bc

HLS 1: Kydel Shaun Aragon

book_age18+
4.4K
FOLLOW
20.2K
READ
like
intro-logo
Blurb

Hot Love Series 1

Isang misteryo para kay Kydel ang kaniyang katauhan. Maraming tanong ang bumabagabag sa kaniyang isipan. Sino si Shania? Sino si Lawrence? Sino siya? Sa pagbabalik sa Pilipinas hindi inaasahang makikilala niya si Brooklyn Aragon at ang matalik nitong kaibigan na si Yuki Sebastian. Sa pagnanais na malaman ang katauhan, pinilit niya si Yuki na tulungan siyang hanapin ang kaniyang ina. Paano kung sa paghahanap nila ay mahanap din nila ang isang damdamin na hindi nila inakalang mararamdaman? Matatapos ba ang lahat sa masayang pagsasama o magwawakas sa pagkabasag ng kanilang mga puso? Lalo na't si Yuki pala'y anak ng karibal ng kaniyang ina sa kaniyang ama.

chap-preview
Free preview
Simula
“Sigurdo ka ba riyan sa ginagawa mo, anak?” Nag-aalalang tanong ni Adelaida sa anak na abala ngayon sa paghehele ng sanggol. Nabigla kasi ito nang dumating ang anak na may dalang bata. Hindi nito alam kung saan niya iyon nakuha. “He’s my son, mom. Isasama ko siya sa Australia.” Seryoso niyang sagot habang pinagmamasdang maigi ang batang lalaki. Malalim siyang huminga bago muling tinitigan ang mukha nitong kuhang-kuha sa totoong mga magulang. “Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Baka biglang maghanap ang mga magulang niyang bata. Tiyak na makukulong ka.” Ilang beses niya nang napag-isipan iyon. Alam niyang hindi na kailanman hahanapin ni Shania ang anak nito. Sa mga ito’y patay na si Kydel. Kaya ang batang hawak niya ngayon ay anak niya. Kabaliwan mang iisipin, pero ito na lamang ang tanging meron siya. Ito na lamang ang matatawag niyang kaniya. Ito na lamang ang makakapagpaalala sa kaniya kay Shania. “Maayos na ba ang mga gamit ninyo?” tanong ni Dwayne sa kaniyang ina at nakababatang kapatid. Ngayon ang araw ng kanilang flight. Hindi na siya makapaghintay na maidala ang anak sa malayo. Sa ngayon gusto muna niyang solohin si Kydel. Kapag naghanap ito ng ina’y saka na lamang niya sasabihin ang lahat dito. - 23 years later… “We’re going back to the Philippines.” Malaki ang ngiting anunsiyo ni Dwayne sa anak na abala sa paglalaro ng online games sa computer. “Are you excited, Kydel?” “Whatever dad…” masungit nitong sagot na ikinatawa na lang ni Dwayne. “Do you have a problem son?” Malalim ang ginawang pagbuntong-hininga ni Kydel. “Trisha and I broke up. She went back to the Philippines.” “What’s wrong with that? Uuwi rin naman tayo, pwede mo na siyang puntahan.” Muling napabuga ng hangin si Kydel na ikinakunot ng kaniyang noo. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa anak niya at sa girlfriend nitong modelo. Wala namang kaso sa kaniya kung magkaroon man ng nobya ang anak. Ang hindi okay sa kaniya ay kapag lumagpas ang mga ito sa limitasyon. They’re still young. Hindi nila makakayanan ang reyalidad at responsibilidad. “She already have a new guy.” “Oh, hindi mo ipaglalaban ang nararamdaman mo?” Napapangiwing tanong ni Dwayne. Muli kasi niyang naalala ang karanasan noon. “No, there’s a lot of girls out there. Maybe Trisha’s not really meant for me.” Seryosong sagot ni Kydel habang nakatutok pa rin ang mga mata sa computer. Napapailing na tinitigan na lang ni Dwayne ang anak. Ilang sandali lang ay inayos niya na ang mga gamit na dadalhin pauwi sa Pilipinas. -------------------------- ?‍♀️ ?‍♀️ ?‍♀️ ?‍♀️ ?‍♀️ ?‍♀️ ?‍♀️ ?‍♀️ NOTE: This is not a book 2 of ANWMP. It's a different story, and dfferent series. Series 1 po ito ng Hot Love! Kaya subaybayan ni'yo rin po sana ang story na ito. Ang UPDATE po nito ay once a week. Every friday night po. Marami po kasi akong on-going sa wattpad kaya hindi ko pwedeng araw-arawin ang pag-update. Sa ngayon po, hindi po need ng coins ang story na ito. Free po siya kaya malaya ni'yo pong mababasa. Siyanga po pala, since HOT Love Series po ito, expected ni'yo na dapat na may mga part na hindi pwede sa mga minor. Detailed po ako minsan kung magsulat ng BS. Pini-filter ko lang minsan kapag pino-post ko sa fb. Iyon lamang. Thank you in advance sa mga makaka-appreciate nitong story. -Tinkerbell ?‍♀️

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
7.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
48.7K
bc

His Obsession

read
49.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
7.2K
bc

The Ruthless Blind Master (SSPG/ R-18)

read
19.9K
bc

LUPITA : THE MASTERMIND

read
46.5K
bc

Mr. Moore: The Monster of my Life (book 1) - SPG

read
680.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook