NAMUTLA sa gulat si Kate dahil sa nangyari kasabay no’n ang pagsikip ng dibdib niya. Pinipilit niya ang sarili niyang intindihin lahat ng sinabi ni Clarence pero ni isang rason ay walang pumapasok sa isip niya. Parang gusto niya na lang mamatay dahil sa kahihiyan. How can her boyfriend humiliate her? At sa harap pa mismo ng mga bisita niya.
Tila naging dramatiko ang paligid dahil sa nangyaring rebelasyon. Kahit si Mari ay hindi rin makapaniwala sa sinabi ni Clarence.
Maya-maya pa’y nilapitan ni Kate si Clarence. Bigla na lang gumilid ang luha sa mata niya habang nakatingin siya rito. “C-Clarence, hindi ito totoo, hindi ba? Y-You can’t be married. We’re engaged!” nauutal niyang sabi habang pinipigilang h’wag tumulo ang luha.
Sinulyapan lang ni Clarence ng masama si Kate. “Huli ko na rin nalaman na kasal pala ako, Kate. The guy you're talking last time, the f**k-buddy guy was actually me.”
Halos manghina ang mga tuhod ni Kate sa narinig niya, mabuti na lang ay agad na naibalik niya ang kanyang balance. Nanginig bigla ang kanyang panga sa gulat at hinayaan na niyang pumatak ang kanyang luha. Napatingin na lang siya sa malayo para iwasan niya ang tingin ni Clarence.
“S-So the child of Mari was. . .” Agad na binalik ni Kate ang mata niya kay Clarence. “. . .actually yours?” hindi makapaniwalang tanong niya rito nang ma-realize niya ‘yon.
Walang emosyon na tumango si Clarence at sumagot siya. “Yes. He’s my child, Kate.”
Napahigit ng paghinga ang mga tao sa loob at muli silang nagbulong-bulongan. Clarence didn’t care about what Kate was feeling at that time, all he cared about was Mari’s comfort and safety.
Naluluhang lumapit si Kate kay Clarence at pinagsusuntok ang dibdib nito. “H-How could you do this to me, Clarence! How could you!”
Sa pangatlong suntok ay agad na hinawakan ni Clarence ang braso ni Kate to stop her. Nakaramdam naman ng kirot si Kate nang higpitan nito ang pagkahawak sa braso niya habang matalim na mga titig ang binabato ni Clarence sa kanya. Muling naalala ni Clarence ang masaklap na pinagdaanan ng mommy niya. Sa galit ay mas lalo niyang hinigpitan ito.
Napapikit ng mata si Kate at parang gusto niyang sumigaw dahil sa kirot. “N-Nasasaktan ako, Clarence,” aniya rito ngunit hindi siya pinakinggan.
Napansin ni Mari ang reaksyon ni Kate kaya nagsalita siya, “Clarence,” bigkas niya sa pangalan nito para lubayan.
Nang bumalik na si Clarence sa huwisyo ay agad niyang binitawan si Kate. Napapikit ng mata si Clarence kasabay ng paghinga niya nang malalim.
“I’m sorry, Kate. It’s over between us.”
Hinila ni Clarence ang kamay ni Mari palabas ng venue. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan sila ng mga tao.
Agad na lumapit si Silvana kay Kate. She’s trying to comfort her daughter.
“Kate,” aniya saka niyakap ito.
“Mom!” naiiyak na sabi ni Kate saka bumuhos ang luha niya. “Sinira nila ang party ko! At iniwan ako. . . iniwan ako ni Clarence!”
Napatingin lang si Silvana kina Clarence at Mari na naglalakad palabas ng venue. “Don’t worry, hija. Hindi kawalan si Clarence. I’ll make sure na magbabayad sila sa ginawa ngayon,” mariin na pagkasabi ni Silvana.
Samantalang pagkalayo ng dalawa sa labas ng venue ay marahas na tinanggal ni Mari ang kamay niya kay Clarence. Naguguluhan si Mari sa inaasal ngayon nito.
“Why did you do that, Clarence? Bakit mo sinira ang engagement niyo ni Kate?” kunot-noong tanong ni Mari.
“Mari.” Napahimalos ng mukha si Clarence dahil maski siya ay hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag ‘yon.
“Ano, Clarence? Tell me now. Hindi kasi kita maintindihan. Kung marriage lang pag-uusapan, pwede naman tayo magkaro’n ng annulment secretly, hindi ‘yong ipapaalam pa sa iba. Alam kong malakas ka at maraming kang koneksyon. Pwede naman madaliin na iproseso ‘yon para matuloy ang kasal mo kay Kate. Hindi ‘yong bigla mo na lang siya iiwan,” salaysay ni Mari.
Napatingala na lang si Clarence na tila bang hindi tinanggap ng tenga niya ang bawat sinabi ni Mari. May kung anong malamig na simoy na hangin ang dumapo sa kanilang balat, kasabay no’n ang tunog ng pagalaw ng mga dahon sa puno. Saglit na tumahimik si Clarence habang iniisip niya ang isasagot.
“Gusto mong malaman kung bakit?” tanong ni Clarence saka niya seryosong tiningnan ito.
Napataas ng kilay si Mari senyales na gusto niyang malaman ang dahilan.
“Ang totoo niyan, I never wanted to marry Kate. I only did that because I wanted revenge. I wanted to retaliate against your family for my mother's death. All my life, Mari... I lived in anger and hatred every day. But when you came, something in me started to change. You put the rainbow in my eyes and my perspective on life shifted, especially when I found out Gianni was my son. I...” Clarence took a deep breath. “I can't express how happy I am," he added.
“Pero, Clarence, mali pa rin ang ginawa mo.”
Pilit na ngumiti si Clarence. “Forcing myself to go on a date with Kate was a wrong plan from the start. Mali rin ang ginawa kong nabuntis kita noon, Mari. So, even if what I did earlier appears to be wrong to you, it was the right thing to do for me. I didn't want them to humiliate you.”
Umiling si Mari. “No, Clarence. Sanay na akong napapahiya nila. Sa seven years na nagtiis ako, kinaya ko ‘yon kaya hindi na bago sa akin ‘to. Sanay na ako.”
“Pero hindi sanay ang mata kong nasasaktan ka.”
“Naaawa ka lang sa akin, Clarence. Hindi ko kailangan ang awa mo.”
"Mari, it's not just pity that I feel for you. It's more than that. I care about you. I care about what you've been through, and I want to make things right, not just for me but for you and Gianni,” salaysay ni Clarence at saka tiningnan nang mainam si Mari.
"At first, I thought that just being Gianni's father would be enough for me. But I couldn't deny it. I want more than that."
Nanlaki ang mata ni Mari. Biglang pumasok sa isip niya kung ano ang ibig nitong sabihin.
“W-What do you mean?” naguguluhang tanong ni Mari.
Clarence bit his lower lip. He hesitated on what to say, but he thinks this is the perfect time to tell Mari his true feelings.
"That I don't want to be just Gianni's dad. I want... I want our marriage to be real because I really, really like you, Mari. I don't know, but that's what I feel for you."
Mari's eyes widened with surprise as she processed Clarence's heartfelt confession.
“C-Clarence likes me?!” gulat na sabi ni Mari sa isip.