09

2147 Words
Chapter 09 Hanggang sa matapos ang script ni Victor wala sa mga tao sa loob ng audition room ang nagawa huminga ng maayos. Masyado sila nadala sa emosyon at acting ng dalawang tao na nasa gitna ng audition room. Even ang producer at director ilang minuto din bago makapagsalita. "Salamat Everen!" Hinampas ni Victor sa likod si Everen na muntikan na masubsob. Napamura ang lalaki at tiningnan si Victor na tumatawa lang. Iyong third na meeting nila as final cast napag-usapan nila ang about sa drama. "Mr Everen, ano masasabi mo sa character ni Jude?" tanong ni Rin Quen kay Everen. Tiningnan siya ni Jude at ibinaba ang hawak na script. "Siya ang pinakapathetic na character sa story at the same time pinakamatapang," sagot ni Everen. Madami sa scene ang sinubukan ang pagiging police ni Everen at pagiging tapat nito sa tungkulin dahil sa bestfriend nito na si Arson. May mga time na nagdududa na siya sa kakayahan niya at will niya bilang police officer dahil sa iisang tao. "Nakakalungkot lang dahil at the end wala siya na protektahan sa career at bestfriend niya." "Hindi pa din ako makamove on sa pinakalast na chapter. Namatay si Arson sa mga kamay mismo ni Jude at ginive up ni Jude pagiging police niya dahil doon," bulong ng isa sa mga cast. "Wala siya kasalanan." Iyon ang reason bakit naging hit ang drama sa future pati na din iyong novel. "Ikaw mr Difabio? Ano masasabi mo kay Arson?" tanong ni Quen. Hindi inalis ni Victor ang tingin sa hawak na script. "He was one of the unlucky bastard na pinanganak para magkaroon ng character development ang male lead at iba pang supporting character." Muntikan na ni Everen maibuga ang iniinom noong marinig ang sagot ni Victor. Tiningnan ni Everen si Quen na ngayon hawak ng mahigpit ang script at mukhang pinipigilan ang sarili ihampas iyon sa ulo ni Victor. "Iyon ang reason kaya sa drama na ito bibigyan ko siya ng justice," ani ni Victor at ibinaba ang script. Ngumiti si Victor sinabi na hindi magtatapos ang drama na iyon ng may tao sa bansa na iyon na hindi nakakakilala kay Arson Jael." "Hey si Jude ang male lead sa drama na ito," banat ni Everen na nakapokerface. Noong makumpirma kung sino mga cast ng adaptation at date kailan iaannounce ibinalita niya agad iyon kay Phinea. Bakas sa mukha ni Phinea ang gulat noong nalaman na isa sa mga cast si Victor at si Arson ang character nito. Iyong favorite character niya sa novel at minsan iniyakan ni Phinea noong mafinalize ang ending. "Wow! Worth it pala talaga investment ko sa drama at mag audition bilang isa sa mga cas—" Bigla niyakap ni Phinea si Victor ng mahigpit. Napatigil ang lalaki noong marinig na magthank you si Phinea. "For sure sisikat ang story na iyon dahil... Dahil nandoon ka." Napangiti na lang si Victor. Hindi pa nagsisimula ang drama at naibabalik iyong investment niya nakuha na ni Victor ang reward sa effort at pera niya. Nakita niya kasi iyong gulat sa expression ni Phinea, iyong kislap ng mga mata nito sa tuwa and dahil sa excitement nayakap siya nito. Nakarinig din siya ng thank you at compliment. — "Jairus Laretto?" ani ko habang hawak ko ang calling card niya at documents na iniabot niya sa akin. Nagtaka ako noong nagtago sa likuran ko sina Jack after dumating si Jairus sa meeting place namin. "Jairus Laretto, 31 years old may 5 years experience bilang manager sa entertainment industry at meron anger issue. Ayoko sa stupid na artist at mas lalo sa mga pushover." Doon pa lang sa paraan ng pagpapakilala ni Jairus gusto ko na ito ihire. Pinaupo ko sa siya sa upuan na nasa harapan ko. Sinimulan ko na basahin iyong mga documents na nasa loob ng folder. Napatigil ako noong nalaman ko na isa sa mga artist na nahawakan niya is iyong kasalukuyang nangunguna ngayon na banda sa music industry. "Kilala niyo siya?" tanong ko at nilingon sina Jack na nagkataon nandoon din sa restaurant na iyon. "Naalala mo iyong kinuwento ko sa iyo last year na may naoffend na manager si Kiel at pinahiya siya sa buong team." Tumayo na si Jairus at mukhang paalis na ito. "Mr Laretto, hindi pa kita pinaaalis. Hindi