Chapter 28

1729 Words
HINDI matanggap ni Kate ang sagot ni Clarence kanina sa labas ng restaurant. Kitang-kita naman sa mga mata ng nobyo niya na may gusto ito sa kapatid niya. Hindi siya papayag na maagaw ni Mari si Clarence. Kailangan niyang gumawa ng paraan. But how? Kanina pa siya palakad-lakad sa hotel room niya. Kararating niya lang ng Baguio no’ng hapon mula Maynila gamit ang private helicopter ng Harrington para bisitahin si Clarence, ‘tapos madadatnan niya lang na kasama ang kapatid na kinamumuhian niya? Maya-maya pa ay biglang tumawag si Lydia na secretary ng lolo niyang si Cielo Harrington na ngayon ay chairman pa ng Harrington Group. “Yes, Lydia? Anong mero’n at napatawag ka?” inis niyang sagot dito. “Uh, Miss Kate. . . Wa-Wala na po si Don Cielo. Patay na po ang lolo niyo. Kailangan po kayo ngayon sa Manila.” Halos mabitawan ni Kate ang cell phone niya nang mapaupo siya sa kama. “Ano?! P-Paanong wala na si lolo? Anong nangyari?” mangiyak-ngiyak niyang tanong. Ang alam niya lang ay nagpapahinga lang ito sa ospital. “Inatake sa puso si Don Cielo. Sabi ng doktor, cardiac arrest ang cause of death.” Huminga nang malalim si Kate. “Sige babalik na ako ngayon sa Manila. I-text mo sa akin ang address kung saan dinala si lolo.” Ibababa niya sana ang tawag nang bigla niyang maalala si Mari. Pinahid ni Kate ang luha sa gilid ng mga mata niya at saka nakakauyam na ngiti naman ang ginawa nang may ideyang pumasok sa isip niya. “May ipapatrabaho ako sa’yo, Lydia. Tawagan mo si Mari at imbitahan mo siya sa lamay ni lolo. Alam mo naman na parte pa rin siya ng Harrington, nakakahiya naman sa kaluluwa ni lolo kung hindi magpapakita si Mari sa lamay niya.” “Ah sige po, Miss Kate. Paki-text na lang po number niya sa akin. I’ll call her right away.” “Good, Lydia. Gawin mo lahat ng makakaya mo para pumayag si Mari. Okay?” “Opo, Miss Kate.” “Great. Balitaan mo na lang ako,” ngiting sabi ni Kate saka binaba ang tawag. Kinabukasan ay nakatanggap ng tawag si Mari mula kay Lydia ang tungkol sa pagkamatay ni Don Cielo Harrington. Iniimbitahan siya na pumunta sa lamay ng lolo niya at kahit ilang beses siyang tumanggi rito ay napapayag siya nito. Maaga siyang umuwi mula sa duty niya para maghanda. “Ano? Babalik ka sa Manila para sa lamay ng lolo mo? Sa pamilyang umabandona sa’yo?” gulat na tanong ni Epiphania. Nag-aalala lang naman siya at baka mapahamak pa si Mari. “E, lolo ko pa rin naman si Don Cielo. At saka tinawagan ako ng secretary niya, importante raw ang presensya ko ro’n. To pay respect na rin sa pagkamatay niya,” salaysay ni Mari saka hinawakan ang kamay ng lola niya. “La, please pagbigyan mo na ako. Ngayon lang naman e,” pakiusap niya. Huminga nang malalim si Epiphania. “O sige, hindi naman na kita mapipigilan. Tama ngang respeto na lang sa kaluluwa ni Don Cielo.” Agad na niyakap ni Mari si Epiphania at nagpasalamat. “Maraming salamat, La!” “Basta mag-iingat ka do’n, ah? Naku! Basta tumawag ka kaagad ng pulis kung gulpihin ka nila. Nag-aalala talaga ako sa’yo.” “Si Lola naman, oh! Hindi naman gano’n kasama ang Harrington para gulpihin ako,” pabirong sabi ni Mari kaya nagtawanan sila. “Sige, sige. Basta umuwi ka kaagad pagkatapos, ah?” Tumango si Mari. “Yes, La! Uuwi ako kaagad dahil ma-mi-miss ko kayo ni Gianni.” Naghanda na ng mga gamit si Mari pati extrang damit just in case lang na do’n na siya magpapalipas ng gabi sa Manila bago bumalik ng Baguio. Nagpaalam muna siya kay Gianni at nagrason na may outing ang kompanya at baka bukas pa siya makakauwi. “Take care po, Mommy!” kaway ni Gianni nang lumabas na si Mari. Ngumiti siya rito ay kumaway din. Huminga nang malalim si Mari habang nag-iintay siya ng taxi pa-terminal. Di kalaunan ay biglang huminto ang isang puting sasakyan. Napasilip si Mari sa bintana at laking gulat nang makita niya sa loob sina Mike at Clarence. “Get in, Mari,” wika ni Clarence nang bukasan ang pinto ng backseat. “Uh, naka-leave po ako ngayon, Sir Clarence.” “I know. Hindi ba’t pupunta ka ng Manila ngayon?” Nanlaki ang mata ni Mari. Paano nalaman nito ang errand niya ngayon? “H-How did you know po?” “Nalaman kong wala na si Don Cielo, sinabi ni Kate sa akin. Papunta rin ako sa Manila kaya sumabay ka na. Alam kong gusto mong puntahan ang lolo mo,” wika ni Clarence. Mari had no choice kaya pumasok na siya at tinabihan si Clarence. Hindi umimik si Mari habang nasa byahe sila hanggang sa nagsalita muli si Clarence. “Ayos ka lang ba, Mari? O baka kinakabahan ka dahil after seven years ay makikita mo ulit ang pamilya mo?” “Iyon nga ang problema ko, Sir Clarence. After seven years, kung kailan naman namatay si lolo saka lang ako iimbitahan na pumunta sa kanila. Bakit hindi na lang birthday or important occasion? Bakit kung kailan wala na si lolo saka ako papapuntahin?” “Siguro iniisip ka rin nila kahit papaano, Mari. You should not be worried about that. Everything will be okay.” Ilang sandali pa ay nanlaki ang mata ni Mari nang lumiko ang sasakyan. “W-Wait! Hindi ‘yon ang daan papuntang Manila, Sir? Why?” naguguluhang tanong ni Mari. “Hindi naman kasi kotse ang sasakyan natin, Mari.” “E ano pala sasakyan natin, Sir Clarence?” Huminto si Mike sa tapat ng isang mawalak na bakanteng lote. Napalingon muli si Mari kay Clarence. “Sir? Ano sasakyan natin? Mag-te-teleport ba tayo?” Natawa na lang si Clarence. “No. We will ride helicopter papunta do’n.” Napahigit ng paghinga si Mari. Nababahala siya dahil takot siya sa heights! Di kalaunan ay bumugad sa kanila ang malakas na hangin nang lumanding ang helicopter. “Let’s go?” wika ni Clarence. Napansin niya ang hindi makapaniwalang mukha ni Mari. Mukhang natatakot itong sumakay sa helicopter. “First time mo?” tanong niya kay Mari. “Y-Yeah. Takot ako sa heights, Sir Clarence. Pwede bang mag-commute na lang ako?” “Ayaw mo bang mabilis kang makakarating sa Manila? This will only take thirty minutes over a four or five hour land travel, Mari. Mapapagod ka lang.” Nilahad ni Clarence ang kamay niya. “Tara na,” wika niya saka nilagay ni Mari ang kamay niya sa palad nito. Nawala bigla ang takot ni Mari nang uminit ang katawan niya dahil sa mahigpit na paghawak ni Clarence sa kamay niya. She felt safe kaya lumakas ang loob niyang sumakay ng helicopter. Nagsimula nang umangat ang helicopter kaya napapikit ng mata si Mari. Nang ma-maintain na nito ang taas ay nagsalita si Clarence. “Open your eyes, Mari. H’wag kang matakot,” wika ni Clarence. Dahan-dahang napadilat ng mata si Mari. Napangiti siya nang makita ang palubog na araw. Gumaan saglit ang pakiramdam niya nang pagmasdan ‘yon lalo na ang ganda ng tanawin ng dagat at mga bundok. Makalipas ang ilang minuto nang ma-realize ni Mari na kanina pa pala sila nag-ho-holding hands ni Clarence ay agad niya itong binitawan. Kahit na medyo umaalog-alog ang helicopter ay sinubukan niyang di kabahan para maiwasan niya ang comfort ni Clarence. Pagdating nila sa Manila ay agad na dumiretso sina Clarence, Mari at Mike sa private chapel. Nauna munang pumasok si Mari sa loob at nang mangyari ‘yon ay napalingon ang lahat sa kanya. Dinig niya ang bulongan ng mga tao. “Ba’t bumalik siya? Hindi ba’t in-abandon na siya ng pamilya natin?” “Ang kapal talaga ng mukha niya!” Napayuko na lang si Mari at parang gusto na lang niya na lumabas na lang. Ilang sandali pa ay nilapitan siya nina Gabby at Vina. “Mari? P-Paano mo nalaman ang tungkol kay lolo?” tanong ni Vina dahil balak niya sanang sabihin kay Mari kung matatapos na ang lamay at ililibing na si Don Cielo. “T-Tumawag si Lydia sa akin, Ate Vina, ang sabi niya ay pinapapunta ako ng Harrington group,” nahihiyang sagot niya. “Naku! Hindi ako naniniwala, Mari. Na-set up ka. Tingnan mo, mainit ang dugo ng pamilya natin,” nababahalang sabi ni Gabby. Ilang sandali pa ay lumapit sina Silvana at Robert kay Mari. Hindi makapaniwala si Robert sa pagpapakita ni Mari makalipas ang pitong taon. “Ba’t ka pumunta rito? Don’t belong here, Mari,” galit na tanong ni Robert. Nakayuko lang si Mari, walang lumalabas sa bibig niya kundi ang tumahimik lang. “I am asking you, Mari. Bakit nandito ka?!” muling tanong ni Robert. Iniangat ni Mari ang ulo niya at tiningnan niya ng mukhaan ang amang umabandon sa kanya. “Why, Dad? Hanggang ngayon ay kinamumunhian mo pa rin ako? Even in front of Lolo Cielo ay gaganituhin mo ako? I am here to pay respect to my grandfather and I also hope you would pay respect to me?” Dahil sa inis ni Robert ay bigla niya na lang sinampal ang pisngi ni Mari. Clarence saw what was going on inside. Gusto niyang puntahan si Mari para ipagtanggol ito ngunit pinigilan siya ni Mike. “Wala kang magagawa, Sir Clarence kung ayaw mong masira ang mga plano mo.” Napalunok na lang si Clarence at napayukom ng kamay habang pinagmamasdan si Mari na sinasaktan ng sarili nitong ama. “Walang karespe-respeto sa’yo, Mari, isa kang maruming babae! Hindi ka nararapat na maging Harrington! Kung ayaw mong kaladkarin ka ng mga gwardya ko ay umalis ka na! Ayokong madumihan ang lamay ng papa ko dahil sa’yo!” Sumikip bigla ang dibdib ni Mari kasabay ng pagkirot ng pisngi niya. Halos maghiwalay na nga ang kaluluwa niya sa katawan dahil sa lakas ng pagsampal ni Robert. Lumabas na lang siya ng chapel at bago siya tuluyang lumayo ay nakita niya si Lydia na nakayuko, at si Kate naman ay nakangiti sa kanya. Kumaway pa ‘tong lintik niyang stepsister na tila bang nanalo ito sa plano. Isinusumpa ko na may araw ka rin, Kate. Babagsak ka rin at mas matindi pa kaysa sa pinagdaanan ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD