Chapter 25

1627 Words
KUNOT-NOONG nilapitan ni Mari ang lola Epiphania niya. Hindi niya inakalang pupuntahan siya ng dalawa. “La, anong ginagawa niyo rito?” tanong ni Mari sa lola. “Nagpupumilit kasi itong si Gianni na makita ka. Pumunta kasi kami do’n sa cardbank para bayaran ang utang ko. E, malapit lang kasi rito kaya dumaan na kami ni Gianni.” May kung anong binigay si Epiphania sa apo, isang balot ng kakanin na binili niya sa daan. “O ito sapin sapin,” aniya nang iunat ang braso. Bumuntong hininga na lang si Mari saka tinanggap ito. “Nag-abala pa po kayo,” wika ni Mari nang tanggapin ito. Binaling ni Mari ang tingin niya kay Gianni, napansin niyang tuwang-tuwa na makita muli ang Tito Gabby nito. “Ba’t ngayon ka lang po bumalik, Tito? Sobrang na-miss talaga kita!” ani Gianni saka ngumuso ito kunwaring nagtatampo. Marahang natawa si Gabby saka niya kinarga ang bata kasabay ng pagtindig niya mula sa pagkakaupo sa couch. “Marami lang akong ginawa sa States kaya ngayon lang ako nakauwi. Grabe ang bilis ng panahon, ang laki ma na! At ang bigat mo pa!” pabirong sabi ni Gabby saka sila nagtawanan. Palinga-linga si Mari sa paligid at laking kinagulat niyang mahagilap niya si Clarence di kalayuan mula sa direksyon nila. Napatingin siya kay Gianni at agad niyang hinarangan ang anak. “Mommy? What’s the matter?” tanong ni Gianni. He even tried to look behind her pero pinipilit ni Mari na hindi makita ng anak si Clarence. Umiling lang Mari saka ngumiti. “Nothing, anak, na-miss lang kita,” pagsisinungaling niya ito. Para kay Gianni ay napaka-unusual ang kinikilos ng mommy niya so he attempted to tried to look behind her again. Nang mangyari ‘yon ay agad na hinawakan ni Mari ang magkabilang braso ni Gabby at buong lakas niyang inikot ito paharap kay Clarence. “What are you doing, Mari?” gulat na tanong ni Gabby. Napahinto na lang si Gabby nang magtama ang tingin nila ni Clarence. He raised his eyebrows, hindi niya maintindihan kung bakit gano’n na lang ang mga titig nito sa kanila. Na-se-sense ni Gabby na nagseselos ito sa kanya. “W-Wala ‘yon, Gabby! Gutom na kasi ako, kumain na lang kaya tayo?” natatarantang sabi ni Mari kaya binaba ni Gabby si Gianni habang nakatitig siya kay Clarence. “Sure,” seryosong sabi niya saka binalik ang atensyon sa bata. “What do you like to eat, Gianni? It’s my treat!” Muling umaliwalas ang mukha ni Gianni sa tuwa. “Really?” Tumango si Gabby. “Of course! Anything you want to eat, bibilhin ng Tito Gabby mo!” “I want fried chicken! And spaghetti!” excited na sigaw ni Gianni. “Alright! Let’s go!” tugon muli ni Gabby habang nakangiti siya. Lumabas na sila sa hotel samantalang naiwan naman si Clarence sa lobby. Nakaramdam siya ng inggit dahil hindi man lang siya sinama ni Mari. O di kaya di man lang siya pinansin nito. “This is so unfair, Mike. Bakit hindi man lang niya ako binati? At parang nilalayo niya ang bata sa akin.” “I think Mari is trying to protect you, Sir.” Napataas ng kilay si Clarence nang harapin ang secretary. Bumuga siya ng hangin at bahagyang natawa. “Her protecting me? Why? I don’t understand that reason, Mike.” Huminga nang malalim si Mike. “Sir Clarence, kasama nila si Gianni. Malamang ilalayo niya ang bata kasi nga baka kung anong isipin ng mga tao kung tatawagin kang daddy ni Gianni kung makita ka niya. Your son is really fond of you kaya nag-iingat si Mari.” Tumango si Clarence nang ma-realize niya ang rason na ‘yon. Pero nangingibabaw pa rin ang pride sa puso niya. Nagseselos pa rin siya kay Gabby lalo pa’t kinarga ang bata. Kung pwede lang sabihin na siya ang tunay na ama ay kanina pa niya niya ginawa ‘yon, nagtitiis lang siya. Naka-e-enganyong usapan naman ang ibinahagi ni Gabby ang buhay niya sa States. Mayro’n na siyang isang kompanya at isa rin sa dahilan niya ang umuwi ng Pinas para makipag-negotiate sa Sinclair. “Ano? Mag-iinvest ka sa Sinclair?” gulat na sabi ni Mari. “That’s a great idea po, Tito Gabby! Daddy Clarence will surely help you!” singit ni Gianni saka kinagat pa ang chicken wing. Namilog ang mata ni Gabby nang marinig niya ang tawag ni Gianni sa boss ng pinsan niya. Itinaas niya ang kilay niya habang direktang nakatitig siya sa mga mata ni Mari. “Explain it to me, Mari. Paanong naging daddy ni Gianni ang boss mo?” Walang may salitang lumalabas sa bibig ni Mari. Hindi niya alam kung paano niya i-e-explain ito. Nakakahiya naman kasing sabihin na nagpapanggap lang sila ni Clarence. “Actually po, Tito Gabby, it started when my school had a family day. Wala po kasi akong daddy that time at binubully po ako ng mga kaklase ko. Our teacher spotted him so she expected na totoo ko siyang daddy, sinali po siya sa event namin. I am happy naman po na tinatawag ko siyang daddy ngayon,” ngiting salaysay ni Gianni kaya mas lalong hindi makapaniwala si Gabby. “Is this true, Mari?” tanong muli ni Gabby sa pinsan kaya walang magawa ito at tumango na lang. “Y-Yes,” tugon ni Mari. Marahang tumawa si Gabby at tumingin kay Gianni. “That was incredible! Pero at least hindi ka na binully ng mga kaklase mo. Kapag ginawa nila ulit ‘yon, isumbong mo sa akin, ah?” ani Gabby kay Gianni saka tumango ang bata. Kailanman ay walang naging ka-close na pinsan si Mari maliban kay Gabriel Alcantara. Maituturing niyang childhood friend niya ito dahil palagi silang magkalaro at magkasundo sa lahat ng bagay. Kaya no’ng nalaman ni Gabby na pinalayas si Mari sa mansyon ay agad niya itong tinulungan. Pinuntahan niya si Mari sa Baguio, sinuportahan at nagbibigay din siya ng mga pangangailangan para sa bata. In short, tumayo siya bilang pansamantalang ama ni Gianni noon hanggang sa maipanganak ni Mari ito. Dalawang taong gulang pa lamang si Gianni nang kunin si Gabby ng mga magulang niya papuntang States para magtayo ng sariling negosyo. Hindi naman nawala ang koneksyon nila ni Mari sa unang taong iniwan siya ito. Madalas kasi sila nag-vi-video call, at nagpapadala ng mga regalo si Gabby kada okasyon kaya hindi makakalimutan ni Gianni na may tito siya sa abroad. Makalipas ang ilang taon ay hindi na muling nagparamdam si Gabby, iniisip na lang ni Mari na baka nga nag-focus na ito sa negosyo. Pagkatapos ng lunch ay pinauwi na ni Mari ang dalawa, samantalang may lakad naman si Gabby. “Aba’y akala ko wala kang friends?” pabirong sabi ni Mari. “Yeah. Wala akong friends pero kliyente mero’n,” palusot ni Gabby habang nakangiti. “Marami akong kailangan i-meet sa Baguio at saka babalik ako next week sa Manila to attend investor’s event. Kailangan ako makarami ng investors lalo pa’t mga bigating investors ang naro’n,” dagdag pa niya. “O siya sige, Gabby, mag-iingat ka, ah? At saka salamat sa libreng lunch, talagang nag-enjoy kami lalo na si Gianni.” “You don’t have to mention that, Mari, parang di naman tayo magkapamilya. Kulang pa nga ‘yon pambawi no’ng iniwan ko kayo.” Marahang tumawa si Mari. “Ano ka ba? Hindi naman ‘yon big deal! O sige na, umalis ka na at baka mahuli ka pa sa meeting niyo.” “Are you sure na okay ka lang na mag-isang babalik ng hotel?” “Oo naman! Ang lapit-lapit lang. Keribels ko na ‘yon!” confident na sabi ni Mari. Kumaway si Gabby at saka umalis na ito. Si Mari naman ay agad na bumalik sa hotel. Pagdating niya pa lang sa lobby ay inaabangan na pala siya ni Manager Patricia. “Mari,” nababahalang sambit nito sa pangalan. Tila bang kinabahan si Mari dahil sa tonong pagbigkas ni Patricia. “Yes po, Ma’am? May problema po ba?” tanong niya. “Ehh pinapatawag ka ni Sir Clarence sa opisina niya. Medyo wala siya sa mood. Hindi ko alam kung bakit.” Napakagat na lang ng ibabang labi si Mari. Hindi naman siya kinakabahan, naiinis lang siya sa kinikilos ni Clarence. Naisip niya na baka nagtatampo ito no’ng hindi niya pinaharap si Gianni kanina. “Alright, Ma’am Patricia, pupuntahan po ako.” Nanlaki ang mata ni Patricia dahil hindi siya makapaniwala sa lakas ng loob ni Mari. “S-Sigurado ka? Alam mo naman kung paano ‘yon magalit.” “Don’t worry, Ma’am, hindi naman ako natatakot. Alis na po ako.” Bagama’t maraming pumapasok sa isip ni Mari ay hindi siya nagpadala sa takot. Alam niya kasing nagtatampo ito dahil sa nangyari. Pagdating niya sa loob ay napansin niyang medyo madilim ang paligid at bahagyang nakatalikod ang upuan ni Clarence habang nakaharap sa sinag ng araw mula sa bintana. Napalinga rin siya nang mapansin ang isang malaking aquarium at may iilang goldfish sa loob. “Anong kailangan mo, Sir Clarence?” inis na tanong ni Mari rito. "Is that how you talk to your husband?” wika ni Clarence saka umikot siya para harapin si Mari. Napahinto saglit ang mundo ni Mari nang marinig niya ‘yon. Tila bang kinilabutan siya sandali sa sinabi ng boss niya. “P-Paano niya nalaman na alam ko na ang tungkol do’n?” naguguluhang tanong ni Mari sa isip. Aware naman siyang alam na ni Clarence ang katotohanan pero paano nalaman nito na alam na rin niya? Ilang sandali pa ay biglang pumasok sa isip niya na posibleng nalaman nitong hindi siya binibigyan ng single-parent assistance buwan-buwan. Posibleng nagtanong ito sa HR.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD