NAPATAAS ng kilay si Clarence nang makita niya na nasa loob na pala ng opisina si Mari.
“Mari, kanina ka pa rito?” tanong ni Clarence. Nanlaki ang mata niyang makita ang PSA Marriage Certificate sa ibabaw ng lamesa.
Malakas na pintig naman ng puso ang naramdaman ni Mari dahil sa kaba na baka nahuli siyang hawak niya ang marriage certificate kanina.
“Uh, y-yes! Kanina pa po ako nandito.” Bumuga siya ng hangin at marahang tumawa habang pinipilit niyang maging kalmado.
“Nag-early ako ng pasok para maaga rin akong matapos. Nakakahiya kasi sa mga kapwa concierge ko kung di ako papasok sa trabaho ko on time,” dugtong pa niya.
Ngumiti si Clarence saka lumakad patungo kay Mari. Halos manghina ang mga tuhod ni Mari dahil sa bawat hakbang nito ay unti-unting naalala niya ang mukha ni Clarence no’ng gabing ‘yon, naalala niya no’ng gabing kasama niya ito sa bar, at higit sa lahat ay naalala niya ang mainit na gabing pinagsaluhan nilang dalawa. Napalunok si Mari habang nakapukos ang atensyon niya kay Clarence.
“Hindi mo naman kailangan pumasok ng maaga, Mari. You can visit the office anytime you want. Basta araw-araw kang maglilinis,” ani Clarence.
Ilang sandali pa ay nagsalubong ang mga kilay niya nang mapansin niyang wala ito sa huwisyo, nakatitig lamang si Mar sa kanya.
“A-Are you okay?” concerned na tanong ni Clarence.
Marahang bumuga ng hangin si Mari. Muli siyang lumunok at inayos ang sarili saka siya nagsalita. “Tapos ko nang linisin ang opisina at siguro kailangan ko nang umalis, Sir Clarence.”
Agad na pinulot ni Mari isa-isa ang mga gamit panglinis at nilagay sa iisang lalagyan. Akmang aalis na siya nang magsalita muli si Clarence.
“Wait.”
Napahinto si Mari ngunit hindi niya ‘to nilingon. “Ma-la-late na po ako, Sir. Alis na po ako,” paalam niya.
Paalis na siya nang saktong pumasok si Mike sa loob. Napatingin si Mike dito nang lagpasan lang siya ni Mari palabas.
Muling huminga nang malalim si Mari at unti-unti niyang nilabas ang hangin habang naglalakad siya papuntang maintenance room, mga limang beses niya ‘yon ginawa. Saktong walang tao pagpasok niya sa loob kaya napasigaw siya sa kahihiyan.
“Ahh! Bakit siya? Bakita si Sir Clarence?!” inis niyang sabi sa sarili saka ginulo ang buhok.
Her mind racing with a mix of embarrassment, shock and regret. The memories of that passionate night seven years ago flooded back, and she couldn't shake the realization that Clarence was now not just her boss but also Gianni's father.
Pinasok ni Mari ang mga panlinis sa locker, pagkasara niya ng locker ay marahang pinukpok ang ulo niya rito.
“Nakakahiya ka, Mari. Nakakahiya ‘to,” mangiyak-ngiyak na sabi niya na may halong kahihiyan. “Paano ko siya haharapin e nasa iisang bubong lang kami?” reklamong tanong pa niya sa sarili.
Sa mga sumunod na araw, ginawa ni Mari ang kanyang paraan upang maiwasan si Clarence sa trabaho. Mas maaga siyang pumasok para hindi niya makasalubong si Clarence sa opisina man o sa hallway. Pag nasa reception naman si Clarence ay bigla siyang lalapit sa mga customer, kakausapin niya ‘to at mas tatagalan pa niya ang pag-entertain para di na lumapit si Clarence sa kanya.
Isang araw, habang inaayos ni Mari ang front desk, napansin niya na papalapit si Clarence sa reception. Sa takot ay nagtago siya sa likod ng isang matayog na halaman, umaasa na hindi siya mapapansi nito.
Luminga-linga si Clarence sa paligid para hanapin si Mari. Lumapit siya kay Lina para tanungin kung nasan si Mari. “Where’s Mari?” tanong niya.
Lihim na nakatingin si Lina sa halaman kung saan nagtatago si Mari. Umiling si Mari senyales na h’wag nito sasabihin kung nasaan siya.
“Ahh. Nag-cr break po si Mari kanina. Hayaan niyo po, Sir, babalik naman ‘yon. Bakit po pala?”
“Nothing. Gusto ko lang siya makausap. Sabihin mo kay Mari na pumunta siya ng opisina ngayon once na bumalik siya, okay?” seryosong sabi ni Clarence.
Tumango si Lina. “Yes, Sir!” aniya na may halong kaba.
Nakahinga nang maluwag si Mari nang lumabas ng hotel si Clarence. Nang umalis na ang sasakyan nito ay bumalik siya sa front desk.
Lumiit ang mata ni Lina nang tingnan niya si Mari. “Tell me, Mari, bakit mo iniiwasan si Sir, ha?” curious niyang tanong.
Walang maisip si Mari na pwedeng maging rason dito. “Uh, ano kasi. . .” Nanlaki ang mata niya nang may naisip siya. “. . .may utang ako sa kanya, Lina, ‘yung utang na hindi mababayaran ng pera.”
Napahigit ng paghinga si Lina. “Omg! Nakabasag ka ba ulit ng vase? No. I mean nabasag mo ulit ang paboritong vase ni sir na magdamag mong binuo?” gulat na tanong ni Lina kaya malungkot na tumango si Mari. Mabuti na lang ay napaniwala niya ‘to.
“Oo nga, e. Kaya iniiwasan ko si Sir at baka mapatay na niya ako dahil sa galit.”
Napatakip ng bibig si Lina. “K-Kaya pala gano’n na lang ang mga titig niya kanina no’ng hinahanap ka ni sir. Nakakatakot!”
Huminga nang malalim si Lina saka hinaplos ng palad niya ang likod nito. “Ayos lang ‘yan, Mari, hindi ka naman siguro matatanggal sa trabaho. Lilipas din ‘yan at mapapatawad ka rin niya.”
“Sana nga,” pangambang sabi ni Mari.
Kinabukasan, nasa maintenance si Mari dahil katatapos niya lang maglinis ng opisina ni Clarence. Paglabas niya ng room ay nanlaki ang mata niyang makita si Clarence na naglalakad papunta sa direksyon niya. Agad siyang tumalikod at mabilis na naglakad palayo.
“Mari!” sigaw ni Clarence.
Hindi lumingon si Mari bagkus ay tumakbo siya papuntang hallway ng hotel rooms. Agad naman na hinabol ni Clarence ito. Dahil do’n ay aksidenteng nabangga ni Mari ang isang janitor habang sinusubukang takasan si Clarence.
“Ano ba naman ‘yan, Miss! Tumingin ka naman kasi sa dinadaanan mo!” inis na sabi ng lalaking janitor.
“S-Sorry po, kuya, hindi po kita nakita,” paumanhin na sabi ni Mari.
Tranta na tinipon-tipon ni Mari ang mga panlinis ni kuyang janitor sa lalagyan nito. Nang iwan siya ng janitor ay akmang aalis na sana si Mari ngunit huli na dahil naabutan na siya ni Clarence.
Huminga nang malalim si Clarence pagkahinto niya sa harap ni Mari. Hingal na hingal siya sa katatakbo.
“What’s going on? Why are you avoiding me?”
May kabang napatingin si Mari sa paligid, pilit niyang iniiwasan ang tingin niya kay Clarence. “I. . . I just have a lot on my mind, Sir.”
Kumunot ang noo ni Clarence. Hindi niya maintindihan ‘to dahil maayos naman ang pakikitungo ni Mari no’ng birthday pa ni Gianni.
“Tell me, hindi ba nagustuhan ni Gianni ang mga regalo ko?”
Napatindig si Mari at hinarap si Clarence. Umiling siya rito saka nagsalita, “No, Sir. Sobrang nagustuhan ni Gianni ‘yon—”
Napahinto ng sandali si Mari nang ma-realize niya muli na kaya pala maraming binili si Clarence dahil bumabawi ito kay Gianni? Na kaya pala nagbago ang pakikitungo nito dahil nalaman nito na mag-asawa pala sila? Iwinaksi niya sa isip ang mga ‘yon.
“Really? Then that’s great!” masayang sabi ni Clarence.
Ilang sandali pa ay pumasok sa isip ni Mari ang isang bagay na mas magiging komplikado ang lahat. Alam na kaya ni Clarence na alam nitong mag-asawa sila?
Napataas ng kilay si Clarence dahil kanina pa nakatitig si Mari sa kanya na tila bang malayo ang iniisip nito.
“May problema ba, Mari?”
Umiling si Mari. “W-Wala naman po.”
Napalinga si Mari sa paligid at nagulat siyang makita niya si Manager Patricia sa hallway patungo sa direksyon nila.
“S-Si Manager Patricia!” natataratang wika niya kay Clarence nang ituro ito.
Nag-panic ang dalawa at naghanap ng lugar ng magpagtataguan hanggang sa pumasok sila sa bakanteng kuwarto. Napasandal sa pader si Mari samantalang kaharap niya naman si Clarence. They found themselves in close proximity at tila bang may tensyon na bumabalot sa paligid nila. The dim light cast a warm glow on their faces kaya naman bumilis ang t***k ng puso ni Mari dahilan ng pagmula ng kanyang pisngi. Mabuti na lang ay bahagyang madilim ang kwarto kaya hindi ito kita ni Clarence.
Sinubukan ni Clarence na i-break ang awkward moment nila. Lumayo siya nang bahagya at saka nagsalita. “Habit mo na ba talaga ngayon ang pagtago, Mari?” tanong nito.
“No, Sir. It’s just that, um, Manager Patricia was coming. Ayokong makita niyang nag-uusap tayo.”
“Bakit naman? E noon ay lagi naman tayo nag-uusap. Anong pagkakaiba naman ngayon? At hindi ko talaga maintindihan kung bakit ka umiiwas sa akin,” naguguluhang tanong ni Clarence.
Mari tried to find the right words. “It’s just. . . I’ve been trying to avoid you para hindi na maging komplikado.”
Napataas ng kilay si Clarence. “Avoiding me? Tell me any particular reason why?”
Huminga nang malalim si Mari, pinipigilan niya ang kanyang sarili na hindi sabihin ang bagay na nalaman niya. Natatakot siya sa hindi malamang dahilan.
“A-Ayoko lang na magkaro’n sila ng maling impresyon sa atin. Look, Sir Clarence, boyfriend ka ni Kate na stepsister ko. Kung malaman ng lahat ang relasyon ko sa mga Harrington at makita nilang madalas tayo magkasama, anong iisipin nila? Na inaagaw kita?”
Napalunok si Clarence dahil gusto niyang sabihin na asawa niya si Mari pero natatakot siya kaya pilit niyang tinatago ang katotohanan dito.
Kung alam mo lang, Mari. Kung alam mo lang na matagal na kitang asawa. . .
“Sir, siguro pagbigyan mo na ang request ko. Ayoko nang maging cleaner sa opisina niyo. Umiiwas lang ako sa gulo,” dagdag pang sabi ni Mari.
Huminga nang malalim si Clarence. “Alright if that’s what you want.”
“Salamat, Sir Clarence,” seryosong sabi ni Mari. “Kailangan ko nang bumalik sa pwesto ko,” paalam ni Mari saka siya lumabas ng kwarto.
Pagkabalik ni Clarence sa opisina niya ay agad niyang tinawagan ang head HR.
“Hello, Yolly, please cancel the job offer of Marigold Harrington.”
“Po? P-Pero ka-sa-sign lang niya ng contract, Sir Clarence?”
“Do you hear me? I need to cancel the contract.”
“O-Opo, Sir Clarence, ikakansel ko na po kaagad.”
Ibababa sana ni Clarence ang tawag nang biglang pumasok sa isip niya ang cenomar ni Mari. Habang pabalik siya kanina sa opisina ay iniisip niya ang mga posibleng dahilan ng pag-iwas ni Mari, hindi kasi siya naniniwala sa sinabing rason nito sa kanya.
“Wait a minute, Yolly. May tanong pa ako. Nagpasa ba ng cenomar si Marigold Harrington? Naka-avail ba siya ng single parent assistance ngayon?”
Agad na hinalungkat ng HR sa desktop niya ang mga files ni Mari. “Upon checking po sa files niya, wala po, Sir. Hindi siya nagpasa ng cenomar at wala siyang single parent assistance. Hinihintay ko po kasi ‘yon matagal na. Bakit po? May problema po ba sa requirements niya?”
Nanlaki ang mata ni Clarence dahil posibleng alam na ni Mari ang tungkol sa kanila.
“Wala naman, nagtatanong lang ako. Salamat, Yolly,” tugon na sabi ni Clarence bago binaba ang tawag.
Isang bagay lang ang sasagot sa tanong niya kaya agad niyang binuksan ang kanyang laptop at nagtungo sa cctv. Hinanap niya ang date na ‘yon at nag-playback siya ng oras.
Natigilan na lang si Clarence nang mapanuod niya sa cctv review ang pagbukas at pagbasa ni Mari sa marriage certificate nila. Ngayon ay nasagot na ang matagal na niyang tanong sa kinikilos ni Mari.
Damn! She knew it already!