PAUWI na sana si Mari nang bigla siyang tinawag nina Lina at Olivia.
"Saglit lang, Mari! Uuwi ka na?" gulat na tanong ni Lina.
Kumunot lang ang noo ni Mari. Napatingin tuloy siya sa kanyang cell phone saka tiningnan ang dalawa. "E alas singko na ng hapon, tapos na shift natin. Bakit? Hindi ba kayo uuwi?"
Tumikhim si Lina nang lapitan si Mari. "Nakalimutan mo bang may dinner tayo kay. . ." Mas lalong nilapit ni Lina ang sarili niya sa kaibigan. ". . .Sir Clarence?"
Napalayo bigla si Mari. Wala siyang maalala na may dinner sila kay Clarence.
"Anooo? S-Seryoso ba kayo? O baka naman gawa-gawa niyo lang? Wala akong maalala na sinabi niya 'yon!" naguguluhang sabi ni Mari.
Lumapit si Olivia sa dalawa at inakbayan ang mga ito. "Lumabas na tayo at baka marinig pa tayo ng mga kasama natin," pabulong niyang sabi.
"Saglit lang! Hindi ko maintindihan, bakit may dinner tayo kay S—"
Biglang tinakpan ni Olivia ang bibig ni Mari. "Ano ka ba! Bawal nga sabihin 'yon kasi nga exclusive lang sa atin," ani Olivia.
Ilang sandali pa ay dumating si Manager Patricia. Inuusisa niya ang tatlo sa kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito.
"Hindi pa ba kayo uuwi? O baka gusto niya mag-overtime na walang bayad?" wika ni Manager Patricia kaya naman naghiwalay ang tatlo.
Tumikhim si Olivia at ang dalawa naman ay napaayos sa sarili.
"Uh, uuwi na po kami, Ma'am Patricia. S-Sige po, alis na po kami," paalam ni Olivia kaya naman nagmadali silang lumabas ng hotel.
Nakahinga sila nang maluwag pagkalabas nila, samantalang si Mari ay hindi pa rin makapaniwala sa mangyayari mamaya. Di kalaunan ay biglang may huminto na sasakyan sa harap nila. Hindi familiar si Mari sa puting sasakyan na ito nang biglang bumaba ang bintana at nakita niya sa loob si Mike.
"S-Sir Mike?" gulat niyang sambit sa pangalan nito.
Walang pasubaling binuksan na ng mga kaibigan niya ang pinto sa backseat. "Tara na, Mari!" pag-anyaya ni Lina na halatang excited makakain ng dinner.
"Uh. . . O-Okay." Nag-aalinlangan pang binuksan ni Mari ang front door saka siya pumasok sa kotse.
Pinaandar na ni Mike ang sasakyan pagkasara ni Mari ng pinto. Di pa sila nakakalayo ay tila bumulong si Mari kay Mike.
"I-I don't understand, Sir Mike, bakit may pa-dinner si Sir Clarence sa amin?"
Ngumiti lang si Mike habang nagmamaneho. "Sir Clarence wanted to extend his gratitude sa mga masisipag na staffs na katulad niyo. Hindi kasi pwedeng magsara ang hotel kung lahat ay mag-company dinner kaya kayo muna ang inuna niya."
"Grabe talaga si Sir Clarence, 'no? Hindi lang galante, ang bait pa niya kahit medyo masungit siya," wika ni Lina saka sila nagtawanan ni Olivia.
Huminto si Mike sa tapat ng isang samgyupsal restaurant. Pagbaba nila ay agad silang inasikaso ng staff para ihatid sila sa reserved table. Marami namang tao pero dahil busy sa loob, hindi na sila gano'n napapansin ng mga customers. Mabuti na lang ay ugali ng mga concierge na magbihis muna ng uniform bago umalis ng hotel. Nakakahiya naman kasi na kumain sa labas suot pa ang uniporme.
Pagdating nila sa reserved table ay laking gulat ni Mari na makita si Clarence na nakaupo na sa pwesto drinking a shot glass of soju. Napalunok na lang siya at tila bumilis ang t***k ng puso niya dahil sobrang gwapo nito. Napatingin siya sa mala-ugat nitong kamay habang hawak ang shot glass, mas lalong sumexy tingnan si Clarence dahil suot pa nito ang gintong rolex.
"Sh*t ang init naman!" usal niya sa isip.
Maya-maya pa ay nagtama ang tingin nila sa isa't isa kaya mas lalong uminit ang pakiramdam ni Mari, dumagdag pa ang mga usok sa paligid nila. Muli siyang napalunok.
"Mari? Ayos ka lang ba?" tanong ni Lina dahil kanina pa ito tulala.
Napailing si Mari at napatingin kay Lina. "A-Ayos lang naman ako. B-Bakit?" nauutal niyang sabi.
"Ayaw mo bang umupo? Or gusto mo nakatayo ka lang kakain ng samgyup?" pabirong sabi ni Lina saka hinila si Mari at itinabi kay Clarence.
Mas lalong namula ang pisngi ni Mari nang dumikit ang braso niya sa braso ni Clarence. Para siyang nakuryente bigla nang mangyari 'yon. Napatingin siya sa shot glass sa harap niya at pinuno niya ito ng soju. Nanlaki naman ang mga mata ng mga kaibigan niya nang nilagok ito ni Mari.
"Mari! Wala pa ang samgyup natin at baka malasing ka! Ayos ka lang ba?" nag-aalalang sabi ni Olivia.
Hindi nasalita si Mari bagkus ay muli niyang pinuno ang shot glass at nang iinumin muli niya 'yon ay biglang hinawakan ni Clarence ang kamay niya.
"Save it for later, Mari, baka malasing ka," wika ni Clarence.
Nanlaki ang mata ni Mari nang makita niya muli ang mala-ugat na kamay ni Clarence. Napalunok siya at binalik niya sa mesa ang shot glass dahilan nang bitawan siya nito. Tumindig siya bigla habang nakayuko.
"P-Punta muna ako sa restroom," paalam niya saka agad siyang umalis sa table.
Pagdating niya sa restroom ay agad siyang bumuga ng hangin. Napahawak siya sa dibdib niya para pakalmahin ang sarili.
"Hindi pwede 'to, Mari. Hindi ka pwedeng ma-in love kay Clarence. Please! Please wake up!" aniya sa isip habang nakatingin siya sa salamin.
"Boyfriend siya ni Kate, hindi ako pwedeng mangialam sa love life ng stepsister ko. Ama lang ang tingin ko kay Clarence kay Gianni. 'Yan. . . 'Yan ang itatak mo sa utak mo. Okay? Are we clear?" wika muli ni Mari sa isip niya.
Dama pa rin ni Mari ang init ng soju sa katawan niya pero medyo nahimasmasan na siya. Aalis na sana siya nang biglang makita niya sa repleksyon ng salamin ang mukha ni Kate. Halos mailuwa niya ang mata niya sa gulat nang magtama ang tingin nila sa isa't isa.
"K. . .Kate?" gulat na wika ni Mari.
"Mari? What are you doing here?"
Hindi makapagsalita si Mari sa gulat. Paano na lang kung malaman nito na kasama niya si Clarence ngayon?
"Uhm. . . Ano kasi. . ."
"Ahh! I know. Clarence already told me na kakain kayo dito with his staff. Nakalimutan kong kasama ka pala sa staff niya."
Muling namilog ang mata ni Mari. Her expectations for Clarence were dashed, replaced by disappointment. She thought that Kate was only for an arranged marriage, believing that her stepsister didn't love or value her, so she hoped that Clarence might have a place in her heart. Iwinaksi ni Mari ang isip na 'yon dahil feeling niya ay nagseselos siya.
"G-Ganon ba? T-That's great! At least makikilala mo ang ibang staffs ni Clarence kung sasama ka sa dinner namin," wika ni Mari with an awkward smile.
"Yeah. Sasali talaga ako sa dinner niyo," maarteng ngiting sabi ni Kate.
"Okay. T-Then let's go?" pag-anyaya ni Mari.
"After you," wika ni Kate nang ilahad ang kamay sa daan palabas ng restroom.
Napaangat na lang ng ibabang labi si Kate pagtalikod ng stepsister niya, dahil sa totoo lang ay hindi sinabi ni Clarence ang tungkol do'n. Nalaman niya na lang nang makita niyang pumasok ang mga kasamahan ni Mari sa restaurant. Napakuyom siya ng kamay habang nakatingin sa likod ni Mari. Huminga siya nang malalim at sinundan ito.
Biglang naging tumahimik ang lahat sa pagdating ni Kate, even Clarence was shocked hindi niya lang pinapahalata.
"I-Ikaw si Kate Harrington?!" gulat na sabi ni Lina nang ito si Kate.
Ngiting tumango si Kate. "Yes, I am!"
"Ohh my gosh! Ohh my gosh! Alam mo bang fan na fan mo ako, super bagay talaga kayo ni Sir Clarence," kilig na sabi ni Lina kaya marahang natawa si Kate.
Inagaw ni Kate ang upuan ni Mari kanina kaya lumipat si Mari sa tapat ni Clarence. Tahimik at nakayuko lang siya habang pinakikinggan ang masayang usapan nina Kate at Lina.
Mabuti na lang ay dumating na ang lulutuin nilang pork at beef kaya imbis makisawsaw si Mari sa usapan ay nagluto na lang siya. Nang maluto na ay agad niyang kinain 'yon kasama ang lettuce.
Nakailang kain na siya at ilang shot na ng soju pero tila bang tumaas ang tolerance niya dahil sa inis niya kay Kate. Alam niyang nagpapanggap lang itong masaya pero ang totoo niyan ay iniinis lang siya nito.
"So, kailan ang kasal niyo?" tanong muli ni Lina na para bang mas excited pa ito kaysa sa magkasintahan.
"Uh, mauuna muna ang engagement party at do'n namin i-a-announce kung kailan ang kasal. Pwede bang i-invite ko kayo sa party ko?" ngiting sabi ni Kate.
"Talaga po, Miss Kate?! Kami? I-I-Invite niyo?" gulat na tanong ni Olivia kaya tumango si Kate.
"Oo naman! Magiging guest ko kayo."
Nagtinginan sina Lina at Olivia sa tuwa. "Wow! Nakaka-excite naman po, Miss Kate, Sir Clarence! Omg! Parang first time ko 'yon na um-attend sa engrandeng party!" wika ni Lina.
Binaling ni Kate ang tingin kay Mari saka pilyong ngiti ang ginawa niya rito. "How about you, Mari? Gusto mo bang um-attend sa engagement party namin ni Clarence?" tanong ni Kate saka hinawakan ang braso ng nobyo.
Napatingin si Mari sa braso ni Clarence saka ngumiti nang ilipat ang atensyon sa kapatid niya. "Sure ka ba na isasama mo kami sa party na 'yon? Hindi ba't nakakahiya sa mga kasamahan naming concierge na pagsisilbihan nila kami imbis na kasama kami sa magsisilbi sa inyo?"
Napabuga ng hangin si Kate nang itaas ang kilay niya. Gusto niyang mairita pero pinipigilan niya dahil kasama niya si Clarence. Ngumiti si Kate at saka muling nagsalita. "Hindi siguro kung hindi nila mamasamain. Katulad nga ngayon, hindi ba't nakakahiya kung malaman ng lahat na may exclusive dinner pala kayo kay Clarence?"
Mataas na tensyon ang namamagitan sa dalawa kaya naman nagsalita na si Clarence.
"Alright, Kate, Mari, that's enough." Huminga nang malalim si Clarence. "Ganito na lang, hindi sa hotel ang magiging venue kaya invited pa rin naman kayo," paliwanag niya.
"Talaga, Sir? Omg! Excited na talaga kami," muling sabi ni Lina saka nagtilian sila ni Olivia.
Tumahimik na lang si Mari hanggang sa matapos ang dinner. Samantalang lasing na lasing na si Lina.
"Ang baba talaga ng tolerance nito sa alak," reklamo ni Olivia saka binuhat ang kaibigan. "Siguro, kailangan na namin umuwi, Sir Clarence," paalam niya.
"Are you sure na kaya mo siyang ihatid?" nababahalang tanong ni Clarence.
"Ayos lang po ako, Sir! Hindi naman ako lasing. Sige na po! Alis na po kami. Thank you po sa libreng dinner, Sir Clarence. Miss Kate, alis na po kami," paalam ni Olivia saka umalis ito dala si Lina.
Pagkaalis ng dalawa ay biglang tumindig sina Clarence at Mike.
"Hatid na kita, Mari," sabay nilang bigkas nito.
Nagtinginan sina Clarence at Mike sa di inaasahang pagkakataong 'yon. Samantalang napataas naman ng kilay si Kate saka bumuga ng hangin.
"Seriously? Clarence? Mike? Pag-aagawan niyo si Mari?" Natawa na lang si Kate. "That's so ridiculous!" dagdag pa niya.
Dahil sa kahihiyan na naramdaman ni Mari ay tumindig siya at kinuha ang bag.
"Hindi niyo na ako kailangan ihatid, Sir Mike at Sir Clarence. Kaya ko na pong umuwi mag-isa," walang emosyong sabi ni Mari.
Kate rolled her eyes. "Of course hindi ka na bata, Mari! And also you should know your place! Duh!"
Nagsalubong ang kilay ni Clarence dahil sa ugaling pinapakita ni Kate kay Mari.
"That's enough, Kate! Tama na!" Hinawakan niya ang kamay ni Kate. "Umuwi na tayo," madiing sabi niya rito saka lumingon kay Mike. "Mike, ikaw na maghatid kay Mari," utos niya rito saka tumango si Mike.
Hinila ni Clarence si Kate palabas ng restaurant. Sa inis ni Kate at ginalaw niya ang kanyang braso at lumayo rito. "Anong bang nangyayari sa'yo, Clarence, ha? Ba't hindi mo sinabi na may dinner kayo? Ilang beses na ako tumatawag sa'yo pero hindi mo naman sinasagot! Kung sasagot ka naman, busy ka parati! Ano? Tell me? In love ka na ba do'n sa babaeng 'yon? Huh?! Alibi na lang ba 'yong dinner na 'yon para makasama siya?" galit na sigaw ni Kate.
"Mali ang iniisip mo, Kate! That was just a thanksgiving dinner! Iyon lang? Bibigyan mo kaagad ng meaning 'yon porket nakita mong kasama namin si Mari? Hindi naman dapat ikaselos 'yon, Kate!" paliwanag ni Clarence kahit alam niya sa sarili niyang nagrarason lang siya rito.
Tama ang sinabi ni Kate. Tamang alibi lang ang dinner na 'yon para makasama si Mari. Pero hindi niya pwedeng sabihin dito ang totoo dahil maski siya, hindi siya makapaniwalang nagawa niya 'yon. Hindi siya makapaniwalang gusto na niya si Mari.