Archer Lachlan Alejandro “Can I have a seat first?” wika ni Lily Solera sa akin habang ako naman ay nakatitig sa kanya na nakanganga dahil sa gulat at pagtataka. I gathered myself together. “Yes, please,” wika ko at hinayaan siyang lumakad papunta sa isang magarbong couch at umupo doon. Medyo taranta naman akong umupo rin sa isa pang couch na nakaharap sa kanya. Nang makaupo siya ay tiningnan niya ako with a small smile on her face. Hindi ko maiwasang hindi siya titigan. She looks like my.. mom. “I know you’re surprised,” panimula niya. I didn’t dare to talk and let her continue. “Hindo na ako magpapaliguy-ligoy pa, Archer,” aniya pa. “What do you mean?” kunot noo kong tanong. “Nahalata ko na ang gulat mo,” she said while she’s reaching for the cup of tea on the table. Inilagay niya