Chapter 10
Huminga ako ng malalim at binuksan iyong closet ko. Lumuhod ako at binuksan iyong drawer na nasa pinakaibaba ng closet. Nilabas ko iyong dati ko na laptop at tumayo.
Isinara ko ang closet at naglakad palapit sa table ko. Umupo ako sa harapan ng table and binuksan ko ang laptop ko.
Kagat ang labi na iniopen ko ang laptop at kinakabahan buksan ang official account ko.
Bumungad sa akin ang million followers at sobrang dami na message.
'Nag-quit na ba talaga siya?'
'Kailan ba siya babalik?'
'Waah! Gusto ko na ulit mabasa mga story niya.'
'Miss author wag ka magpadala sa mga haters. Mas madami pa din naman naniniwala sa iyo.'
Ilan lang iyon sa mga post at message na nabasa ko noong magdecide ako magquit sa pagsusulat 3 years ago.
'PhinEA!'
Nagpop sa screen ng laptop ang message ni Riquen. Classmate ko noong highschool at naging friend ko online.
'Bumalik ka na? Ikaw ba iyan? Mag-usap tayo! Oy!'
Napangiti na lang ako at nagsimula mag-type hanggang sa mag-invite ng video call si Rin Agad ko naman iyon sinagot at nakita ko siya napatayo noong makita ako.
"Oh my god! Phinea!"
Tumanyo lang ako at fade na ngumiti. Nangingilid ang luha ni Rin at umupo sa swivel chair.
"Bakit ngayon ka na lang ulit nagparamdam? Hindi mo ba alam na sobrang nag-alala ako sa iyo."
Nangingibabaw ang message ni Rin sa lahat. Iyong iba message nito sinend kahapon lang.
"Phinea, wala ako alam. Maniwala ka hindi ako ang naglabas ng story na iyon!"
"Ay... I know."
Napatigil si Rin noong marinig iyon at bumakas sa mukha nito ang relief. Alam ko na hindi iyon si Rin dahil katulad ko pareho namin passion ang pagsusulat at mahal namin ang pagsusulat. Si Rin ang huling tao na naiisip ko na ilalabas ang story na iyon at ibebenta.
"Pasensya na. Hindi... Hindi ko nagawa makapagsalita noong... Noong lumabas ang issue at... At ikaw sinisisi ng mga readers. Hindi ko—"
"Its fine. You see kilala kita. Hindi ikaw iyong tao na magistep in para humarap sa mga tao at sumalo ng mga ibabato nila."
Naibaba ko ang tingin ko. Tumawa si Rin at sinabi na hindi siya nagtatampo or binigdeal iyon dahil alam niya mga pinagdadaanan ko.
"And wala din ako magawa para sa iyo kahit alam ko lahat ng iyon."
Napatigil ako at tiningnan si Rin. Nakita ko napatigil si Rin tapos nakatitig siya kung saan.
"Wait? Mga libro ko ba iyang nasa side ng room mo at nasa bookshelves?"
Tumingin ako sa side na tinuturo niya. Sinabi ko na kumpleto ako ng books ni Rin at karamihan sa mga collection ko ay mga books niya.
"What!"
Binalik ko ang tingin kay Rin. Ngumiti ako at sinabi na hindi ko inoopen ang account na ito but its not mean hindi ko sinusubaybayan mga work ni Rin.
"Gusto... Gustong gusto ko mga work mo."
Natawa si Rin at bahagya pinunasan ang pisngi. Sumubsob si Rin sa table niya at sinabi na masaya siya dahil hindi ako galit.
Tapos ayon naikwento niya sa akin ang about sa adaptation ng isa sa mga drama niya at iyong about kay Victor.
"Curious ako sino iyong wife niya sinasabi na favorite iyong story ko kaya nag-decide siya mag-invest tapos mag-act as isa sa mga cast."
Napatigil ako noong marinig iyon. Naibaba ko ang kamay ko at in some reason nakaramdam ako ng kakaiba sa puso ko.
Ibig sabihin— para talaga sa akin iyon? Nirecommend ko story na iyon since tinanong niya ano favorite story ko. Ibinigay ko iyong book ni Rin like— hindi dahil bestfriend ko siya kung hindi dahil maganda talaga story niya.
"Active ka na ba ulit sa social media? Iyong story mo 3 years ago gagawin na din drama. Nabalitaan ko lang din kamakailan lang and guesd what sino mga cast."
Naitikom ang mga labi ko at napaiwas ng tingin.
"Damn! Nakakainis talaga ayon! Ninakaw na nga tapos kinuha lahat ng credits iyong napili pa na cast is iyong bruha mo na kakambal!"
Fade lang na ngumiti ako at sinabi na ayos lang iyon.
"No its not! After ng nangyari na iyon hindi ka na ulit nagsulat! Alam mo ba kung ilang million readers ang naghihintay sa pagbabalik mo!"
Maya-maya tinitigan ako ni Rin ng kakaiba. Umayos siya ng upo tapos nakipagtitigan sa akin.
"Sis spill the tea. Mas maayos ang complexion mo compare sa dati. Blooming ka ngayon tapos bumalik ka ulit out of the blue. Ano nangyari sa iyo this past few years?"
Noong narinig ko tanong ni Rin una pumasok sa isip ko si Victor. Victor always taking care of me at hindi ako napapalampas sa pagkain. Salamat kay sister in law tinuruan niya ako ng pagdedress up at binigyan ng mga skin care.
May mga vitamins din binigay sa akin si Victor kaya naman medyo lumalakas na ako sa pagkain at hindi na ako nahihirapan matulog.
Imbis sagutin si Rin sinabi ko na lang na babalik na ako sa pagsusulat.
"Wa-what!"
Napatayo si Rin at natutuwa na tiningnan ako.
"Babalik ka na? Seryoso!"
Tumango ako at ngumiti. Sinabi ko na feel ko na ulit magsulat.
Noong mag-5pm na nagpaalam na ako kay Rin. Pauwi na si Victor for sure.
Tumayo ako sa harap ng glassdoor na nasa balcony at pinako ang tingin sa gate.
Nakakita ako ng itim na sasakyan papasok sa gate kaya naman agad ako lumabas ng room ko para salubungin si Victor.
Noong makababa ako ng hagdan binuksan ako ang pinto at pag-angat ko ng tingin— napatigil ako dahil hindi iyon si Victor.
"You look disappointed Phinea. Ganiyan ka ba dapat bumati sa boyfriend ng twin sister mo?"
Agad ako nakaramdam ng takot at napaatras. Hindi ko gusto tingin niya sa akin.
Wala si Peregrine at ang parents namin. Totally na ako lang mag-isa sa mansion.
"Wa... Wala si Peregrine di.. Dito."
Napatakip ng bibig si Jairo at nag act na nagulat. Sinabi niya na hindi niya alam.
"Pwede ko naman siguro siya hintayin diyan sa loob hindi ba?" ani ni Jairo. Bahagya ako lumingon sa living room. Boyfriend siya ni Peregrine at sigurado hindi matutuwa sina mom at dad kapag nalaman nila na hindi naging maganda pakikitungo ko sa boyfriend ni Peregrine.
Tumabi na lang ako at hinayaan siya pumasok. Pauwi na si Victor siguro hintayin ko na lang siya sa parking lot—
Napatigil ako noong may braso ang humawak sa pinto at itinulak iyon pasara. Nanlamig ako noong maramdaman ko may mainit na hininga ang tumatama sa likod ng tenga ko.
"Mas maganda ang figure ng katawan mo at may maganda ka mukha consider na hindi ka nag-under go sa kahit ano na operation."
"Heh, ibang-iba ka sa twin sister mo. Bakit ngayon lang kita napansin?"
Nanginginig ako na humarap at tinulak si Jairo palayo.
"Lu... Lu... Lumayo ka!"
Bago ko pa mabuksan ang pinto hinila niya na ang buhok ko at bigla ako hinagis sa sofa.
Napaingit ako noong tumama ang braso ko sa coffee table. Naiiyak ako na sinabihan siya na itigil iyon.
"What the— kahit ang pag-iyak at pagmamakaawa mo— sobrang ganda mo pa din."
Hindi ako makasigaw at hindi ako makahingi ng tulong. Impit na napaiyak na lang ako habang pilit na inilalayo ang sarili ko sa kaniya at nagpapasag.
Nanuyo ang lalamunan ko noong hubarin na niya ang pang-itaas niya at ikulong ang mga braso.
Bakit ba ito nangyayari sa akin? Ano ginawa ko masama? Bakit nila ito ginagawa sa akin?
Si Victor? Ayoko magalit siya sa akin at pandirihan ako. Victor please—
"Ahh!"
Napamulat ako ng mata after makarinig ako ng nabasag at— at nakita ko si Victor.
"Tarantado ka!"
Galit na galit nito hinablot ang kwelyo ni Jairo at sinuntok sa mukha. Napahiga si Jairo sa sahig at pinatungan ito ni Victor.
Napatakip ako ng bibig at pilit na bumangon noong nakita ko na nababalutan na ng dugo ang kamao ni Victor habang sinusuntok sa mukha si Jairo.
"Vi... Victor."
Nanghihina ang tuhod ko at noong sinubukan ko tumayo napaluhod ako. Napadiin ang mga palad ko sa bubog sa sahig. Mga piraso iyon ng vase na mukhang iyon ang ginamit ni Victor para ipukpok sa ulo ni Jairo.
Naiyak ako hanggang sa may mga braso na bigla pumulupot sa katawan ko at kinulong ako doon.
Doon bumuhos ang mga luha ko at umiyak. Takot na takot ako. Wala ako magawa.
"Waah!"
—
Noong dumating ang mag-asawa na Lawson naghilakbot mga ito after makita si Jairo na halos hindi na makilala dahil sa pagkakabasag ng mukha nito. Hindi din maganda ang lagay ni Phinea at wala ito ginawa kung hindi umiyak habang yakap ni Victor.
"Mr Difabio—"
Nabato sa kinatatayuan ang dalawa noong makita ang sobrang galit sa expression ni Victor. Naglalabasan ang ugat ng lalaki sa braso at leeg.
"Huwag niyo susubukan tumawag ng pulis kung ayaw niyong kalimutan ko na ang first name ng asawa ko ay Lawson," malamig at may diin na sambit ni Victor.
Nakabalot si Phinea sa coat ni Victor at puno ng ingat ito binuhat ni Victor. Imbis umakyat ng kwarto ay dumiretso ito sa pinto palabas ng mansion ng mga Lawson.
"Mr Difabio! Sandali lang!" sigaw ng matandang Lawson at hinabol si Victor. Dudurugin sila ng matandang Difabio kapag nalaman ang nangyari.
"Mr Difabio!" sigaw ng matandang Lawson noong isara ng lalaki ang pinto ng sasakyan at pinaaandar iyon paalis.
Sa mansion ng mga Difabio,
"Mom, ang dami mo na naman binili na dress ko. Paano ko naman lahat ito isusuot? Isa lang katawan ko," reklamo ni Catherine pero deep inside natutuwa ito sa mga regalo ng ina niya.
"Kakaunti lang mga dala mo na damit. 1 year ka magi-stay dito ano balak mo suutin habang nagiistay ka dito?"
Nasa living room ang mag-ina at nagkalat ang madaming paper bag. Maya-maya may nagdoorbell.
"Sino dumating? May iniexpect ka na bisita?" tanong ng madam. Umiling si Catherine.
"Mom!"
Napatayo ang dalawa mula sa pagkakaupo noong marinig boses ni Victor tapos kalampagin ang pinto.
Napatakbo sina Catherine sa pinto at binuksan iyon.
"Ano ba nangyayari sa iyo at—"
Nagulat ang dalawa noong makita ang hitsura ni Victor at ang babae na buhat ng mga ito.
"Mom, tumawag ka ng doctor. Hindi ko madala sa hospital si Phinea," takot na takot na sambit ni Victor.
"Yaya! Tumawag kayo ng doctor bilisan niyo! Tawagin niyo din si Vincent!"
"Oh my gosh! Ano nangyari kay sister in law!"
Pinataas nila si Victor at dinala ni Victor sa room niya si Phinea na ngayon ay natutulog. Nilalagnat si Phinea at nakatulog ito dahil sa kaiiyak.
Hindi nagawa ni Catherine at ng madam na magtanong dahil sa sobra na pag-aalala nila kina Victor at Phinea.
May pasa si Phinea sa braso at halos wala na ito kahit anong tinakpan noong iuwi ito ni Victor.
Ginamot ng doctor ang pasa at sugat ni Phinea sa palad. Kinailangan din kabitan ng dextrose si Phinea dahil sa biglaan nito pagkakaroon ng lagnat dahil sa shock.
Napatakip ng bibig si Catherine noong marinig kay Victor lahat ng nangyari. Muntikan na marape si Phinea ng boyfriend ni Peregrine.
Noong malalim na ang gabi sandali umalis si Victor para kuhanin ng makakain si Phinea sa ibaba. Balak niya ng gisingin si Phinea para kumain.
Dala ang tray umakyat na ang lalaki patungo sa second floor then narinig niya ang iyak ni Phinea at boses ng mom niya.
"Phinea!"
Agad na pumasok ang lalaki sa room at ibinaba ang tray sa table. Pinipigilan ni Catherine at ng madam gumalaw si Phinea dahil sa dextrose.
"Wahh! Waah!"
Binitawan nina Catherine si Phinea noong dumating si Victor at yakapin si Phinea na umiiyak at nagpapasag.
Maya-maya dahan-dahan napatigil ang babae noong maramdaman ang familiar na yakap at scent.
Dahan-dahan minulat ng babae ang mga mata at inangat ang tingin. Nakita niya si Victor na nag-aalala ngayon nakatitig sa kaniya.
"Safe ka na. Nandito ka na sa mansion ng mga Difabio at nasa bahay ng parents ko."
Sunod-sunod na tumulo ang luha ni Phinea at nanginginig sinabi na hindi siya nagcheat.
"Hindi ako... Hindi ako—"
Napatigil si Phinea noong halikan siya ni Victor ng madiin sa pisngi at hawakan ang likod ng ulo niya.
"Wala ka dapat iexplain. Naniniwala ako sa iyo."