pa tayo tapos mag-usap hindi ba?" tanong ko. Naiyukom ni Jairus ang kamao then bumalik sa upuan niya. "Anyway, maganda records mo. Walang dahilan para hindi ko iconsider ang pag-apply mo sa akin as my new manager." "Mostly sa mga manager na gusto ako ihold hindi satisfied sa new working schedule ko," ani ko. Sinabi ko nga sa kaniya na isang drama lang tatanggapin ko sa isang buwan at ilang commercial." "Its fine for me but pagdating sa mga project na gusto mo kuhanin once a month— ako ang pipili at kung may project ka na gusto tanggapin kailangan mo pa din ang permiso ko and its up to you paano ako ikoconvince. Anyway, i will quit if wala sa mga drama mo maghit. Hindi ako pinanganak na mayaman katulad mo so? I need to earn para mabuhay." Napapalakpak ako ng marinig ko iyon. Perfect siya as my manager at sigurado wala na ako magiging problema in future. Iyon ang inaakala ko not until magstart na siya magwork at magmeet sila ni Kiel. Anyway, he have a knack to make everyone annoyed as long as naibubuka niya bibig niya. Iyon lang naman naging problema ko sa kaniya iyong pagiging honest niya at walang pakialam kung may maoffend siya. So far maganda naman mga ipinakikita niya at marunong siyang kumilatis ng magandang drama. Noong nalaman niya at nakita niya iyong script na kinuha ko para sa sarili ko wala naman siyang sinabi na kahit ano. Kinausap niya lang ang producer at nagpakilala na bilang manager ko. Siya na din nag-asikaso noong mga kailangan na papers na need ko pirmahan for investment. Hindi ko iniexpect na sobrang dami pala ng process 'non at buti na lang may experience din si manager sa field na iyon at hindi ko na kailangan maghire pa ng ibang tao. Kailangan ko lang bayaran si manager at dagdagan income niya. "Here." Napatingin ako kay manager noong may naglapag ng coffee sa table ko at apat na folder. "What is this?" tanong ko at binuksan iyon. Napatigil ako noong may makita ako na mga application. "Kailangan mo ng personal hairstylist, make up artist at personal assistant. Its look like troublesome para sa mga artist na tulad niyo pero naniniwala ako na sa field na ito importante na may sarili ka na mga tao," ani ni manager. Sinabi ni manager na nandito na lahat ng need ko malaman sa mga contact niya na assistant need ko lang pumili tapos ilipat iyon sa isang folder. Mostly sa nirecommend ni manager ay mga kilala na make up artist at maasahan na assistant. Mga nasa mid 30s at may experience. Balak ko din naman kausapin si manager about dito dahil noong past life ko naaalala ko na iyong manager ko ay lahat ng napipili niya na tao para iassista ako during project kung anu-anong problema binibigay sa akin. Masyado ako focus 'non sa goal ko kaya iyong mga ganito kaliit na bagay at basic needs ko as an artist hindi ko na pinapansin at siniset aside. Masyado ako nagtiwala sa manager ko. Ngayon iniasikaso ito ng new manager ko beforehand without asking him masasabi ko na mas better siya kaysa sa ex manager ko kahit may pagkatrouble maker ang bagong manager. — Before 5pm as usual nakauwi na ako. Pag-uwi ko nakita ko si Peregrine sa living room kasama si— Jairo Saharo, last year nakuha nito ang best actor award at pinagmamalaki ni Peregrine. Ito din ang kasalukuyang boyfriend ni Peregrine at artist ng ex manager ko. "Nice to see you Difabio? Pasensya na hindi ako nakaattend ng kasal mo sa kapatid ni Peregrine. Dont worry nagdala naman ako ng wedding gifts para sa inyo," maangas na sambit ni Jairo habang nakasandal sa dibdib niya si Peregrine na nakatingin sa akin. "Nag-abala ka pa pero thanks," kalmado na sambit ko at ngumiti. Isa sa mga maid ang inutusan ko na kuhanin iyon tapos dalahin sa room namin ni Phinea. Heh, kitang-kita ko ngayon ang hindi makapaniwala na expression ni Jairo at ni Peregrine. Kinuha ko ang gifts at nag-act na hindi interesado. Tumalikod na ako para tumaas ng hagdan nang makita ko si Phinea pababa ng hagdan. Suot pa din nito iyong longsleeve ko at kasalukuyang nakatali ang buhok. Mukhang kagigising lang nito at bumaba. "Phinea?" Kinukusot ni Phinea ang mga mata pagkababa ng hagdan tapos tiningnan ako na nakatayo malapit sa pintuan. Naglakad palapit sa akin si Phinea at isinandal ang ulo sa dibdib ko. Anyway, umuuwi ako bumababa na si Phinea para salubungin ako? Why? Hindi ko alam. Binuhat ko si Phinea at tinanong ito bakit pa ito bumaba kung inaantok pa ito. Mukhang half sleep pa si Phinea noong bumaba ito at pilit na bumangon para salubungin ako. Naalala ko ganoon ginagawa ni mom kapag pumapasok si dad sa work niya tapos umuuwi. Naghihintay ito sa living room then siya magbubukas ng pinto. Napangiti na lang ako noong makaakyat na ako ng hagdan buhat si Phinea at buksan ang room namin na dalawa. Kalaunan sa living room, Hinampas ni Peregrine sa balikat ang boyfriend niya noong sinundan pa nito ng tingin si Victor buhat si Phinea. "Babe bakit ka naman bigla nanakit?" tanong ni Jairo at natatawa niyakap ang girlfriend. Mabilis na nagbago ang expression ni Jairo at gumawa ng nakakatakot na ngiti. Hindi niya kasi akalain na may sobrang gandang kakambal si Peregrine. He means maganda talaga si Peregrine ngunit iba ang level ng ganda ng babae na nakita niya kanina pababa. Hindi niya ineexpect na ito pa din iyong babae na nakilala niya few years ago na may suot na malaking salamin, balot ng damit ang katawan at sobrang payat. Gumaganda ang katawan ni Phinea dahil sa pag-aalaga ni Victor. Hindi na din ito nagsusuot ng malaking salamin at mga pang manang na outfit. "You idiot, Phinea." — Tuluyang nagising ang diwa ni Phinea noong maramdaman niya ang halik at paghinga ni Victor sa gilid ng leeg niya. Bahagya naitulak ni Phinea si Victor palayo sa kaniya. Nahihiya si Phinea sinabi na gusto niya maligo. Tinatakpan ng babae ang labi at umiwas ng tingin. Tumawa lang ang lalaki at hinawakan ang bewang ni Phinea. "Its fine. Hindi ka naman madumi. Alam ko since ako ang naglinis sa iyo before ako umalis," ani Victor na may pang-aasar. Agad na namula ang babae at sumagot ng no. "Gusto... Gusto ko maligo." Nahihiya si Phinea na tinakpan ang sarili at nanginginig na nakatingin kay Victor. "Fine... Fine maligo ka na. Inaasar lang kita," natatawa na sambit ni Victor at hinawakan ang pisngi ng babae. Hinalikan niya sa pisngi si Phinea at umupo sa gilid ng kama. Bumangon na si Phinea at napatitig si Victor sa katawan ng babae. Bumaba ang kwelyo ng suot na sleeve ni Phinea kaya naman malaya na nakita ni Victor ang maputi na balikat ni Phinea. "Even bahay niyo ito sa huwag ka lalabas ng kwarto na ganiyan ang suot," ani ni Victor at tinakpan ang bibig. Umiwas ito ng tingin at napaangat naman ng tingin si Phinea na kanina lang is hinahanap ang phone niya. "So... Sorry, " ani ni Phinea na nahihiya na yumuko. Sa isip ni Phinea maaari na ginawa niyang katawa-tawa ang sarili niya at nahihiya si Victor na makita siya ng ibang tao na ganoon ang hitsura. "You look upset. Its not like kinahihiya kita or something. May bisita kanina si Peregrine sa ibaba at masyado ka sexy sa suot mo." Napatigil si Phinea at napatingin kay Victor. Nakaupo ang lalaki sa gilid ng kama, nakacross leg at tinatakpan ang bibig. Salubong ang kilay nito na nakatingin sa ibang direksyon. "I know you didn't mean it but im your husband. May mga bagay na dapat ako lang makakakita at hindi ibang tao," ani ni Victor. Sinabi ni Victor na gusto niya dukutin kanina mata ng boyfriend ni Peregrine. Kung hindi niya buhat kanina si Phinea baka nga nawalan na ito ng mata. Napatigil si Victor at napalingon noong nakita niya sa peripheral vision niya na bigla nagtaklob ng kumot si Phinea. "I-stop. Nahihiya... Nahihiya na ako. Hindi na iyon... Hindi na mauulit." Napangisi na lang si Victor at sinabi na kapag hindi pa naligo si Phinea ngayon at pinagpatuloy nito pagpapakita niya ng cute side bukas na si Phinea makakaligo. Agad naman na bumaba si Phinea sa kama at dala ang kumot na tumakbo patungo sa bathroom. Nawalan ng expression si Victor at tumingin sa side ng balcony habang nakahalumbaba. "Annoying, this is the first time na gusto ko ilock si Phinea sa room at ikeep siya para sa sarili ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD