Chapter 34

1424 Words
IBA ang pakiramdam ni Mari pagpasok niya sa lobby ng hotel. Tanaw niyang nagsisikan ang mga tao sa sulok at tahimik na pinag-uusapan siya. Kumalat ang balita tungkol sa marriage status nila ni Clarence dahilan ng pagsira ng engagement party ni Kate. Habang papalapit si Mari sa front desk ay para bang nawala ang pagiging palakaibigan nina Lina at Olivia. Iniiwasan na siya ng mga ito. Kahit ang ibang mga conceirge at mga staff ay iniiwasan siya ng tingin. Maya-maya pa ay malakas na tumunog ang telepono. Sasagutin sana ni Mari ang tawag na ‘yon nang marinig niya ang ilang mga usap-usapan ng mga tao sa paligid. “Sina Sir Clarence at Mari na ba talaga?” bulong ng isang babae sa kaibigan nito. “Oo, sabi ng kaibigan kong nag-organizer sa event. Kawawa nga si Ma’am Kate.” “Ahhh. Kaya pala minsan nakikita kong magkasama sila ni Sir Clarence.” “Tapos alam mo ba ang mas nakakagulat? Parte din pala si Mari sa Harrington Family, anak siya ni Robert Harrington, pero itinakwil siya dahil naka-one night stand niya si Sir Clarence noon. Bawal kasi dahil tradisyon ng Harrington na kasal muna bago ano. Basta alam mo na ‘yon!” Napahigit ng paghinga ang babae saka tinakpan ang bibig sa gulat. “Talaga?” “Oo. Tapos ang alam ko ay nabuntis siya. Pero ang hindi ko alam kung bakit nagkaro’n ng secret marriage ang dalawa. Do’n ako naintirga.” Mari’s heart sank. Even her friends seemed ashamed to her. Sinusubukan ni Mari na balewalain ang tsismis. Nagtrabaho na lang siya at nagpanggap na normal lang ang lahat. Pinipilit niyang ngumiti sa mga bagong dating na customers habang iniisip niya kung mawawala na ba ang mga bulong at titig ng mga taong nakakaalam sa nangyari. Ngunit nang sumobra na ang mga panlalait sa kanya ay nagmadali siyang pumunta sa comfort room. Mabuti na lang ay walang ibang tao sa loob. Bumuntong-hininga siya pagharap niya sa salamin. Di kalaunan ay bigla siyang nakaramdam ng awa sa sarili. At may kung anong luhang gumilid sa mata niya. Mabigat kay Mari ang nangyari kanina. Hindi nila alam ang tunay na nangyari kaya hindi niya deserve na ma-judge siya ng mga ito. Nang makaipon ng lakas si Mari ay pinunasan niya ang luha at huminga nang malalim. Lumabas siya ng comfort room at natigilan siya nang makita niya si Kate na nakaupo sa couch ng lobby. Biglang nagtama ang mga mata nina Kate at Mari. Napataas ng kilay si Kate at sarkastikong ngumiwi. Gustuhin mang umatras ni Mari ay hindi niya maigalaw ang katawan niya dahil sa takot. Siguro ay nahihiya siya dahil sa nangyari sa party. “Look who decided to show her face,” Kate said. Her tone was sharp with anger. She crossed her arms and her eyes blazed with resentment. “I. . . I didn’t mean for things to turn out that way, Kate. It was never my intention to ruin your party.” “Oh, spare me. ‘Not your intention’? You knew exactly what you are doing. Sirang-sira na ako, Mari. You’ve managed to destroy what is supposed to be the happiest night of my life,” wika ni Kate na may halong panunuya. Huminga nang malalim si Mari pero ngayon ay nilakasan na niya ang kanyang loob. “Naiintindihan kong galit ka, Kate. Pero gaya ng sinabi ni Clarence bago lang namin nalaman ‘yon,” depensa ni Mari. Napataas ng kilay si Kate saka napabuga ng hangin. “Talaga? Sige sabihin na lang natin na totoong bago niyo lang nalaman. Pero. . . Pero bakit pinili ka ni Clarence? Madali lang naman kasi gawin ang annulment, Mari.” Biglang naging seryoso ang mukha ni Kate nang lapitan niya si Mari habang nangalit ang mga ngipin. “Maybe. . . you seduced him?” Pinasadahan niya ng tingin mula paa hanggang mukha ni Mari. “You slut!” inis niyang sabi na direkta sa mga mata nito. Kumulo bigla ang dugo ni Mari dahil sa mga akusasyon ni Kate. Sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla niya na lang sinampal ang pisngi nito. Kate’s cheek was marked by Mari’s palm, pulang-pula iyon. Napatingin si Kate rito habang hinihimas ang pisngi niya sa gulat. Tila pigil ang hininga nang magtama ang mga mata ng dalawa. “I won’t let you insult me like that, Kate! I never seduced Clarence, and I won’t stand here and be called a slut," pagdeklara niya. Nangiginig pa ang boses ni Mari na may halong galit at poot. Patuloy na hinihimas ni Kate ang nanunuot na pisngi niya. Mas lalong sumama ang loob niya kaya tinaas niya ang kanyang kamay patungo sa ulo nito at hinila bigla ang buhok ni Mari. “Ang kapal talaga ng mukha mo, Mari! Pumunta ka sa event para sirain mo ang party namin ni Clarence. Now you have the audacity to hit me?” Napasigaw si Mari sa sakit habang hinahawakan niya ang kamay ni Kate para pigilan ito. “Aray! Nasasaktan ako, Kate, ano ba?!” sigaw niya. Napansin ni Kate na pinagtitinginan sila ng mga tao. Pagkalabas na pagkalabas ng mga cell phone nito ay niluwagan niya ang pagkahawak niya sa buhok ni Mari. “Ano ba?!” sigaw ni Mari nang marahas niyang tanggalin ang kamay ni Kate. Dahil do’n ay sinadyang napaupo si Kate sa sahig. Umarteng umiyak si Kate sa ginawa ni Mari. Kumunot naman ang noo ni Mari. Hindi naman kasi gano’n kalakas ang pagtanggal niya para mapaupo si Kate sa sahig. Nang ma-realize niyang gusto lang pala nito na kaawaan ng mga tao ay muli siyang nakaramdam ng kaba. “H-Hindi ganito ang nangyari,” nauutal niyang sabi sa mga tao at saka binalingan niya si Kate. “Kate, what are you doing? Please stand up!” pakiusap niya ngunit di siya pinakinggan nito. Napapaligiran sila ng mga nag kikislapang mga kamera at kinunan din sila ng video. Nagmistulang si Kate ang kinawawa ng lahat samantalang si Mari naman kinaiinisan ng mga ito. Tumindig si Kate habang may luha pa sa mata. “Panalo ka na, Mari. Clarence and I are done pero h’wag mong isipin na hanggang do’n na lang ‘yon, ‘coz I won’t let you off the hook so easily.” Patuloy pa rin ang pag-arte ni Kate nang iwan niya si Mari sa lobby. Walang humpay ang pagkuha ng mga tao rito. Sina Lina at Olivia na naging saksi sa unang pangyayari ay na-realize na walang mali si Mari. Naramdaman nilang kaibigan pa rin nila si Mari kaya agad nilang nilapitan ang mga tao. “Turn off the video,” seryosong sabi ni Olivia. Hindi siya pinakinggan ng babae kaya hinablot niya na lang ang cell phone at saka dinelete ito. “Anong ginawa mo?!” galit na sabi ng babae. “Gusto mo bang i-demanda ka ni Sir Clarence?” sarkastikong tugon ni Olivia saka binalik ang cell phone. Agad naman na itinago ng babae sa likod ang cell phone niya at saka umalis. Nagawa man nina Lina at Olivia ‘yon ay may nakatas pa rin at pinost sa social media ang picture at video. Kinabukasan ay unti-unti nang nasira ang imahe ni Mari. Bigla na lang nag-trending muli ang video na tinulak niya raw umano si Kate. Maraming mga masasamang batikos ang binato kay Mari sa comment. Napatindig si Clarence sa gulat nang makita niya ang trending video. “Bumisita pala si Kate sa hotel?” “Yes, Sir Clarence. Nag-away sila ni Mari dahil do’n sa engagement party scandal. Pero mukhang umaarte lang si Kate para mapasama si Mari sa mga tao,” pagsalaysay ni Mike. Huminga nang malalim si Clarence sa inis. Muli sana siyang uupo nang biglang pumasok ng opisina si Mari. Walang emosyong lumapit ito sa kanya at saka nilatag sa mesa ang white envelope. “What’s this?” kunot na tanong ni Clarence nang kunin ‘yon sa mesa. Hindi kumibo si Mari hangga’t hindi binubuksan ni Clarence ang laman ng envelope. Nanlaki ang mata ni Clarence nang mabasa niya ang laman ng letter. “Mag-re-resign ka na?” gulat niyang tanong. “Oo, para na rin sa ikatatahimik ng hotel mo, Clarence. Hindi ko na kayang magtrabaho na ang tingin nila sa akin ay maruming babae, na isang linta na dikit nang dikit sa’yo. Lalo na ‘yang si Kate, masyado niyang niyurakan ang pagkatao ko.” Humugot nang malalim na hininga si Mari. “Kailangan ko nang mag-resign, Clarence,” giit na sabi ni Mari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD