Kabanata 4

2170 Words
Nang makarating sa hospital ay kaagad kaming dumiretso sa kuwartong inuukopa ni Lola. Naabutan namin itong kausap si Dad. Importante marahil ang pinag-uusapan ng mga ito. Seryoso ang dalawa. Tila hindi napansin ang pagdating namin ni Yuki. Dahil doon ay nagpasya na muna kaming maghintay sa labas ng kuwarto. "Pasensiya ka na, Yuki." Pagbasag ko sa katahimikan. "Mukhang late na tayong makakarating sa inyo." "Ano ka ba, ayos lang sa akin. Ako yung humihingi ng pabor." I smiled. Marahan akong tumango bago mabilis na sinulyapan si Yuki na nasa tabi ko. Hindi nakaligtas sa akin ang bahagyang panginginig ng kaniyang mga kamay. Mahigpit na magkasalikop ang mga iyon. Kagat-kagat niya rin ang kaniyang mga labi. "Are you okay?" Alam kong hindi ko dapat iyon itinanong. She's obviously not okay. "Yeah. I'm okay." She answered. Lalong kumunot ang noo ko. Yup, definitely not okay. "Let's get inside." "Huh? Eh, may kausap pa—." "You're scared of hospitals, right?" Nasagot ang tanong ko ng pagsinghap ni Yuki. "That's it. Let's go." Tahimik na sumunod sa akin si Yuki sa loob. Gaya kanina'y tila walang napansin ang dalawang nag-uusap. Wala akong nagawa kundi ang tumikhim para kunin ang kanilang atensiyon. "Hey, guys." Pagbati ko. Sabay ang ginawang pagtingin sa akin ni Lola at ni Dad. "Oh, Kydel, mabuti at narito—." Natigil sa pagsasalita si Lola nang makita nito si Yuki sa aking likuran. "Who is she?" What should I answer? "I'm Yuki, Kydel's friend." Oh right. Lola's asking for her name. Stupid me. "Really?" Bakas ang gulat sa mukha nito. Kaagad rin naman iyong napalis. Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ni Lola bago tumingin sa akin. "I heard you're going to Laguna. Ano'ng gagawin ni'yo roon?" Dalawang beses akong napakurap. Iyon ang tanong na hindi ko alam kung anong isasagot. Dapat bang sabihin ko sa mga ito ang totoo? They'll think I'm going crazy. Sino nga ba namang matinong tao ang papatol sa isang pabor na hinihingi ng isang estranghero? Well, that's me. Isang tikhim ang bumasag sa katahimikan. "Ah, kailangan ko nang umalis. Mahuhuli ako sa flight—." "Where are you going?" Tanong ko kay Dad. Sa pagkakaalam ko, wala sa schedule niya'ng umalis ng bansa ngayong taon. Napansin ko ang biglang pagtitinginan ni Lola at Dad. Para bang nag-uusap ang kanilang mga mata. Anong ibig sabihin niyon? May itinatago ba sila? "Babalik ako ng Australia. May trabaho akong gagawin doon." Kaswal na sagot ni Dad bago nagpaalam. Naiwan kaming tatlo sa loob ng pribadong kuwarto ni Lola. Tahimik. Walang may gustong bumasag sa katahimikan. Magpapatuloy pa sana ang ganoong sitwasyon kung hindi lamang pumasok ang isang unipormadong babae. Maybe she's my grandmother's nurse. Saglit lang din ang babae sa loob. Kinunan lang nito ng dugo si Lola. Pagkatapos niyo'y nagpaalala lang ng ilang mga bagay. "Anong oras darating si Tito Ryte?" I asked. Wala akong ibang maisip na itanong. Ayaw ko namang muling buksan ang paksa patungkol sa pagpunta namin ni Yuki sa Laguna. It would be hard for me to lie in front of my grandmother. "Maya-maya ay narito na iyon." She answered. I heaved a sigh. Gustuhin ko mang maghintay pa sa pagdating ni Tito Ryte ay hindi maaari. Nag-aalala ako para kay Yuki. Hanggang ngayon ay halata pa rin sa kaniya ang takot na kanina pang nararamdaman. Kailangan na naming makaalis ng hospital. "Okay lang ba na mauna na kami, Grandma?" "Oo naman." She forced a smile. "Ayos lang ako rito." "Are you sure?" Tanong ni Yuki. "P-Pwede naman po kaming maghintay ni K-Kydel dito hanggang sa makarating ang Tito Ryte niya." Kumunot ang noo ko. Halata sa kaniyang natatakot siya. Pero heto't nagpipresenta siyang maghintay pa sa pagdating ni Tito. "Yuki, you know we'll—." "Ayos lang ako, mga apo." This time hindi na pilit ang ngiti ni Lola. Tila naaaliw pa nga ito sa aming dalawa ni Yuki. And I don't understand why? Tumango na lamang ako. Isang buntong-hininga ang aking pinakawalan bago hinawakan sa braso si Yuki. Bahagya pa siyang napakislot nang maramdaman ang paghila ko sa kaniya. Pero kaagad rin namang nakahuma. Nang nasa pintuan na kami'y muli pa siyang nagpaalam kay Lola. Wala akong nagawa kundi ang muling tumango. Akma ko na sanang bubuksan ang pinto nang tawagin ako ni Lola. "Yes, grandma? May kailangan pa po ba kayo?" Isang malungkot na ngiti ang pinakawalan nito. Dahilan para magsalubong ang aking mga kilay. I don't know why, but my heart's throbbing like it's gonna explode anytime. I'm nervous. But curious at the same time. What is she going to say? What would it be? "Wala ka bang balak hanapin ang Mommy mo?" That's it. Parang tumigil sa pag-inog ang aking mundo. May balak ba akong hanapin si Mom? Of course. Sinong hindi gagawin iyon? Wala man siya sa piling ko simula nang magkaisip ako. At least I know the fact that she's still alive. May pagkakataon pa para masagot ang mga tanong ko. May pagkakataon pa para makasama ko siya. At may pagkakataon pa para mabuo ang pamilya namin. "I'm thinking about it, grandma." "Hindi ko alam ang buong pangalan ng Mommy mo. Pero may kilala akong tao na makakapagsabi sa'yo kung nasaan siya." May lungkot pa rin sa mga matang sabi ni Lola. Why is she doing this? Bakit tila pinapamadali ako nitong hanapin si Mommy? "Sino po?" "Kyla Bernardo." Saglit na huminto si Lola. "Oh, sa tingin ko hindi na iyon ang last name niya. Ang huling balita ko'y ikinasal na siya sa isang Engineer. Nasa Laguna rin siya ngayon." Mahabang sabi ni Lola na siyang ikinatango ko na lamang. Kyla Bernardo? Paano ko mahahanap ang taong iyon sa Laguna? Hindi ko ito kilala. Kahit mukha ay hindi ko alam. Sa tingin ko'y ipagpapaliban ko na muna ang bagay na iyon. Saka ko na lang aasikasuhin pagkatapos ng pagbisita namin ni Yuki sa mga magulang niya. Magdadalawang oras na kaming bumibiyahe ni Yuki nang mapansin ko ang kaniyang pananahimik. Parang ang lalim ng iniisip niya. Napansin ko pang salubong na salubong ang kaniyang mg kilay. May problema ba? Hanggang ngayon ba'y natatakot pa rin siya? — Kyla Bernardo? Anong kinalaman ng Mama ko sa Mommy ni Kydel? Should I tell him about my mom? God! Kanina pa akong naiipit sa isiping iyon. If I should or shouldn't tell him about me being the daughter of Kyla Bernardo Sebastian. Yes. She's my mom. She's married to my Engineer dad. Rafael Sebastian. "Are you okay?" Bigla akong napapitlag nang maramdaman ang kamay ni Kydel sa aking balikat. Nakatuon ang kaniyang tingin sa unahan. Pero alam kong nasa akin ang kaniyang atensiyon. Alam ko, sa kadahilanang ramdam ko ang kakaiba niyang pagpisil sa aking balikat. "Yeah..." Tangi kong nasabi bago muling ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. "Are you sure?" "Yes." Mabilis kong sagot. Isang marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Should I ask him? I've been wanting to ask him about his Mom. Curious ako sa magiging sagot niya. Noong unang banggitin niya ang pangalan ng Mommy niya ay nagtaka na ako. Pero lalo akong kinain ng kyuryosidad nang banggitin ng kaniyang Lola ang pangalan ni Mommy. "Uh, Kydel..." "Yes?" "About your Mom..." I paused. Gusto kong magtanong nang hindi niya iisiping pakialamera ako. "Bakit kailangan mong hanapin ang Mommy mo?" A sad smile formed in his lips. I expected him to remain silent and ignore my question. Pero nagulat na lang ako nang bigla siyang magsalita. "I'll tell you about it. But, in one condition." "C-Condition?' "You know, I kinda like the idea of us being together. How about—." "You want us to date for real." I didn't ask. "Why not? It's not a bad idea. You're single. I am single. Wala naman sigurong problema kung tototohanin natin itong dalawa." Napansin ko ang ngisi sa kaniyang mga labi. Hindi naman siya mukhang nagbibiro. Pero ayaw ko namang mapagtawanan bandang huli. "Gusto mong magkaroon tayo ng commitment. Pero hindi ba iyon nakakailang? Wala naman tayong nararamdamang espesiyal para sa isa't isa. Magmumukha lang tayong tanga kung—." "To be honest, I have a crush on you. No—I think, I already like you." Hindi ko napigilan ang matawa. Hindi ako makapaniwalang may isang taong aamin sa akin. A man I only met in less than a week. Naisuklay ko ang aking kamay sa mahaba kong buhok. "Is that your way of getting a woman's attention?" "I already got your attention, Missy." "Touché." I smirked. Bigla kaming natahimik. Twenty minutes later, pumarada ang sasakyan niya sa isang malaking gate. Kaagad na inilabas ko ang aking cellphone. I dialed my brother's digit. Ipinaalam ko lang na nasa labas na kami. At kung maaari'y pabuksan ang gate para tuluyan na kaming makapasok ni Kydel. Saglit lang naman kaming naghintay sa labas. Paglipas ng dalawang minuto'y bumukas na ang gate. "You're rich." Tila wala lang na sabi ni Kydel. Mukhang sanay naman na siyang makakita ng malalaking bahay. Oh well, bakit hindi? Lumaki siya sa ibang bansa. Isa pa, hindi man niya sabihin, naghuhumiyaw ng karangyaan ang buo niyang pagkatao. "Nagsalita ang hindi ubod ng yaman." Sabi ko bago bumaba ng sasakyan. Pagkasara ko ng pinto ay siya namang paglabas ni Kydel. "Hindi ako mayaman." "Whatever." I rolled my eyes. "Let's get inside. Kanina pang naghihintay si Mom and Dad." Napansin ko ang biglang paglunok ni Kydel. Akala mo'y may ginawa siyang masama at ngayon ay pagagalitan ng mga magulang ko. Pinagkiskis niya ang kaniyang mga palad. Saglit na inayos ang damit at buhok. He even bit his lips. And that made him cute. Ngayon ko lang napagtanto. I know he's handsome. But I just realized how handsome he is. Para bang nakikini-kinita ko sa kaniya ang kabataan ni Tito Lawrence. Hindi ko naiwasan ang mapahinto sa paglalakad. Tila ipinako ang mga paa ko. Damn! Muli kong sinulyapan ang mukha ni Kydel. I knew it! He really looks like Tito Lawrence! Nakita ko pa noon ang picture ni Tito Lawrence sa album ni Mommy. Magkababata sila ni Mom. At nang tumagal ay naging magkasintahan. Pero nauwi rin sa hiwalayan dahil sa pagbubuntis ni Tita Shania. Wait—hindi ba't hinahanap nila ang panganay nilang anak? Iyong anak nilang kinuha ng taong baliw kay Tita Shan? Fuck. No way! Does that mean, totoo ang mga naiisip ko? Na si Tita Shan ang Mommy ni Kydel? "Hey, are you okay?" Tanong sa akin ni Kydel. Hawak-hawak niya ang magkabila kong balikat. You're spacing out again. May problema ka nga siguro." "Huh? Ah, ayos lang—." "Yuki, anak. Hindi mo ba ipapakilala sa amin ang kasama mo?" Kasabay ng pagbukas ng pinto ang pagsulpot ng boses ni Mama. "At bakit ginabi na kayo? Kanina pang naghihintay si Mr. Lim at ang anak niya." "Ma, k-kasi dumaan pa—." "I'm sorry Ma'am. It was my fault. Kinailangan pa kasi naming—." Malakas na singhap ni Mama ang nagpatigil sa pagsasalita ni Kydel. Mabilis itong lumapit sa amin at walang pasabing hinawakan sa magkabilang pisngi ang clueless na lalaki sa tabi ko. He hurriedly took my hand. "Oh my God! Ano ka ng anak ko?" Malakas ang boses na tanong ni Mama. Hindi ko tuloy naiwasang makaramdam ng hiya. Lalo na nang lumabas si Papa at ang ama ng lalaking pakakasalan ko kunó. "Answer me, hijo!" "He's my boyfriend, Ma! Get your hands off him! Hindi siya makasagot dahil sa ginagawa mo." Inis kong sabi bago hinila si Kydel. "Boyfriend? Boyfriend mo ito?" Tila hindi makapaniwalang tanong ni Mama. Mukhang wala itong tiwala sa beauty ko. Anong akala nito sa akin? Hindi kayang makasungkit ng guwapong katulad ni Kydel? "Oo nga!" Sagot ko na lamang. "Pumasok na nga tayo nang—." "Actually, I am not just her boyfriend, Ma'am." Biglang nanlaki ang mga mata ko. Lalo na nang hilahin ako ni Kydel palapit sa kaniya. Hinapit niya ang baywang ko. At bahagyang pinisil ang aking braso. "We're planning to get married. But of course, kailangan muna naming magtapos ng pag-aaral." Anong pinagsasasabi niya? Boyfriend lang ang usapan namin! Wait, may pinag-usapan ba kami? Ang sabi lang ni Brook ay kailangang may kasama akong lalaki pag-uwi! Damn it! "Yes! You should do that!" Muli'y malakas na sabi ni Mama. Mabilis itong tumalikod at binalingan si Mr. Lim. "I'm sorry, Mr. Lim. Hindi ko nasabing buntis ang anak ko't si Kydel ang ama. Maaari na kayong umalis dahil hindi na matutuloy ang kasal nila ng anak ni'yo." Napasinghap ako sa mga narinig na sinabi ni Mama. Isa lang ang masasabi ko. Baliw na ang aking ina. Maging si Kydel ay tila nabigla sa narinig. Napansin ko pa nga ang pag-awang ng kaniyang bibig. Marahan niya akong siniko. Pagkatapos ay inilapit niya ang bibig sa aking tainga. "I like your Mom. She's crazy, but I like it." "Then marry her." "Silly." He chuckled. "I'll tell you my story, later. But for now, let's go with the flow, future mother of my child." "Gago!" Sikmat ko bago naunang pumasok sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD