MASAYANG natapos ang birthday celebration ni Gianni. Nakauwi na rin ang mga bisita at niligpit na rin ng mga staff sa catering service ang mga gamit nila. It’s almost 7pm pero nakatulog na si Gianni sa sala dahil sa pagod.
Lumapit si Mari at umupo sa bandang paanan ni Gianni. Napangiti siya rito dahil nasaksihan niyang nag-enjoy si Gianni sa birthday nito. Gusto niyang gisingin si Gianni para dumiretso na ito sa kuwarto nila ngunit hindi pumayag si Clarence.
“No. Ako na ang magdadala sa kuwarto niya,” boluntaryo niyang sabi.
“S-Sure ka?” nahihiyang sabi ni Mari dahil mabigat si Gianni kung bubuhatin ito.
“Of course! Kaya ng muscle ko ‘to,” pabirong sabi ni Clarence kaya natawa si Mari.
Magsasalita sana si Mari ngunit dahan-dahan nang binuhat ni Clarence si Gianni. Mike offered na sya na lang ang magbuhat pero hindi siya nito pinayagan.
Dumiretso si Clarence sa kuwartong itinuro ni Mari. Pagdating niya sa loob ay maingat niyang nilagay sa kama si Gianni. He was smiling while looking at his son. Mas natuwa siyang pagmasdan na kawangis niya ito. Hiling niya na sana dumating ang araw na maipagmamalaki na niya si Gianni, na malaman ng mga tao na anak niya ‘to.
Nilibot niya ang tingin sa loob ng kwarto at napansin niya ang isang maliit na aquarium with five goldfish inside. Lumapit siya rito at napangiti.
“Mahilig pala siya sa goldfish?”
Biglang naghiwalay ang mga nagkukumpulang mga goldfishes hawakan niya ang aquarium. Marahan siyang natawa nang maalala niya si Mari.
“Marigold. Hmm. It makes sense now. Bagay sa kanya ang goldfish.”
Kinuha ni Clarence ang cell phone niya at hinanap sa contacts ang pangalan ni Mari. Matagal nang naka-save ang number ni Mari kaya agad niyang pinalitan ito into ‘Goldfish’. Nakangiti siya habang tinitipa ang bagong nickname nito. Ilang sandali pa ay pumasok sa kuwarto si Mari kaya agad namang pinasok ni Clarence ang cell phone niya sa business suit.
“Pasensya ka na kung ikaw pa ang nagbuhat kay Gianni,” nahihiyang sabi ni Mari.
Umiling si Clarence. “No. Ako naman nag-insist.”
Napalingon muli si Clarence sa aquarium. “Mahilig ka pala sa goldfish?” tanong ni nito.
“Oo. Mero’n din akong goldfish sa mansyon noon pero hindi ko dinala kay bumili na lang ako ng bago,” tugon ni Mari at saka nagtungo siya sa aquarium niya.
“Natutuwa kasi ako kapag nakikita ko sila. Alam mo ‘yong kahit nasa maliit lang sila ng aquarium ay masaya at kontento na sila. Minsan naiinggit ako. Alam mo ‘yung makikita mong wala silang problema sa buhay? Basta may tubig at pagkain ay masaya na sila do’n,” seryosong sabi ni Mari habang nakatuon ang atensyon sa mga isda.
"Yeah, Mari. Fish are different from people. Fish can be happy in a small aquarium with food and water. They don't have big dreams like humans do. Humans want more, like goals and dreams for their families. Even if they have the basics—food, clothes, and stuff—hindi sila makuntento because of their dreams. They'll do anything for their families."
"You have a point, Sir Clarence."
Binaling ni Clarence ang tingin niya kay Mari. “They are happy with simple things, Mari. But life is complex for us because we have a big dream. Maybe we can learn from them too. Gaya ng sinabi mo, maging kontento sa anumang bagay,” aniya kaya ngumiti si Mari.
Habang nakatingin sila sa aquarium ay naisip ni Clarence na bumili rin ng aquarium at mag-alaga ng goldfish to remind himself na he should find joy in simple things like the fish do.
Lumabas na sina Clarence at Mike para magpaalam na. “Thank you sa pag-imbita sa akin, Mari,” ngiting sabi ni Clarence.
“Walang anuman ‘yon, Sir. Sana nag-enjoy kayo. Mag-iingat kayo sa pag-uwi niyo.”
Dumating si Epiphania sa pinto at saka siya nagsalita. “Salamat hijo sa pagbisita niyo. Nalulungkot lang ako sa anak-anakan mo kasi di ka sumipot sa birthday niya ngayon.”
Napakagat na lang ng ibabang labi si Clarence. Siguro kailangan na niyang aminin na binili niya ang mga ‘yon para kay Gianni.
“Uhm, actually po, ang nakita niyong mga binili ko sa department store ay para talaga ‘yon sa apo niyo, para kay Gianni. Mabuti nga at tinanggap niyo ang regalo ko,” nahihiyang sabi ni Clarence.
Nanlaki ang mata ni Epiphania saka binaling ang tingin niya sa dalawang malalaking karton. Nang mapansin ‘yon ni Mari ay nagulat siyang ma-realize na galing pala ‘yon kay Clarence.
“S-Sayo ang mga ‘yon, Sir Clarence?” gulat na tanong ni Mari.
Tumango si Clarence. “Y-Yes.”
“E bakit nakalagay na nanalo ako sa raffle?” naguguluhang tanong ni Mari.
“Disguise lang ‘yon. Nahihiya kasi ako at baka hindi magustuhan ng bata,” rason ni Clarence.
Ngumiti si Mari but at the same time ay nahihiya siya dahil maraming binili ang boss niya para kay Gianni.
“Naku! Ang laki naman ng box, Sir, siguradong maraming laman ‘yon. Nag-abala pa kayo.”
“Hindi, ayos lang naman, Mari. Deserve niya ‘yan. Sana mag-enjoy siya sa mga regalo ko,” nahihiyang tugon ni Clarence. Ilang sandali pa ay lumapit si Mike sa boss niya at bumulong na kailangan na nilang umuwi.
“I think I have to go now. Maraming salamat at nag-enjoy ako sa birthday ni Gianni,” paalam ni Clarence saka sila pumasok sa kotse.
Pagkaalis ng sasakyan ay nagtinginan sina Mari at Epiphania.
“Ang galante naman ng boss mo, hija. Akalain mong niregaluhan si Gianni ng mga gamit? Baka iba na ‘yan, ah? Mag-iingat ka dahil noybo ‘yon ni Kate,” babala ng lola niya.
“La, naman! Alam ko naman ‘yon. Hindi ko lang talaga minsan maintindihan si Sir Clarence. Alam mo ‘yong parang gusto niyang mapalapit sa anak ko?”
“Naku, naku ka talaga, Mari. Habang maaga pa dapat iniiwasan mo ‘yung gano’n. ‘Pag dumating ‘to kay Kate, mas lalong magkakagulo.”
“La, paano ko naman siya iiwasan, e boss ko siya? Hayaan mo, gagawin ko ang lahat para di na umabot pa kay Kate.”
Matapos ang usapan nila ng Lola Epiphania niya ay binuksan na nila ang dalawang box. Napahigit ng paghinga ang dalawa dahil sa gulat.
“Jusko! Ang dami naman ito, Mari. Parang mapupuno ang kwarto niyo sa dami ng binili ng boss mo,” gulat na sabi ni Epiphania.
Hindi makapaniwala si Mari sa regalong binigay ni Clarence habang isa-isa niyang nilabas sa box ang mga ito.
“Oh! Ito ‘yong stuffed toy na nakita ko sa cart ni Clarence. Mukhang hindi siya para kay Gianni, para sa’yo ata ‘yan, hija? Pangbabae e.”
Namilog ang mata ni Mari. “P-Para sa akin? Naku! Imposible naman ‘yan, La. Ang sabi nya kasi ay para kay Gianni, wala naman siyang sinabi na mero’n akong stuffed toy sa box,” paliwanag ni Mari.
Hawak niya ang stuffed toy nang mapansin na may letter itong nakakabit. Agad niya naman itong binasa.
You’re a great mom. Keep it up!
Napatingin si Epiphania sa letter na ‘yon saka siyang ngumiti.
“Ikaw, Mari, umayos ka, ah? Napansin ko na iba ang titig niya sa’yo, ang lagkit,” pang-aasar niya rito.
Mahinang hinampas ni Mari ang braso ng lola niya dahil sa hiya. “La, naman!” Namula bigla ang pisngi niya dahil sa kilig. Kaagad naman niya iwinaksi ang damdaming ‘yon.
Maagang nagising si Mari kinabukasan at dumiretso na siya sa opisina ng boss niya. Plano niya kasing matapos kaagad ang trabaho niya bilang cleaner dahil ayaw niyang magkita muli sila ni Kate kung magkataon man.
Habang naglilinis siya sa working desk ni Clarence ay napahinto siya nang makita ang isang brown envelope sa ibabaw nito. Nagtaka siya kasi may tatak itong PSA.
“Ano kaya ‘to?” aniya saka binuksan ang envelope.
Agad na nabitawan niya ang envelope sa gulat nang mabasa niya ang marriage certificate nila ni Clarence. Hindi siya makapaniwala na alam na ng boss niya na kasal sila. Kaya pala gano’n na lang ang pagtrato ni Clarence sa kanya.
"Alam na niya ang tungkol dito?" wika niya.
Ilang sandali pa ay bumalik ang alaala niya sa nakaraan. ‘Yong gabing pinaglaruan nila ni Clarence ang blank marriage certificate.
Napatakip siya ng bibig. “Now I remember, pero p-paano naging legal ‘yon?!” gulat niyang tanong sa isip.
Maya-maya pa ay narinig niya ang mga hakbang papuntang opisina ni Clarence. Nginig ang kamay niyang pinulot ang envelope sa sahig at mabilis na pinasok ang dokumento, at saka binalik sa ibabaw ng mesa.
Kabadong humarap siya sa pinto, at pagkabukas nito ay nakita niya si Clarence.
“Mari,” gulat na sabi ni Clarence.