bc

THE MAFIA LORD'S ESCORT

book_age18+
1.0K
FOLLOW
4.3K
READ
HE
mafia
bxg
kicking
surrender
wild
like
intro-logo
Blurb

*Mafia Contest

*My Dangerous Lover

Galit na galit si Markus Bradley o mas kilala sa pangalan ng kaniyang organisayon bilang si Uno nang dalawang beses na na bulilyaso ang transaksiyon niya mula sa mga kasosyo niya sa ilegal nilang negosyo. May nagsuplong sa mga autoridad at napag-alaman niyang isa sa kaniyang mga galamay ang may pakana nito.

Nang malaman niya kung sino ang hudas sa kanilang grupo ay nagdesisyon ang mga itong ipaligpit ang ikatlo sa kaniyang mga galamay. Si Elwood.

Sa pagkamatay ni Tres o Elwood, kailangan nilang humanap ng kahalili nito. Isang babaeng patapon na ang buhay at wala na rin kamag-anak upang sa gayon na kapag ito ay nawala ay wala na rin maglakas-loob na maghanap pa. At dito niya na kilala si Mary o Maria Jane Salazar na isang escort sa Casino.

Paano babaguhin ng isang hamak na escort ang buhay ng isang Mafia Lord?

chap-preview
Free preview
Prologo
One month ago… “Nakikiramay kami at ang bahay-ampunan sa nangyari sa iyong amain, MJ. Kung may kailangan ka pa ay narito lang kami ni Sister Martina para sa iyo,” pakikiramay ni Sister Elvira sa kaniya. “Tama si Sister Elvira, MJ. Bukas ang mga palad namin sa pagtulong sa iyo upang makamit mo ang hustisya para sa amain mo. Alam ng diyos kung gaano ka niya kamahal at hindi ka niya pababayaan,” wika naman ni Sister Martina sa kaniya. “Salamat, ho. Huwag niyo akong alalahanin at kaya ko ang sarili ko,” wika niya sa mga ito para hindi na mag-aalala. Ipinakita rin niya ang katapangan niya kahit na naghihinagpis pa rin siya hanggang ngayon. Ilang minuto pa ang itinagal ng mga ito sa bahay ng kaniyang kinikilalang ama saka umalis na rin. Naayos na rin naman niya ang libing ng ama niya matapos niyang malaman na nagpakamatay ito. Subalit alam niya sa sariling may taong sangkot sa nangyaring ito base na rin sa inisyal na imbestigasyon ng NBI na malapit sa kaniya. Hindi rin niya isinapubliko ang libing ng kaniyang ama upang maprotektahan na rin sa mga taong gustong makiusyuso sa nangyari. Batay na rin sa mga pulis na nagsagawa rin ng sariling bersyon ng imbestigasyon ay nagpakamatay nga raw ito dahil sa kaliwa’t kanan nitong problema sa negosyo. Sa mga katulad niyang alam ang kalakarang ito ng mga pulis ay hindi siya naniniwala dahil alam niyang maraming mga kalaban sa negosyo ang taong nagpalaki sa kaniya at binigyan siya ng maayos na buhay. Mula noon ay nangako siya sa kaniyang sarili. “Handa kong isuong ang buhay ko para sa hustisya ng tatay ko.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
104.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
70.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
161.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
76.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook