Chapter 35

1962 Words
MALUNGKOT ang mukha nina Lina at Olivia nang mabalitaan nilang mag-re-resign na si Mari. Nahihiyang nilapitan nila si Mari habang nag-aayos ito ng mga gamit sa locker room nila. “Mari,” mahinang sambit ni Lina sa pangalan nito saka hinawakan ang ibabang bahagi ng unipormeng pang-itaas at hinila. “Uy, iiwan mo na kami?” panguso tanong niya pa rito. “Oo nga, Mari, bakit mo naman kami iiwan?” tanong naman ni Olivia. Huminto si Mari sa ginagawa niya saka siya pilit na ngumiti. Huminga muna siya nang malalim saka hinarap ang mga ito. “Kailangan kong umalis, hindi dahil sa nahihiya ako sa nangyari do’n sa party pero sa kapakanan na lang din ng lahat.” “Dahil ba kay Kate?” tanong ni Olivia. Napawi ang ngiti ni Mari saka lumungkot ang mukha. “Isa pa 'yon, Olivia. Ayoko na rin kasi makaharap si Kate dahil kumukulo lang ang dugo kong makita siya,” inis na sabi ni Mari. “Pero, Mari, naguguluhan kami. Kung stepsister mo siya ibigsabihin no’n, e, hindi siya tunay na Harrington? Hindi ba’t ikaw ang legitimate daughter ni Sir Robert Harrington? E, bakit siya ‘yong pinapaburan ng lahat? Hindi ba’t unfair ‘yon sa’yo?” kunot-noong tanong ni Lina kaya tumango si Olivia habang inaabangan ang isasagot ni Mari. “Hindi ko rin alam, Lina. Simula kasi no’ng kinasal si Dad kay Mommy Silvana, nagbago ang lahat.” “Ilang taon ba no’n si Kate no’ng kinasal sila ng dad mo?” tanong ni Olivia. “We’re both five years old at that time, Olivia. Buwan lang naman ang agwat naming dalawa. Simula no’ng pumasok sila sa buhay namin, mas naging pabor na lahat kay Kate. Ewan ko ba, parang mas tinuring pang anak ni dad si Kate kaysa ako. Nakakainis lang minsan. Tapos no’ng nagkamali ako. . . agad naman akong itinakwil,” salaysay ni Mari. “Ang higpit din pala ng Harrington, kahit sariling anak gagawin ang lahat para masunod ang tradisyon. Maiba tayo, Mari,” wika ni Olivia saka nanliit ang mata niyang hinila papunta sa upuan at pinaupo ito. “Tell me, ano talaga nangyari sa inyo ni Sir Clarence? Naiintriga kami.” Tumango-tango naman si Lina. “Oo nga, Mari, totoo bang nag-one night stand kayo ni Sir??” Humugot ng malalim na hininga si Mari. “Oo. . .” Bago pa niya dugtungan ‘yon ay humigit ng hininga ang dalawa. Hanggang ngayon kasi ay di pa rin sila makapaniwala. “Talaga? Omg!” kilig na sabi ni Lina saka mahinang sinampal ang braso ni Mari. Marahang tumawa si Mari sa reaksyon ng dalawa. “Ano ba naman kayo? Patapusin niyo muna ako, okay?” natatawang sabi ni Mari. Kanya-kanyang kumuha ng upuan ang dalawa at umupo ng kaharap si Mari. Excited na inaabangan nila ang sunod na sasabihin nito. “Actually, before that happened, ikakasal na sana ako sa fiance ko no’n. Pero niloko niya ako. He cheated on me with my best friend. Hinding-hindi ko makakalimutan ang pangagago nila sa akin. Never akong naglasing, kaya ang lakas ng tama ng alak no'ng uminom ako sa bar. Do’n ko nakilala si Clarence.” “And then? Paanong kinasal kayo? Like after niyo magkita?” tanong ni Olivia. Umiling si Mari. “Hindi. I married him that night, Olivia.” Nanlaki ang mata nina Lina at Olivia at nagtinginan sila. Hindi nila maintindihan kaya nagtanong muli sila. “How?” sabay nilang sabi. “Naalala ko no’n na may dala-dalang envelope si Clarence sa bar. Lasing na ako no’n, hindi ko na kasi talaga makontrol sarili ko no’ng tingnan ko ‘yong loob. Nakita ko ‘yong marriage certificate ng ate niya then may isang blank marriage certificate kaya nangyari ‘yong fake marriage. Pero hindi ko alam kung paanong naging legal siya. Baka no’ng pinasa niya sa lawyer, nasama ‘yong amin.” Muling napatakip ng bibig ang dalawa. “Possible nga ‘yon, Mari! Pero ang swerte mo kasi nga si Sir Clarence ang asawa mo. At siya rin ang ama ng anak mo. Alam na ba ng anak mo tungkol d’yan?” tanong ni Olivia. “Hindi pa, Olivia. Pero daddy na rin kasi ang tawag niya kay Clarence.” Nanlaki ang mata ng dalawa. “Daddy?!” sabay nilang sigaw sa gulat. Tumango si Mari. “Oo.” Kinuwento lahat ni Mari sa mga kaibigan niya ang nangyari sa family day. Kilig na kilig naman ang dalawa lalo na sa part no’ng remarriage both. “Kung alam ko lang na may something na pala kayo ni Sir Clarence, dapat pala hindi na si Kate ang shinip ko, kundi kayo,” pabirong sabi ni Lina. “Pero ano plano mo ngayon, Mari? Gagampanin mo ba ngayon ang pagiging asawa ni Sir Clarence?” mapang-asar na tanong ni Olivia saka kinilig ito. Biglang namula ang mukha ni Mari. “H-Hindi, ah! W-Wala pa akong balak para d’yan! At baka sabihin ng mga taong pera lang ang habol ko kay Clarence!” Mapang-asar naman na ngiti ang ginawa ng dalawa. “Sus! H’wag mo kaming lokohin, Mari. Alam namin sa mga titig mo pa lang kay Sir Clarence, halatang gustong-gusto mo siya,” sabi ni Olivia. “Alam ko na! Nililigawan ka ngayon ni Sir, ‘no?” tanong ni Lina. Napakibit-balikat na lang si Mari habang nakangiti. “Secret.” Kilig na kilig naman siya nang maalala niya ang sinabi ni Clarence no’ng nakaraang gabi. Pagkatapos ng chikahan ng tatlo ay patuloy na nag-impake ng mga gamit si Mari. Patapos na siya nang biglang sumigaw si Lina sa gulat. “Omg! Mariii!” excited na sigaw niya habang nakatuon ang mata niya sa cell phone. Kaagad na lumapit sina Mari at Olivia rito. “Ano ba ‘yan, Lina?” kunot-noong tanong ni Olivia. Pinakita ni Lina ang isang article tungkol sa isyu ni Mari. “Tingnan niyo. Nag-release ng statement ang Sinclair Group. Malinis na ang pangalan mo, Mari.” Official Statement on Clarence Sinclair and Marigold Harrington Marriage Rumors We would like to address recent rumors regarding Clarence Sinclair and Marigold Harrington's marriage. Contrary to speculation, neither Clarence nor Marigold were aware of their marital status six years ago. The discovery of their past was completely unexpected, resulting in an unexpected turn of events at Clarence's engagement party with Kate. Marigold Harrington bears no responsibility for what happened. We apologize for any confusion this disclosure may have caused and for unintended consequences. And we ask for understanding and respect for all parties involved in privacy. In light of this unexpected situation, we urge the public to avoid making rash assumptions. We hope that this statement clarifies and encourages compassion during this difficult time for all individuals involved. “Magandang balita ito, Mari. Hindi ka na mahihirapan harapin ang mga tao. Lalo na si Kate,” ngiting sabi ni Olivia. Nakahinga nang maluwag si Mari. At least bago siya umalis ng hotel ay hindi na siya gagambalain pa ng mga tao. May tiwala siyang makakahanap muli siya ng bagong trabaho. Nagpaalam na si Mari sa mga kaibigan niya. “Salamat kahit sa kaunting panahon lang tayo nagkasama ay nandito kayo sa tabi ko,” ngiting sabi niya. Umiling si Lina. “Hindi, Mari, kami ang dapat magpasalamat kasi nga dati iniiwasan ka namin pero tinanggap mo pa rin kami,” nahihiyang sabi niya. “Totoo, Mari. Mali na i-judge ka namin.” Huminga nang malalim si Olivia. Magsasalita pa sana siya ngunit walang lumabas sa bibig niya. “Okay na ‘yon, Lina at Olivia. Naiintindihan ko naman. Kasalanan ko rin kasi na itinago ko sa inyo ang tungkol ro’n bago pa naging isyu.” Agad naman na niyakap ni Lina si Mari, sumunod naman si Olivia. “Ma-mi-miss ka talaga namin, Mari. Please bisitahin mo naman kami.” Tumango si Mari at ngumiti, “Oo naman. Bibisita ako rito.” Humiwalay sila ng yakap. “Basta, mag-iingat ka, Mari. You have our cell phone numbers, basta tawagan mo kami if you need us,” wika ni Olivia habang tumatango si Lina. Lumabas na si Mari sa locker room. Mabigat para sa kanya ang iwan ang trabaho niya. But it left her no choice. Nasa lobby na siya nang makasalubong niya si Manager Patricia. “Mari, pasensya ka na kung hindi kita naprotektahan no’ng umusbong ang isyu. But now, alam mo naman siguro at nabasa mo naman siguro ang statement ng Sinclair Group. Clear na ang pangalan mo." Huminga nang malalim si Patricia. “Basta kung may kailangan ka, sabihan mo lang ako, ah? At saka. . . para sa akin, bagay kayo ni Sir Clarence,” kilig niyang sabi. “O siya, mag-iingat ka,” dagdag pang sabi ni Patricia. Ngumiti at tumango si Mari. “Maraming salamat po, Ma’am.” Pagkatapos no’n ay nilisan na ni Mari ang Hotel de Sinclair. Pagkalabas na pagkalabas niya ay nabigla siya nang huminto sa tapat niya ang isang magarang puting sports car. Di kalaunan ay bumaba ang pinto ng sasakyan. “Get in,” wika ni Clarence. Hindi na nagulat si Mari na si Clarence ang nasa loob ng kotse. Hindi na rin siya nagdalawang isip na pumasok dito. First time din niya sumakay sa isang sports car. Never kasi siya binigyan ng pagkakataon ng daddy niya na bigyan siya ng gano’ng klaseng kotse. Siguro si Kate ay mayro’n na ngayon. “Hindi mo naman kasi ako kailangan sunduin, Clarence,” wika ni Mari. Napatingin si Clarence sa malaking box na dala ni Mari. Imbis na sumagot siya ay humilig siya rito dahilan nang paglingon ni Mari kay Clarence. Bigla na lang nagtama ang tingin nila at sobrang lapit nila sa isa’t isa. Napakurap ng mata si Clarence nang kumalabog ang puso niya. “S-Sa likod na lang natin ilagay ang gamit mo,” nahihiyang sabi niya. Napalunok si Mari saka tumango. “S-Sige,” aniya saka binigay kay Clarence ang box. Pagkatapos na ilagay ni Clarence ‘yon sa likod ay nilakas niya ang loob niya. “Kailangan kong gawin ‘to. Remember?” Lumingon si Clarence at mainam niyang tiningnan si Mari. “Ito ang isang paraan ng panliligaw ko sa’yo, Mari.” May kung anong kuryente ang muling bumalot sa katawan ni Mari. Halos maubusan siya ng hininga sa sinabi ni Clarence. Bakit ba kasi ang lakas ng appeal nito? Isang titig lang, para gusto na niyang mahimatay. Tahimik ang dalawa habang nasa byahe sila papunta sa bahay ni Mari. Pagdating nila ay agad na bumaba si Mari at kinuha ang box sa backseat. Pagkababa naman ni Clarence ay balak niya sanang sundan si Mari sa loob ngunit pinigilan siya nito. “Wait. Papasok ka?” naguguluhan tanong ni Mari. “Why? Hindi ba ako welcome sa bahay mo?” Napakagat ng ibabang labi si Mari habang kinikilig naman siya sa sinabi nito. Huminga siya nang malalim. “Alright,” aniya saka nauna siyang pumasok sa loob. Nagulat naman si Epiphania sa pagpasok ni Clarence. “Clarence?” Kumunot ang noo niya nang ilipat ang tingin sa apo. Hinihintay niyang magsalita ito. “Uhm. . .” Parang bilang naging pipi si Mari sa harap ng lola niya. Hindi niya alam kung paano niya sasabihin ‘yon. Ilang sandali pa ay tumikhim si Clarence saka ngumiti. “Hi po, Lola. I would like to officially introduce myself. I’m Clarence Sinclair, manliligaw ni Mari,” aniya nang iunat ang kamay kay Epiphania. Halos mailuwa ni Mari ang mata niya sa gulat. Ano raw? Lola?! Maya-maya pa ay lumabas si Gianni sa kwarto niya. Dinig niya pala ang sinabi ni Clarence at excited siyang makita muli ito. “Is that true, Daddy? Liligawan mo na si Mommy?” masayang tanong niya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD