PAGKABALIK nina Clarence at Kate sa Hotel de Sinclair ay hindi na nag-aksaya pa ng oras si Kate na ipasapubliko ang kanilang engagement. She posted on social media sharing a photo of them together with smiles with a caption.
Thrilled to announce our engagement! Excited for this next chapter together. #MyForever #SoonMrsSinclair.
Nagdagsa ng mga mensahe ng pagbati mula sa mga kaibigan, pamilya, at mga kakilala sa post ni Kate sa i********:. The comment section was filled with heart emojis and expression of excitement. Minsan nakaka-receive sila ng tawag sa mga kilalang tao sa industriya, mga text messages, at kahit bulaklak ay pinapadalhan sila ng mga ito.
“Omg! Guys look! Trending ngayon sa i********: or even on other social media platforms ang engagement nina Kate kay Sir Clarence!” excited na sabi ni Lina nang mapahinto siya sa pag-scroll sa cell phone.
Hindi makapaniwala si Mari sa narinig niya, agad siyang lumapit kay Lina at hinablot ang cell phone ni Lina. Napakunot na lang ng noo si Mari. After what happened yesterday sa apartment ni Clarence ay hindi siya makapaniwala sa bagong pakulo ni Kate. May bumabagabag sa puso ni Mari, hindi siya masaya na ikakasal na si Clarence.
“Tapos ka na sa cell phone ko, Mari?” tanong ni Lina.
Nanlaki ang mata ni Mari at binalik ang cell phone kay Lina. “S-Sorry.”
“Ayos ka lang ba?” tanong ni Lina kaya natawa si Mari. “Oo naman, Lina!”
“Hmm. Ako kasi medyo malungkot,” wika ni Lina kaya nanlaki ang mata ni Olivia.
“What? Bakit naman? Dapat ng maging masaya tayo kay Sir Clarence,” tanong ni Olivia.
Ngumuso si Lina. “E kasi, para sa akin lang, ah? Hindi sila bagay ni Sir Clarence.”
Nanlaki naman ang mata ni Olivia. “Whoa! E manghang-mangha ka nga no’n kay Kate no’ng nag samgyup tayo.”
“E ginawa ko lang ‘yon out of respect pero totoo naman na I admire her pero nanghihinayang ako kasi mabait si Sir Clarence. Alam mo naman ‘yong ugali ni Kate,” paliwanag ni Lina.
Tumango si Olivia. “May point ka naman pero wala tayong magagawa kasi engaged na nga sila.”
Ilang sandali pa ay nanlaki ang mata nila nang makita si Kate na kapapasok lang ng lobby ng hotel kaya dagli silang nagsibalikan sa pwesto. Nang dumating na ito ay nginitian sila.
“Good morning, ladies,” masiglang pagbati ni Kate.
“Good morning din po, Ma’am Kate,” sabay-sabay nilang pagbati.
Hinubad ni Kate ang kanyang sunglasses habang nakangiti. May kung anong nilabas siyang bagay mula sa bag niya.
“As I promised before na isasama ko kayo as guest on my engagement party. So here’s your invitation cards,” wika ni Kate saka unang binigyan niya si Lina, sunod si Olivia at no’ng ibigay na ni Kate ang invitation card kay Mari ay tinapunan niya ito ng mpang-asar na ngiti.
“Make sure to wear elegant dress but not too dainty, baka sapawan niyo ako,” malamang pabirong sabi ni Kate.
“Of course, Ma’am Kate. Hindi kahit naman po siguro na maganda sa tingin namin ay mas bongga po sa inyo,” wika ni Lina.
“Tama po si Lina, Ma’am Kate. Kaya h’wag po kayong mag-alala.”
Marahang tumawa si Kate, tuwang-tuwa siya sa dalawa. “O siya, you only have two days left to prepare. Magkita na lang tayo sa event.”
“Thank you po, Ma’am Kate!” sabay na sabi nina Lina at Olivia, samantalang tahimik lang si Mari.
“You’re welcome,” ngiting sabi ni Kate saka binaling ang tingin kay Mari. “Alam kong mag-e-enjoy kayo sa party ko,” nakakauyam na ngiting sabi niya direkta sa mata nito.
***
“SIR CLARENCE, are you really sure about this?” gulat na tanong ni Mike sa boss niya pagkapasok niya sa opisina.
Napahinto na lang si Mike nang makitang nakatulala lang itong pinagmamasdan ang family picture ng mommy nito.
“I have no choice, Mike,” wika ni Clarence saka siya huminga nang malalim.
“Please prepare the annulment after the engagement party. Kailangan matuloy ang kasal namin ni Kate para sa mga plano ko, Mike.”
Napalunok na lang si Clarence nang maisip niya si Mari. Tumindig siya mula sa kanyang kinauupuan at nagtungo sa aquarium niya. Pinagmamasdan niya ang mga goldfish at ang isa do’n ay ang napakagandang goldfish na pinangalan niya rito ay ‘Mari’.
“Hindi ko alam kung ano ang mangyayari, Mike. I really do have a feelings with Mari, pero kailangan kong maghiganti laban sa mga Harrington.”
“Paano si Mari?”
Huminto saglit si Clarence saka nagsalita. “I don’t know, Mike. I really don’t know.”
Lumipas ang dalawang araw ay mas lalong kinabahan si Clarence. Wala siyang naramdaman na saya sa bawat taong bumabati sa kanya.
“Congrats, Clarence!”
“Congratulations po sa engagement niyo ni Miss Kate. Bagay na bagay po kayo.”
Patango-tango lang si Clarence at pilit na ngumingiti sa mga ito. “Salamat,” aniya.
Kate is wearing an elegant shimmering gold dress while walking on the red carpet. Lahat ay nagsitinginan dahil sa aura niya. She looked so beautiful and really stood out. Dahil do’n ay maraming nag-congratulates sa kanya until she reached to Clarence. Hinawakan ni Kate ang kamay ni Clarence at naglakad patungo sa pwesto nga parents niya.
Silvana widened her eyes as she saw her beautiful daughter. Napatayo siya at bineso ang anak. “Congratulations, hija,” ngiting sabi niya saka tiningnan si Clarence. “Congratulations din, Clarence. Welcome to Harrington and soon magiging parte ka na rin ng kompanya,” masayang salaysay niya rito.
“Maraming salamat po, Mrs. Harrington,” tugon na sabi ni Clarence.
Sinusubukan ni Clarence na maging masaya sa harap ni Silvana, but deep inside ay umigting ang galit niya sa puso at sa isip niya’y mas ginaganahan siyang pahirapan ito sa hinaharap.
Ngiting lumapit si Robert kay Clarence at inakbayan ito. “Please drop off the formality, Clarence. You’re one of our family now, I mean simula pa no’ng magkasintahan kayo ni Kate, pamilya na tayo,” mahinahong sabi ni Robert.
Napakuyom ng kamay si Clarence. Parang gusto niyang masuka sa mabuting asal na pinapakita ni Robert Harrington. Nangigigil siya. Pinangigigilan niya ang mga ito nang maalala niya ang pagkamatay ng mommy niya.
Nawala ang galit niya nang mapansin ang mga taong nakatingin sa entrance door. Everyone is looking behind him kaya napalingon din siya. Nanlaki ang mata niyang makita ang isang napakagandang babae, wearing an elegant off-shoulder red dress. He couldn’t take off his eyes as Mari walked on the red carpet together with her friends—Lina and Olivia.
Kumunot naman ang noo ni Silvana sa nakita niya. Hindi siya makapaniwala na imbitado pala si Mari. Kahit sina Robert, Vina at Gabby ay hindi rin makapaniwala.
“Whoa. Mari really is stunning in every angle,” manghang wika ni Gabby saka napangiti siya rito.
“Kinakabahan ako para kay Mari, Gabby,” nababahalang sabi ni Vina. “Pero tama ka, ang ganda nga ni Mari ngayon,” dagdag pang sabi niya.
Napakuyom ng kamay si Kate dahil sinapawan siya ng ganda ni Mari. Pakadaan ng isang waiter ay agad siyang kumuha ng isang glasswine at nilagok ito.
“That b***h! Hindi talaga siya nagpaawat, even on my own engagement party, sisirain niya?!” ani Kate sa isip.
Namula ang pinsgi ni Kate sa iritasyon habang walang kahirap-hirap na nakuha ni Mari ang atensyon ng lahat. Hindi siya makapaniwala na of all people, Mari had managed to outshined her at her own engagement party. Nagsisi tuloy siya na binigyan niya ng invitation ito.
“What on earth is going on here, Kate?” naguguluhang tanong ni Silvana.
“I invited her, Mom,” nahihiyang sabi ni Kate, she even bit her lower lip.
Napatingin si Silvana kay Kate in disbelief. “What?! Anong pumasok sa kokote mo, Kate? Mas matutuwa pa ako kung sa Hotel de Sinclair na lang ginanap ang event mo at siya ang nagsisilbi sa atin ngayon. But, look what you’ve done!” protesta ni Silvana kaya tumahimik na lang si Kate.
Ilang sandali pa ay nilapitan siya ni Mari. “Congratulations, Kate,” ngiting pagbati ni Mari.
Tinaas ni Kate ang isa niyang kilay at tiningnan si Mari mula paa hanggang ulo. “Unbelievable,” naiirita niyang sabi.
Nang mapansin ni Lina ang inis ni Kate ay sinubukan niyang aliwin ito. “Uh, Miss Kate, maybe Mari didn’t realize the dress code or—”
Pinutol siya ni Kate. May halong inis siyang nagsalita, “Dress code o hindi, this is my engagement party. She’s stealing the show. I can’t believe she’d do this to me.”
Tumango si Vina. Sinusubukan niyang gumaan ang loob ni Kate. “Well, she does look. Baka nagkataon lang po.”
Tinapunan ni Kate si Vina ng hindi makapaniwalang tingin. “A coincidence? Hindi ba’t sinabihan ko na kayo na h’wag niyo ako sapawan?” Inis na binaling ni Kate ang tingin niya kay Mari. “No. She did this on purpose. Ikaw, Mari, you really know how to make an entrance.”
Kunwaring nabigla si Mari sa sinabi ni Kate. “Ohh thank you, Kate. Salamat din sa invitation mo sa akin. I wanted to make sure I looked my best for your special day.”
“Well, you certainly achieved that. Look. Everyone’s talking about you now,” inis na sabi ni Kate.
“I didn’t mean to overshadow your night, Kate. I thought the dress would be appropriate. If my presence is causing you discomfort, I can leave.”
Dahil sa alitan ng dalawa ay pinagtitinginan na sila ng mga tao at mainam na pinagmamasdan ang mga ito.
“Naku, Mari, please stay,” sarkastikong sabi ni Kate. Ilang sandali pa ay napangiti si Kate nang may naisip siyang paraan para mapahiya niya si Mari.
“Dito ka lang, Mari. I invited you to enjoy the party. After all, you’ve managed to capture everyone’s attention. Ayokong may ma-miss out ka sa event ko.”
Lumingon si Kate sa mga tao at nagtaas ng boses, “Ladies and gentlemen, I would like to introduce to you. . .”
Nanlaki bigla ang mata nina Clarence at Mari. Sa intro pa lang ni Kate ay alam na nila ang kasunod. Nang mapansin ni Kate na aalis na si Mari sa harap niya ay bigla niya itong hinawakan sa braso. She’s smiled to her guest but deep inside ay gusto na niyang tumawa. Even Silvana was amazed by her daughter’s plan to humiliate Mari.
“Leave me alone, Kate, please,” pakiusap ni Mari.
Lina and Olivia are confused. Hindi nila alam pero naiintriga sila sa kilos ng dalawa.
“Stay still, Mari. Ayaw mo no’n? Makilala ka ng mga tao?” mapanuyang sabi ni Kate habang nakangiti siya rito. She enjoyed teasing Mari.
“I would like to introduce to you, my stepsister—-Marigold Harrington!” dugtong ni Kate.
Nanlaki ang mga mata ng mga tao sa loob, lalo na sina Lina at Olivia.
“But sadly hindi na siya parte ng Harrington group. She broke our family’s tradition by giving herself to a man na hindi niya kilala. A one night stand. We already disowned her pero malambot ang puso ko, so I invited her to my engagement party.”
Nagbulong-bulongan ang mga tao at nadismaya sa rebelasyong ‘yon. Samantalang si Clarence ay napayuko at napakuyom ng kamay. Pagtingin niya kay Mari na napapahiya ay mas lalo siyang nasasaktan.
“Totoo pala ang chismis na may isang Harrington na itinakwil. Siya pala ‘yon?”
“Oo nga. Tapos nakikita ko siyang close din kay Clarence Sinclair.”
“She’s a slut! Gusto niyang maagaw ‘yon kay Kate. Inggit lang siya, haha!”
“Hindi siya bagay maging Harrington.”
Huminga nang malalim si Clarence. Hindi na niya matiis pa ang sinasabi ng mga tao tungkol kay Mari. Walang alinlangan na nilapitan niya si Mari. Nanlaki naman ang mata ni Kate nang gawin ‘yon ng fiancee niya.
Hinawakan ni Clarence ang kamay ni Mari. Napatingala si Mari sa ginawa ni Clarence. As their eyes locked to each other, naibsan ang kaba ni Mari, she felt safe.
Galit na tiningnan ni Clarence si Kate at saka lumingon sa mga tao.
“The engagement is off,” wika ni Clarence.
Tumahimik bigla ang ang mga tao at nakatuon ang atensyon kay Clarence. Si Kate naman ay tila hindi niya maigalaw ang kanyang katawan sa gulat.
“W-What did you just said? At bakit hawak mo ang kamay ni, Mari? Ha?" gulat na tanong ni Kate.
Lumunok si Clarence dahil sa irita niya kay Kate. Huminga siya muli nang malalim saka siya nagsalita.
“I said the engagement is off. I’m not marrying you, Kate.”
Agad na napatingin si Clarence sa mga bisita para ilahad ang rebelasyon.
“Everyone! I am already married. And.... Marigold Harrington is my wife!”