Chapter 1

2150 Words
“Boss, nasa lounge sina Dos at Quatro. Kayo na lang ang hinihintay,” wika sa kaniya ng bodyguard niyang si Franco. “I’ll be there in a minute,” sagot niya. “Pero boss, ayaw ni Dos at Quatro na pinaghihintay sila.” Nagtaas siya ng tingin kay Franco sabay kumunot ang noo. “I said, I’ll be there in a minute. Sino ba ang boss dito? Sila o ako?” singhal niya. “Sorry, boss.” Napakamot ng batok si Franco sabay lumabas ng opisina niya. Isang buwan na ang nakararaan nang mabulilyaso ang transaksiyon niya at heto siya ngayon na mainit pa rin ang ulo. Walang araw na nakasinghal siya sa kaniyang mga tauhan at wala pa rin siyang balak na ayusing muli ang naging palpak nilang negosyo. He’s the CEO of Sealines Transportation Company aside of being a Mafia Lord. Isang organisasyon na tinawag niyang Seven Head Dragon at siya ang ulo nito. Kaliwa’t kanan din ang mga ilegal na ginagawa ng organisasyon niya. Masyadong iniingatan niya ang grupo lalo na sa mga matitinong opisyal ng gobyerno pero dahil sa nangyari kapalpakan ay mas lalo siyang mapanuring tao. Galit siya kung galit sa kahit sinong makaharap niya. Milyon din ang halagang nawala sa kaniya dahil sa nangyari. Tinapos lang niya ang kaniyang mga pinirmahang papeles saka siya tumayo. Naglakad siya palabas ng kaniyang opisina para puntahan ang mga tauhan niyang naghihintay sa kaniya sa lounge. Pagdating naman niya sa lounge ay nakita naman niyang inasikaso agad ng sekretarya niya ang mga ito. Napuna pa niyang iba ang tingin ni Quatro sa kaniyang sekretarya at alam niyang isa rin itong mahilig sa mga tipo nito. Subalit nang makita siya ay napawi ang tingin na iyon at sa kaniya na rin natuon. Tumayo si Dos para salubungin siya. “Good morning, Uno. Hindi mo na kami tinatawagan simula pa noong isang linggo. May problema ba tayo?” bungad agad nito sa kaniya. “Oo nga naman, Boss Uno,” sabat ni Quatro. “Wala na kaming update sa iyo at baka may bagong transaksiyon tayo na pamalit doon sa nauna. Hindi naman pwedeng wala tayong kikitain kung ganito lang din ang⸻” “Sa tingin mo ay pinapabayaan ko ang organisasyon nang dahil lang sa nangyari?” putol niya sa sasabihin ni Quatro. Matalim din ang tingin niya sa mga ito. “What happened to Tres? Inilibing na ba siya?” pag-iiba niya ng tanong. “Tapos na,” si Dos ang sumagot. “Hindi nga lang isinapubliko ang paglibing sa kaniya.” “May lead na ba ang NBI kung ano ang sanhi ng pagkamatay niya?” muli niyang tanong. Mababa na rin ang tono ng boses niya ngunit naroon pa rin ang authority sa mga ito. “Hanggang ngayon ay wala pa. Malinis ang pagkagawa namin sa pagpatay sa kaniya, Boss Uno. Nailihis na rin ang imbestigasyon at lumabas na rin na nagpakamatay ito. In fact, wala rin naman siyang pamilya kaya wala na rin maghahabol ng hustisya para sa kaniya.” paliwanag ni Quatro. “Uno, alam naming naging mahalaga rin si Tres sa iyo. Malaki ang naitulong niya sa grupo pero kailangan nating humanap ng kapalit niya. Kung gusto mo ay marami akong kilalang maging bahagi ng organisasyon na may malalaking pangalan. Ano sa tingin mo?” Ibinaling niya ang tingin kay Dos. “Okay. Find me a woman to replace his spot,” direktang saad niya. “A woman?” Kumunot ang noo ni Dos sabay napatingin kay Quatro ngunit bumaling din sa kaniya. “A-Are you sure with that?” “You heard me,” seryoso niyang tugon. “Babae na ang gusto kong kapalit ni Tres. Sa gayon ay mapapakinabangan natin ang instinct niya pagdating sa mga kliyente natin. Matagal ko na rin pinag-isipan ito since walang babae sa ating organisasyon.” “Seryoso ka nga,” ngiting tugon lang ni Quatro sa kaniya. “Anong klaseng babae ba ang gusto mong mapabilang sa organisasyon na ito? Iyon bang tipong…” Sumulyap ito sa sekretarya niya na abala sa paghahanda ng kanilang inumin saka ito bumaling sa kaniya. “Maganda, sexy, matalino at…” “Walang pamilya,” mabilis niyang dugtong. “Patapon ang buhay ngunit madiskarte. Gusto ng easy money at magtatagal sa grupo. Iyong tipong hindi mo na tuturuan pa sa mga gagawin niya at may loyalty sa atin.” Kinuha niya ang rock glass sa center table upang inumin. “Okay. Hahanap kami agad ng papalit kay Tres sa lalong madaling panahon. By the way, may mga kliyente na tayong nagtatanong kung kailan ang susunod nating shipment. Hindi naman agad ako makapagbigay ng eksaktong araw dahil marami kang ginagawa,” wika ni Dos sa kaniya. “Just wait for my signal. Kailangan ko pa ng panahon para bumalik sa dating gawi natin. Huwag muna tayong magpahalata sa mga autoridad at mainit pa ang balita tungkol kay Tres. Magpalamig muna kayo at magkita na lang tayo sa susunod na linggo.” “And how about you?” Quatro asked him. “Same as yours.” Nagkatinginan na lang sina Dos at Quatro saka sumenyas sa isa’t isa na umalis na sila. Naramdaman na lang niyang kumilos ang mga ito habang siya ay nakatingin sa malaking salamin kaharap ang malalaking gusali. Hawak pa rin niya ang rock glass niyang may kaunting laman pa na alak habang nag-iisip pa rin sa sinabi niya sa mga ito. “Sir, nasa conference na ang mga ka-meeting niyo. They are waiting for you,” saad ng sekretarya niyang si Sheena. “All right.” MATAPOS ang buong araw niya sa opisina ay mag-isa siyang tumungo sa isa sa sikat na Casino sa Pasay. Kailangan niyang aliwin ang sarili niya at pansamantalang kalimutan ang mga nagyari nitong mga nakaraang araw. “Boss, sigurado kayong gusto niyong mapag-isa?” paninigurado sa kaniya ni Franco. “Just do it what I said. Gusto kong mapag-isa, Franco.” “Boss, iniisip ko lang ang sitwasyon mo sa loob. Kung gusto niyo ay nasa paligid lang kami para makasiguro kaming safe ka,” pamimilit niya. Isang malalim na tingin ang ipinukol niya rito. “Bahala ka,” tugon na lang niya. “Areglado, boss.” Napapailing na lang siyang bumaba ng SUV niya patungong entrance lobby ng naturang Casino. Gusto lang naman niyang maghanap ng aliw sa loob, uminom at maglaro. Nais lang din naman niyang kalimutan ang sandaling pinagtatawanan siya ng mga kalaban niya sa negosyo at ang pagkawala rin ni Tres. Isa rin sa batas ng kanilang organisasyon na magpataw ng kamatayan oras na may ginawang hindi kanais-nais sa grupo. At ang ginawang pagsuplong ni Tres sa mga autoridad ay isang malaking kasalanan. Noong una, si Dos ang pinag-iisipan niya dahil ito lang ang nakakaalam ng transaksiyon na ginanap noong isang buwan. Subalit mas nakitaan nila si Tres ng mas matibay na ebidensiyang magdidiin dito kaya naman bilang ulo ng organisasyon ay ipapatupad niya ang nararapat. Mabigat din naman sa loob niya ang desisyong iyon ngunit kinakailangan upang hindi ito pamarisan ng iba. Pumuwesto siya sa bar counter nang makapasok siya loob. Sumenyas agad siya sa waiter ng iinumin niya. After that, he rolled his eyes. Abalang-abala ang mga tao sa loob habang naglalaro. Ang iba naman ay may mga magagandang escort na kasama. Ang iba nga rin sa mga ito ay napapa-cute sa kaniya ngunit wala siyang interes ngayon sa babae. Namataan din niya si Franco kasama ng ibang mga tauhan niya hindi kalayuan. But he ignores them. Ayaw niyang isipin na may mga bodyguard siyang umaaligid lang at nagmamasid sa kilos niya. Kinapa niya sa bulsa niya ang kaha ng sigarilyo at kinuha ito. Nag-iisa na lang ang laman nito kaya itinabi na niya ang kaha para itapon na. Kinapa naman niya ang isang bulsa niya para dukutin ang lighter ngunit wala ito. Damn it! Maaaring naiwan niya ito sa opisina sa hinuha niya. Madalas lang naman siyang naninigarilyo dala ng mga alalahanin niya at stress niya sa organisasyon. Ito lang din ang isa sa paraan niya para muling mag-isip. Magtatanong na sana siya sa waiter kung may lighter ito ngunit may isang kamay na rin nag-abot sa kaniya ng lighter na may nakasindi na. Natigilan pa siya at napatingin sa kamay ng isang…babae. He turned his glimpse at the woman who gave him the thing he needed. When their eyes met, he suddenly fell into a felicity motion. He saw an innocent face with her sweetest smile on him. Hindi naman pa naman siya tinamaan ng alak pero nararamdaman