Chapter 17 Tamang tama dahil halos walang tao noong pumunta sina Phinea at Victor sa bagong bukas na restaurant. "Good evening sir and ma'am ano ang order niyo?" Nagbubuklat si Victor ng menu habang si Phinea is tumingin tingin sa paligid. Gusto ni Phinea ang ambiance sa restaurant. Salamin din ang rooftop kaya naman nakikita ni Phinea ang kalangitan doon kapag tumingala siya. Siyempre sa umaga sarado iyon at kapag gabi lang iyon is binubuksan. "Phinea, may gusto ka ba kainin?" tanong ni Victor after mahinang katukin ang table sa side ni Phinea para agawin ang atensyon ng babae. Napatingin si Phinea. May ilang waitress ang napatingin sa table ng dalawa. Ilan sa mga ito kinikilig. Why? Dahil sa mga sweet gesture ni Victor— iyong boses nito at mga tingin kay Phinea. "Sir girlfrie

