok ito mag-order ng black coffee.
"Here sister."
Napatigil si Catherine noong ipagpalit ni Phinea ang baso nila.
"It is okay na black coffee sa iyo? Pwede pa naman ako mag-order," ani ni Catherine. Pinagpalit kasi ni Phinea ang inumin nila.
"Its fine black coffee din.. Dapat oorder-in ko kanina."
Halatang nagtataka si Catherine bakit caramel ang iniorder ni Phinea instead black coffee.
"Pareho... Pareho kayo ni Victor. He like try something new and nakapunta na kami dito before."
Naikwento ni Phinea na na curious din si Victor sa coffee na iyon and hindi nga nito nagustuhan ang lasa.
"Favorite mo black coffee?" tanong ni Catherine. Nagpalit na sila ng inumin at tiningnan si Phinea na kasalukuyang hinahalo ang kape na nasa tasa.
"Im not its just... I dont mind kung ano ang kainin or inumin ko," sagot ni Phinea. Nakatitig lang si Catherine kay Phinea na binaba ang kutsara.
"Part ka na ng family namin sister in law at ang existance mo alone is enough para baguhin ang ikot ng mundo ni Victor," ani ni Catherine na kinatigil ni Phinea. Napatingin ang babae.
"Please huwag ka masyado maging harsh sa sarili mo," dagdag ni Catherine at ngumiti. Sinabi ni Catherine na pamilya na sila at importante ang well being ni Phinea.
"Even magkulong ka sa room mo may mga tao pa din inaalala ka and nais malaman ang like mo at dislike," ani ni Catherine. Napahawak ng mahigpit si Phinea sa tasa at naitikom ng madiin ang labi.
"Wa... Why? Bakit... Bakit ang bait niyo sa akin?" tanong ni Phinea na ngayon ay nakayuko.
Natawa si Catherine at sumimsim sa kape. Sinabi na pamilya na nila si Phinea.
"But... But hindi ako maganda. Wala din ako maitulong for Victor at... At alam ko nuisance lang ang existance ko sa pamilya niyo dahil sa mga Lawson. Kung... Kung hindi ako asawa ni Victor... Hindi... Hindi niyo kailangan iendure ang pagtitake advantage ng pamilya ko."
Hindi lingid sa kaalaman ni Phinea na sinusuportahan ng pamilya ng mga Difabio ang career ni Peregrine at maliit na company ng mga Lawson dahil sa kaniya.
"Its fine pera lahat iyon ni Victor isa pa masyado madami pera ang gago na iyon. Gasino na iyong idonate niya iyon sa pamilya ng mapapangasawa niya," sagot ni Catherine at natatawa tinapik ang balikat ni Phinea. Imbis mapanatag si Phinea mas lalo pa ito nag-alala.
Bahagya ngumiti si Catherine at binaba ang kamay niya.
"Hindi mo napapansin but after mo dumating sa mansion ng mga Difabio madami ang nagbago sa pamilya namin lalo na kay Victor."
Napatigil si Phinea at tiningnan su Catherine. Fade na ngumiti si Catherine at sinabi na before dumating si Phinea wala sila na naging chance na kumain ng sabay-sabay at makita ang pagmumukha ni Victor.
"Im not sure kung ano nangyari habang nasa ibang bansa ako but— iyong Victor na kilala ko ngayon is malayong malayo sa Victor na kilala namin."
Bigla naalala ni Catherine iyong nakita niya si Victor before siya pumunta sa ibang bansa.
Nakita niya si Victor sa loob ng kwarto. Nagkalat ang madaming script book sa sahig at sa loob ng kwarto ay isang malaking screen.
Nagtaka si Phinea noong marinig iyon at makita ang expression ni Catherine. Puno iyon ng pagkadisgusto at pag-aalala.
"Nandito lang pala kayo."
Dumating si Victor na sumulpot sa likuran ni Phinea. Hinalikan ni Victor sa pisngi ang asawa na agad naman tumawa noong namula ang dalawang tenga ni Phinea at ibinaba ang sarili para itago ang expression.
"Shameless," react ni Catherine noong makita ang kapatid at little gesture nito toward Phinea.
"What? Natural lang ito sa mag-asawa," ani ni Victor at tumawa.
"Atleast iwasan niyo ang PDA at huwag niyo gawin iyan sa harapan ko."
Nilabas ni Victor ang dila at sinabi na inggit lang si Catherine. Humila ng upuan si Victor at idinikit iyong upuan sa upuan ni Phinea.
"Naglunch ka ba? Hindi naman siguro puro sweets kinain mo mula kanina," ani ni Victor after makita mga pagkain na nasa table. Umiling-iling si Phinea.
"Kumain kami kanina ni Phinea sa malapit na restaurant before pumunta dito," ani ni Catherine at nagcut ng cake na nasa plate niya.
Mukhang walang narinig si Victor at patuloy ito sa pagkocompliment sa asawa. Kung gaano ito kaganda tapos mabango.
"Nagbago ka ba ng perfume?"
Catherine feel relived at sumimsim sa hawak na tasa. Hinayaan ang dalawa mag-usap at hindi inabala.
"Excuse me."
Napatigil si Catherine at nag-angat ng tingin. May gwapong lalaki at tinanong si Catherine kung may cellphone number ba ito.
"Kanina pa kasi napapansin and gusto sana kita makilala."
Diretso tingin ng lalaki at may full of confidence. Napatingin si Catherine sa likuran ng lalaki kung nasaan ang table ng mga kaibigan nito. Nagtatawanan ang mga ito ang nagbubulungan.
"Hindi ko dala ang phone ko," banat ni Catherine kahit ang phone nito is nasa ibabaw ng table. Kumunot ang noo ng lalaki at tinuro ang phone na nasa ibabaw ng table.
"Then kanino ang phone na iyan."
"Its mean ayoko ibigay ang number ko. Bakit ka pa magtatanong?" pagtataray ni Catherine at umayos ng upo. Hindi makapaniwala si Catherine na may mga tao nagagawang magsinungaling without blinking an eye.
Anyway, hindi siya interesado makipag-date sa kahit na sino.
"Hey tita. Hindi ba halata nagpapakagenerous na ako dito? Gasino na iyong bigay mo sa akin ang number—"
"What tita? How dare—"
"Hindi mo ba narinig sinabi ng ate ko? Sinabi niya ayaw niya ibigay ang number niya at malinaw niya sinabi iyon."
Napatigil ang lalaki noong mapatingin ito sa kabilang side ng table. Nakita niya si Victor. Nakasuot ng facemask ang lalaki at kahit nakasuot ito ng high neck na longsleeve at coat nakikita ang temporary tattoo ng lalaki na mula sa likod ng palad hanggang sa leeg
Nakapatong ang braso ng lalaki sa likod ng upuan ni Phinea na kasalukuyang nag-aalala dahil sa pangooffend ng lalaki kay Catherine.
Gusto tumawa ni Catherine noong parang bata ito nagbanta at umalis noong makita si Victor.
"Ngayon ko lang napansin. Mukha kang gangster at nagbago ka ng style," tumatawa na sambit ni Catherine. Bahagya ni Victor hinawakan ang dulo ng facemask niya para huminga.
"Galing ako sa work malamang at kailangan ko itago ang tattoo ko," sagot ni Victor. Napatigil si Victor noong may dumutdot sa likod ng palad niya na nasa table. Napalingon siya sa asawa.
"It is hurt?"
Napangiti si Victor then kinuha ang chance na iyon para dumikit sa asawa at humilig sa balikat nito.
"A little."
Lie, magaling na ang tattoo niya at hindi iyon gaanong masakit dahil hindi naman real tattoo iyon. Temporary lang ang tattoo.
Napairap na lang si Catherine dahil sa pag aact ni Victor na nasasaktan para kaawaan diyan ni Phinea na mukhang effective naman dahil naagaw na nito ang 100% atensyon ng babae.
After nila kumain ng dessert nagpaalam na si Catherine na uuwi.
"Hindi ka sasama sa amin?" tanong ni Phinea. Agad na nag no si Catherine dahil ayaw niya maging third wheel.
"Sige na sige na alis ka na," banat ni Victor at pinagbuksan ng sasakyan ang kapatid. Tinanong ni Catherine si Victor kung hindi ito magtithank you dahil sinamahan niya si Phinea buong araw ani ni Catherine after pumasok sa sasakyan.
"Heh, alam mo na ayaw ko ng utang na loob ate right? Malaking utang na loob ito at kung nangailangan ka in future call me kahit buhay ko ibibigay ko sa iyo," banat ni Victor at tumawa. Napairap si Catherine sinabi na aanhin niya ang buhay ni Victor.
Noong isara na ni Catherine ang pinto bahagya nawala ang ngiti ni Victor. Sinundan niya ng tingin ang sasakyan ni Catherine.
"This time— please ate tawagin mo ako at humingi ka ng tulong sa akin."
Sa loob ng kotse sa backseat pinasiklop ni Catherine ang mga kamay at pinaglaruan ang mga daliri. Tumingin ang babae sa labas ng sasakyan at bahagya pumikit.
"Dumaan tayo sa hospital," bulong ni Catherine at sumandal sa upuan.
"Ha? Saan tayo pupunta Phinea?" tanong ni Victor. Nasa parking lot sila ngayon. Tinanong ni Victor saan siya balak dalahin ni Phinea.
May hinalungkat si Phinea sa bag niya tapos inabot kay Victor ang dalawang piraso ng papel.
Napatigil si Victor noong kuhanin iyon at makita na ticket iyon.
"Theater?" tanong ni Victor at tiningnan niya si Phinea. Naaalala niya na binigyan din siya ni Phinea ng ticket ng theater for two at iyon din ang ticket na iyon.
Pinagkaiba lang is birthday niya iyon. Bahagya ni Victor nahawakan iyon ng mahigpit.
"Why theater? Ayaw mo ba sa mga cine?" tanong ni Victor. Naalala niya naging reaksyon niya noong bigyan siya ni Phinea ng ticket sa isang theater. Pinagtawanan niya pa si Phinea sa idea dahil sa pagiging old fashion nito.
"Date," bulong ni Phinea. Bahagya yumuko ang babae.
"Gusto... Gusto kita makadate."
Napangiti si Victor at hinayaan na lang. Naiisip niya siguro fan lang si Phinea ng theater at gusto siya nito kasama manood. Siyempre matanggihan ba naman niya ang asawa.
Inaya na ni Victor si Phinea patungo sa sasakyan.
—
Noong makarating kami sa location kung nasaan ang theater medyo nagulat ako. How? Maganda kasi ang ambiance ng lugar at hindi mo aakalain na venue ito ng theater.
Hawak ni Phinea ang kamay ko noong pumasok kami sa loob. Inabot ko iyong ticket sa nagbabantay sa entrance na bahagya nagulat after ako makita.
"Miss, ngayon may kasama ka na."
Kinausap ng guy si Phinea. Kumunot ang noo ko dahil mukhang kaedad lang din ito ni Phinea at hindi mapagkakaila na may hitsura ito.
Nakita ko na fade ngumiti si Phinea and before pa siya makapagsalita is nakita ko na lang sarili ko na nasa leeg ni Phinea ang isang braso ko at nasa likod niya ako.
"Im her husband," sagot ko. Nakita ko napatingala si Phinea at napatitig sa akin.
"I see," ani ng lalaki at medyo awkward na napakamot sa ulo. May kilala na guy si Phinea at ngumiti siya.
"Why?" tanong ni Phinea out of the blue noong naglalakad na kami papasok. Hindi ko alam pero bigla ako nainis. Nagseselos ba ako? Absolutely not— why ako magseselos? Ako si Victor Difabio?
Tinaguriang may pinakamagandang mukha sa buong Asia at ilang beses din nagfront ang mukha ko sa men's magazine.
"Miss Phinea akala ko hindi ka ulit makakapunta."
Muntikan na ako mapamura dahil may isa na naman na lalaki ang lumapit.
"He... Hello. Hindi... Hindi naman ako nalate hindi ba?"
Tumawa ang lalaki sinabi na hindi pa sila tapos magprepare sa stage. Natutuwa pa ito nagkomento kung paanong mas gumanda si Phinea.
Hindi ba ako nakikita ng gago na ito? Lumapit ako at hinawakan ang bewang ni Phinea— fake ako na ngumiti at nagpakilala.
"Ow, im Karl," pakilala ng lalaki tapos inabot ang kamay niya. Fake ako ngumiti at kinuha iyon. Ngayon lang ako naoffend ng ganito like parang hindi ako nakita nito kanina.
Nagpaalam na iyong Karl sinabi na kailangan niya buhatin iyong mga materials na nasa stockroom at dalahain sa backstage.
Hinawakan ako ni Phinea tapos tumungo sa mga upuan. May ilang tao doon na audience na nasa edad 40s pataas.
Kakaunti ang tao but compare sa ilang theater place na napuntahan ko halatang inaalagaan ang lugar.
"Kilala mo mga staff dito?" tanong ko. Medyo curious ako bakit familiar mga tao dito kung sa pagkakaalam ko is hindi komportable si Phinea sa mga stranger.
"Family."
Napatigil ako and lumingon. Bahagya yumuko si Phinea and fade na ngumiti.
"All of... Them is like my family... Family to me."
Napakurap ako. Why wala ako nabasa na information about sa lugar na ito at sa mga— naitikom ko ang labi ko.
Tama, walang kahit na sino nakakaalam sa mga simpleng bagay about kay Phinea. Personal details lang ang alam ko kay Phinea hindi ang lahat ng bagay about sa kaniya.
"If ever... Ayaw mo ba sa mga ganito na place? You... You look upset," bulong ni Phinea. Agad ko naman tinanggi iyon.
"Im okay kahit saan as long as kasama kita," ani ko at napakamot sa likod ng ulo. Dapat siguro magsorry ako mamaya dahil mukhang naging rude ako.
Gusto ko malaman paano ni Phinea nakilala mga tao doon at nasabi na para itong pamilya niya.
Maya-maya lang nag-start na iyong play. Historical iyong theme at aaminin ko hindi ako fan ng mga ganito na genre.
Unang scene is pinahihirapan ng mga tagapaglingkod ang isang babae. Pinakita ang hardship ng babae ngunit kahit ganoon nagagawa pa din nito na ngumiti.
May inabot na isang plato ng pagkain at dito agad iniuwi ng babae sa kanilang tahanan. May umiiyak na sanggol sa loob ng tahanan na iyon at agad ito nilapitan ng babae.
Pinakain sa sanggol ang lugaw at bakas sa ina ang sobrang saya habang nasa bisig niya ang sanggol. Sa bawat scenario lumalaki ang bata.
Naging suwail ito dahil sa pambubully ng ibang bata at sinisisi ang sariling ina sa paghihirap niya.
"Kung hindi mo ako isinilang at ikaw ang naging ina ko hindi ito mangyayari sa akin!"
Pagkatapos noon ay lumayas ang bata sa kanilang tahanan, walang nagawa ang ina kung hindi umiyak.
Sa ilang scene is madami pinalampas na opportunity ang ina isa na doon ang umalis sa kanilang lugar para magtrabaho at iwan ang anak. May nagkakagusto din sa ina ng bata na mayaman na lalaki ngunit ayaw nito sa anak ng bata kaya naman walang pagdadalawang isip na hindi ito sumama sa lalaki.
Hindi marunong magsulat ang ina at hindi ito makapagsalita kaya hindi nito makausap ang anak. Gumagawa ito ng mga sign ngunit hindi iyon mabasa ng anak at nagagalit ito.
"Sorry, mahal ko na anak. Hindi ko maibigay sa iyo ang karangyaan dahil sa aking pagkukulang. Wala ako ginusto sa buhay na ito kung hindi ang mapasaya ka at maalagaan."
Noong gabi at kumalma na ang bata umuwi siya sa kanilang bahay. Doon nakita niya ang ina na nakasabit at wala ng buhay. Nagpakamatay ito.
Hindi ko alam ngunit noong makita ko ang scenario na iyon is bigla ako nahilo. Hindi ako makahinga at nanginginig mga braso ko.