na niya ang atraksiyon sa dalaga. Shit! “Sir, sindihan ko na ang sigarilyo niyo? Mainit na kasi ang lighter sa daliri ko,” wika ng babae. Tumango lang siya saka naman kinuha ng babae ang sigarilyo mula sa kamay niya. Pasimple pa niyang nasulyapan si Franco na akma na sanang lalapit sa babae ngunit senenyasan na lang itong hayaan na lang. “Here.” Sabay abot ng dalaga sa sigarilyong nasindihan na. “Dapat kasi may dala kang lighter.” Kinuha niya ang sigarilyo na ini-abot nito saka siya humithit ng kaunti. Iniwas niya ang tingin sa dalaga at maya-maya lang din ay sumimsim siya ng alak sa baso niya. Wala siyang balak na e-entertain ito ngunit sa tingin niya ay makulit ito. Gusto yata nitong makuha ang atensiyon niya sa anumang paraan. “Sir, gusto mo bang samahan kita? Huwag kang mag-alala at hindi naman kita sisingilin ng service ko. Maglaro ka lang na kasama ako at ayos na iyon sa akin,” dagdag pa nito sa kaniya. Mukhang naramdaman nitong ini-ignore niya ang presensiya nito kaya mas lalo pa itong naging makulit. “I guess, you don’t understand my language. Sorry for that. I will say it again. Do you mind if I join you without my service and⸻” Bigla niya itong sinulyapan. “Just leave.” Malalim ang tingin niya rito para lang lubayan siya ng dalaga. “I don’t want your service or with someone else tonight. Also, I understand your language.” Napatikhim ang dalaga. “Uhm, sorry. I thought kasi na hindi mo ako naiintindihan dahil mukha ka rin ibang lahi.” Umupo ito sa counter katabi niya. “One cosmo, please,” wika nito sa waiter saka bumaling sa kaniya. “Akin ito. Don’t worry at hindi ko ito e-cha-charge sa iyo.” “Hindi ka rin makulit, ano?” tanong niya. “Hmm. Not so. Masyadong malalim ang iniisip mo at mukhang kailangan mo ng kausap.” “Do you know me?” Umiling ito. “Nope. Pero kung gusto mong magpakilala, why not?” Malapit na siyang mainis dito. “Miss⸻” “Mary.” Sabay inilahad nito ang palad sa kaniya bilang pagpapakilala. “Just call me, Mary Salcedo. And you are…” “I’m not interested,” pagsusungit na niya. Hindi man lang ito natinag sa ipinakitang coldness sa dalaga at ang malalim niyang tingin dito. Binawi nito ang kamay na nakalahad sa kaniya. “Ouch! Malaki nga ang problemang dinadala mo. Ako rin, eh. Wala na rin kasi akong kamag-anak, kapatid at mga magulang. And then, you don’t want me to be your escort tonight.” Biglang nagka-interes siya sa sinabi nito. “Wala kang kamag-anak?” “As I said earlier, nothing. Ulilang lubos na ako. Gusto ko na rin maghanap ng kakaibang adventure sa buhay. May alam ka ba? Gusto ko na rin kasi na umalis dito para naman maiba.” “Madaldal ka,” puna niya. “If I offer you something different from your job, you will regret it.” She sweetly laughed. “Sino ba naman ang magsisisi kung may magandang opportunity. In sooth, I am open to new opportunities coming in my way, Sir…” “Markus. That’s my name.” Muli siyang sumimsim ng alak habang nakatingin sa dalaga. Nagkusa na rin siyang ipakilala ang sarili niya rito. “That’s a hard name and nice. Cheers?” Ini-angat nito ang inumin nitong cosmo saka sumimsim. Ngayon lang niya pinagmasdan ang kabuuan ng dalaga. She wears her royal cocktail dress with a pair of royal stiletto shoes. Nakalugay ang mahahaba niyang buhok na may kulot sa dulo. Litaw na litaw din ang mapuputi niyang hita na sinadya pa yatang akitin siya. Light lang din ang make-up nito sa mukha na hindi katulad sa ibang escort na halos makapal na ang inilagay. Sa kabuuan ay hindi ito mapagkakamalang escort kung kilos ang pagbabasehan o sanay na rin itong dalhin ang sarili sa klase ng trabaho nito. But who cares? Iisa lang naman ang gusto ng mga katulad nito kung hindi ang aliwin ang mga katulad niya. He was with different women and fucked them. Nevertheless, this woman beside him was unusual. Kaya naman ay binigyan niya ito ng kaunting panahon at baka siya na ang hinahanap nilang magiging kapalit ni Tres. One more chance and test!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD