I looked at the two middle aged women sitting in the sala. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil sa pagkalito na unti-unting kumlaro sa isip ko. Simula noong magkakilala kami ni madam sa London ay hindi ko siya kailanman nakitang simple. I mean, having all those luxurious clothes, bags, shoes, and makeup, isama na ang stylish niyang buhok, ay hinding hindi kailanman maiisip ng iba katulad ko na identical sila ng bisita niya ngayon. Lumapit ako sa bisita ni madam, hindi pa rin makapaniwala sa nakikita ko. Her visitor gracefully put down her cup of tea on the expensive table and looked at me with a small smile on her face. “Tita Alena.. a-anong ginagawa mo rito?” I asked. “Have a seat first. We have a lot to discuss about,” wika niya. Ginawa ko naman ang sinabi niya.