“MARI? Is that you?” ngiting gulat na sabi ng lalaki dala-dala ang mga gamit niya.
Nanlaki ang mata ni Mari nang lumingon siya rito at saka masayang nilapitan niya ito.
“Gabby? Oh my gosh! Ikaw na ba ‘yan?” tanong niya saka tinakpan ng kamay ang bibig niya.
“Yes! It’s been four years since I left the Philippines!”
Napatingin si Mari sa bitbit nitong mga bagahe na tila bang galing ito sa byahe.
“Ngayon ka lang ba bumalik? Or galing ka sa Manila?”
“Dumiretso ako rito para hanapin ka, Mari. Alam mo namang wala akong gaanong ka-close sa Manila.”
Napangiwi si Mari. “Di nga?” pabiro niyang sabi kaya marahang tumawa si Gabby.
“Oo nga. Saan ba naman ako pupunta kundi sa’yo lang? Like I have no close friends. My other close relatives naman ay nasa Manila dahil nasa States na lahat. At saka ikaw talaga pakay ko kaya umiwi ako ng Pinas.”
Napabuga ng hangin si Mari saka tumawa nang marahan dahil na-touch siya sa sinabi ni Gabby.
“Aww. Ang sweet mo naman, Gabby! Anyways, dito ka ba naka-book sa hotel?”
“Yeah. I was about to check-in na. Can you help me?”
“Oo naman i-a-assist kita, ikaw pa! Bigay mo sa akin ang booking number at ID mo,” wika ni Mari kaya agad na binigay ni Gabi ito.
“Let’s go.”
Sumunod naman si Gabby kay Mari ngunit di pa sila nakakalayo ay napahinto sila nang makita ni Mari si Clarence sa lobby na nakatitig sa kanila. Imbis na batiin ni Mari ang boss niya ay nilagpasan niya lang ito. Hindi kasi sila pinansin kaninang umaga, bakit naman babatiin niya muli ito?
Pagdating nila sa frontdesk ay lumapit si Mari kay Lina.
“Lina, pa-check in ako kay Gabby. Ito booking number at ID niya.”
Lihim na napangiti si Lina nang makita niya ang napakaguwapong lalaki. Patuloy nyang ginagawa ang pagtipa sa computer saka binigay ang keycard kay Mari. “Done. Here’s the card,” ani Lina.
“Thank you, Lina,” ani Mari saka binaling ang tingin kay Gabby. “Tara na? Hatid na kita.”
Nanlaki ang mata nina Clarence at Lina nang marinig ‘yon. Hindi magandang mag-isang ihatid ng babaeng concierge ang lalaking guest sa room. The safety of every female staff member is highly valued.
Clarence felt a surge of irritation as he wondered why Mari readily assisted the new guy in the hotel. Sino ba ang lalaking ‘to?
Aalis na sana sina Mari nang tumikhim si Clarence. “Is this the behavior we expect from a female concierge when dealing with our male guests? That's inappropriate.”
“Uh, ihahatid ko lang naman po siya, Sir. Saglit lang naman po. Kilala ko po siya kaya alam kong hindi niya ako gagawan ng masama,” paliwanag ni Mari.
“Even so. Ako ang boss mo kaya kailangan mong sundin kung ano ang patakaran ko,” madiing sabi ni Clarence kaya napataas ng kilay si Mari.
Magsasalita sana si Mari nang sumingit sa usapan si Gabby.
“Ayos lang, Mari. Kaya ko naman na ang sarili ko. Sanay na ako sa ganito so I won’t be lost. Give me the card please,” wika ni Gabby kaya walang magawa si Mari kundi ang ibigay ang card dito.
Clarence flashed a sarcastic smile as he observed the two. He even threw a death stare at Mari, kaya naman biglang nakaramdam ng kaba si Mari.
Napatingin si Gabby kay Clarence at may napansin siyang kakaiba rito. Lumapit siya kay Mari saka siya nagsalita, “Are you free mamayang lunch time? Gusto kong makasama ka mamaya. Na-miss kita, e.”
Nanlaki ang mata ni Mari sa sinabi ni Gabby. Tinapunan niya ito ng masamang tingin dahil sa sinabi nito sa dulo. Bumulong siya rito, “What are you doing?” reklamo niya dahil napansin niyang mas lalong naiirita si Clarence. Nakakahiya sa boss niya.
“Did I do something wrong?” mahinang tanong ni Gabby.
“Yeah. Mamaya talaga humanda ka sa akin. Sige na, umalis ka na,” wika ni Mari saka siya ngumiti ritong pilit.
“Sa lunch, ah? Pupuntahan kita sa reception mamaya,” paalam ni Gabby saka siya umalis.
Babalik na sana si Mari nang mapahinto siyang makita ang di kaaya-ayang ekspresyon sa mukha ni Clarence. Sinusundan ng matalim na pagtitig ni Clarence kay Gabby na tila bang malapit na itong balatan ng buhay. Hindi masaya si Clarence na kasama ni Mari ang lalaking 'yon.
Kakausapin sana ni Mari si Clarence ngunit bigla itong umalis ng walang paalam. Naguguluhan si Mari sa kinikilos ng boss niya. Wala naman kasing masamang samahan si Gabby, parang kapatid na nga ang turing niya rito.
“Naku, naku, naku ka talaga, Mari. Napapansin kong nagseselos si Sir Clarence sa inyo ni Sir Gabby. Sabihin mo sa akin, jowa mo ba ‘yon? Ang swerte mo naman dahil ang gwapo-gwapo niya!” wika ni Lina habang naliliit ang mga mata.
“Hindi ko siya jowa, ‘no! At saka imposibleng nagseselos si Sir Clarence sa amin.”
“Kung hindi jowa, ex na lang?” tanong ni Olivia.
Malakas na paghalakhak ang ginawa ni Mari. “Eww! Hindi no! Hindi kami talo ni Gabby! Kapatid na ang turing ko sa kanya ‘no!”
“E kaano-ano mo ba sya? H’wag mong sabihin na friends lang kayo? Di ako naniniwala na ang mag-close friends na babae at lalaki ay hanggang friendship lang,” naguguluhang tanong ni Lina.
Huminga nang malalim si Mari. “Hindi ko siya jowa, Lina. Pwedeng friends pero second cousin ko lang talaga siya. Close lang kami kaya gano’n.”
Napanganga sina Lina at Olivia sa gulat habang tumango. “Ahhh. Ngayon gets na namin. Haha! Bakit hindi natin naisip ‘yon?” tanong ni Olivia.
“E ang guwapo ni Sir Gabby kaya di ko na naisip ‘yon!” kilig na sabi ni Lina.
Limang minuto bago ang lunchtime ay nasa lobby na si Gabby, nakaupo sa couch habang hinihintay si Mari. Samantalang kilig na kilig naman si Lina habang pinagmamasdan ang pinsan ng kaibigan niya.
“Jusko naman, Mari, ipakilala mo naman ako sa pinsan mo. Ba’t kasi sobrang gwapo niya?”
“Akala ko ba loyal fan ka ni Sir Clarence? Ba’t bigla yatang nagbago ang ihip hangin ngayon?” seryosong tanong ni Olivia.
Matapos na mag-arrange ng mga gamit si Mari sa front desk ay lumapit na siya kay Gabby. Ilang segundo lang ang nakalipas ay narinig niya ang boses ng anak niyang si Gianni.
“Mommy!”
Napalingon si Mari sa entrance at nanlaki ang matang makitang nasa lobby ang Lola Epiphania niya at si Gianni.
“La? Gianni?” gulat niyang tanong dito.
Imbis na magsalita si Epiphania ay pinangunahan sila ni Gianni nang tawagin ang Tito Gabby niya.
“Tito Gabby!” masiglang sambit ni Gianni habang tumatakbo patungo sa direksyon ni Gabby.
“Gianni? Whoa! Ang laki mo na!” maligayang sabi ni Gabby saka niyakap ang pamangkin.
Sakto naman ang pagdating ni Clarence sa lobby kasama si Mike nang marinig niya ang excited na pagsigaw ni Gianni.
“Who's that guy?” tanong ni Mike kay Clarence.
“I really don’t know, Mike. What I know is he’s getting on my nerves now,” inis na sagot ni Clarence.
Napakuyom muli siya ng kamay habang pinagmamasdan ang pakikipagkulitan ni Gianni kay Gabby.