Chapter 7

1282 Words
HINDI pa rin makapaniwala si Mari sa natanggap niyang marriage certificate. Nakasaad do'n na si Clarence Sinclair, ang boss niya sa hotel ang naging asawa niya. Stunned and confused. How could the man she knew as her boss also be her husband? Paano nangyari 'yon? May arranged marriage ba na hindi niya alam? O baka naman, ginamit lang siya ng pamilyang Sinclair? Pero imposible mangyari 'yon. Ni hindi niya pamilyar ang pangalang Sinclair no'ng panahong nasa mansyon pa siya. Napatingin siya muli sa marriage certificate. Mas lalo siyang kinahaban nang makita ang pirma niya sa ibabang ng pangalan niya. Hinawakan niya ito at napagtantong kuhang-kuha nito ang pirma. Napahawak na lang ng ulo si Mari. Naguguluhan siya lalo sa mga katunungan niya sa isip. Mas maiintindihan pa niya kung kagagawan ito ng step-mother niya. Pero si Clarence Sinclair? Paano niya naging asawa ang antipatikong ito? Napabuga na lang ng hangin nang maalala ni Mari ang nangyari kanina sa kotse. Hindi niya matanggap na ang asungot na 'yon ang asawa niya. Aba't kailangan niyang magpa-annul dito! Napasinghap siya sa inis. "Kailangan kong magpa-annul, agad-agad! Magnanakaw siya ng marriage status!" naiiritang sabi ni Mari sa sarili. Ilang sandali pa ay lumapit si Patricia kay Mari. "Ano 'yang hawak mo? Ayos ka lang ba?" Nanlaki ang mata ni Mari kaya agad naman niyang binalik sa brown envelope 'yon. "W-Wala po, Ma'am," aniya nang itago ito sa likuran. "E ano pang ginagaw mo r'yan? Balik ka na sa pwesto. Dumadami na customers natin." "O-Okay po, Ma'am Patricia!" Agad na nagpunta si Mari sa locker niya para ilagay sa loob ang marriage certificate, pagkatapos ay bumalik na s'ya sa pwesto. Dumaan ang tatlong oras ng duty niya ay lumapit muli si Patricia kay Mari. "Mari, pinapatawag ka ni Sir Clarence sa office niya." Halos mailuwa ni Mari ang mata niya sa gulat. Ano raw? Siya? Pinapapunta sa office? Para saan? Para punahin ulit siya kanina sa usapan nila? "Po? Bakit daw po, Ma'am?" naguguluhang tanong ni Patricia. Napataas-baba na lang ng balikat ang manager niya. "Ewan ko. Pinapatawag ka lang ni Sir. Baka may ipapagawa sa'yo?" May halong inggit na pagkasabi nito kay Mari. Napahugot nang malalim na hininga si Mari. Ano na naman kaya ang rason sa pagtawag ni Clarence sa kanya? Napatali ng buhok si Mari. Kunot-noo siyang naglakad papuntang opisina ni Clarence dahil iniisip niya na baka hindi ito maka-move on sa nangyari kanina. Ang katapangan ni Mari ay naglaho nang makaramdam siya ng kaba habang palapit nang palapit na siya kay Clarence. Nasa harap na siya ng pinto at saka muli siyang huminga nang malalim. Kumatok muna siya at nagsalita. "Sir Clarence, si Mari po 'to. Pinapatawag niyo raw po ako?" Kaagad na may nagbukas ng pinto. Bumungad kay Mari ang presensya ng secretary na si Mike. Napatingin na lang siya rito nang bigyan siyang daan para pumasok sa opisina. Napalunok sa kaba si Mari pagpasok niya. Kitang-kita mula sa kinatatayuan niya ang pwesto ni Clarence, nakaupo lang ito at busy sa pagbasa na sa palagay niyang mga dokumento ng hotel. Tahimik na iniwan sila ni Mike sa loob. Kaya naman naglakad lang si Mari hanggang sa marating niya ang lamesa ni Clarence. "Pinapatawag niyo po ako, Sir?" magalang niyang tanong dito. "Have a seat, Mari," wika ni Clarence habang nakatuon ang atensyon sa mga dokumento. Umupo naman si Mari sa harap ng lamesa. Lumipas ang sampung segundo ay busy pa rin si Clarence sa mga binabasa nito. Sa curiosity ni Mari ay napatingin siya rito, at dahil do'n ay napahigit ng paghinga si Mari kasabay ng pagdilat ng kanyang mata sa gulat. Clarence is reading Mari's resume! Narinig ni Clarence ang paghinga ni Mari, kaya mabilis niyang tiningnan ang dalaga sabay balik sa ginagawa niya. Tumikhim si Clarence saka itinigil ang pagbabasa niya. Binaling niya ang tingin kay Mari saka siya nagsalita. "I read your resume, Mari. Wala ka pang experience sa hotel from seven years na grumaduate ka as tourism, yet pinasa ka ng HR namin. And your full name is. . . Marigold Harrington? Tama ba ako?" Tumango si Mari. "O-Opo, Sir. H-Harrington po ang apelyido ko," tugon ni Mari na tila bang ayaw niyang banggitin ang last name niya. "May tanong ako. . . are you related to Robert Harrington?" Hindi kasi nilagay ni Mari ang pangalan ng pamilyang Harrington. Ang sinulat niya lang sa resume sa relatives na apo siya ni Epiphania de Flores. "H-He was my father." Napataas ng kilay si Clarence. Hindi niya maintindihan kung bakit gano'n na lang ang sagot nito. "Was your father? What do you mean?" Hindi kaagad makasagot si Mari dahil muling bumalik ang kirot sa puso niya nang maalala 'yon. Nang mapansin ni Clarence 'yon na nahihirapan sumagot ito ay muli siyang nagsalita. "You don't have to answer now, Mari, it's okay," mahinahon niyang sabi. Pinilig ni Mari ang ulo niya saka ngumito. "Ayos lang, Sir. Matagal na 'yon kaya okay lang na ikwento ko na siya." "I'm all ears," ani Clarence. Ready na siyang pakinggan ang kwento ni Mari. "May tradisyon ang pamilyang Harrington. Ang tradisyon na ibibigay lang namin ang sarili namin sa araw lang mismo ng kasal. My ex-fiance cheated on me with my best friend, a day before our wedding. Dahil hindi raw niya matiis pa paabutin ng kasal ang needs niya. Dahil do'n, nagpunta ako ng bar, nag-party, uminom, at pati p********e ko nawasak." Napahinto saglit si Mari. Tama bang ikwento kay Clarence ang nakaraan niya? Baka naman kasi i-judge siya nito. Nanliit ang mata ni Clarence, halatang interesado siya sa kwento ni Mari. "And what next?" "Nasira ko ang tradisyon namin. At apat na buwang itinago sa pamilya ko na buntis ako." "In a one night stand?" Tumango si Mari. "Yes. Gano'n na nga ang nangyari sa akin. Nang malaman ng parents ko, lalo na si daddy, itinakwil nila ako bilang parte ng pamilya nila. Malas daw sa negosyo ang manatili pa ako sa mansyon." "Then that's good," patango-tangong sabi ni Clarence. Tumindig siya mula sa kanyang upuan. Nanlaki ang mata ni Mari. Saang good ang sinasabi nito? Malas nga di ba? "I mean. . . qualified ka sa single-parent monthly assistant ng company. Nakapag-avail ka na, hindi ba?" Napalunok si Mari. Hindi niya alam kung bakit napatango na lang siya rito. "O baka naman nahanap mo na ang lalaking nakabuntis sa'yo?" dagdag ni Clarence kaya tumawa nang malakas si Mari. "Imposible mangyari 'yon! Ni mukha niya, hindi ko na maalala," tawang-tawa siya. Natigilan si Mari nang biglang mag-sink in sa isip niya na baka nga si Clarence ang kasama niya no'ng gabing 'yon. Tumango si Clarence. "Curious lang ako, wala ka bang balak na hanapin ang taong nakabuntis sa'yo? Para naman suportahan ka sa anak mo?" "I tried. Pero mauubos lang pera at oras ko. It's not worth it to waste money just for him." "Well, the company has a program to help. Kung hindi ka pa nakapag-avail, pwede kong kunin ang cenomar mo para ako na mismo ang mag-process." Nanlaki ang mata ni Mari. Napatindig na lang siya sa gulat. Tila bang ayaw niyang malaman na si Clarence ang asawa niya sa marriage certificate! "No! I mean. . . nakapag-avail na ako ng single-parent assistance ng kompanya. Anyways, 'yon lang po ba ang sasabihin niyo? Mukhang dinadagsa tayo ng mga customers ngayon. Siguro kailangan ko nang bumalik do'n," natatarantang sabi niya. "Alright. Pwede ka nang bumalik sa trabaho mo." Kaagad na tumalikod si Mari kay Clarence saka nagtungo sa pinto ng office. Pagbukas niya rito ay napahinto siyang makita ang kapatid niyang si Kate Harrington. Nagsalubong ang kilay ni Kate nang magtagpo muli sila ng kapatid niya. "Mari?" gulat nitong sambit sa pangalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD