Flashback Nagmamadaling tinungo ni Ley ang comfort room. Panay ang tingin niya sa kanyang orasan. “s**t, hindi na talaga ako aabot.” Mayroon kasi silang oral recitation ngayon at kailangan hindi siya ma-late dahil mala-dragon iyong guro nila. Pero ihing-ihi na siya at hindi niya na kayang pigilan pa ang sarili. She wanted to curse herself. Kaagad na pumasok siya sa cubicle ng comfort room. Mabuti na lang at walang tao. Patapos na siya sa pag-aayos ng sarili nang makarinig siya ng malakas na pagsara ng pinto. Napahinto siya sa ginawang pag-aayos at nakiramdam. Nakakunot ang kanyang noo. “Labas!” Muntik nang humiwalay ang kanyang kaluluwa sa katawan niya sa lakas ng sigaw ng babae na nasa labas, at kilala niya kung sino iyon. Sa halip na matakot sa lakas at tapang boses