NAGING tensyonado ang paligid nang magkatinginan sina Mari at Kate. Anim na taon na ang lumipas simula no’ng umalis si Mari sa mansyon, at nasaksihan ni Kate ang nangyaring pagtakwil ng ama nila kay Mari. She was happy that her stepsister is no longer a part of the Harrington family. Mas nagagawa niya ang mga bagay na gusto niya. Lahat ng atensyon at pabor ay nasa kanya na.
Ang pagkagulat ni Kate ay napalitan ng mapanuksong ngiti nang lapitan ang kapatid.
“Well, look who showed up after all this time,” sarkastikong sabi ni Kate.
Inihanda ni Mari ang sarili nang harapin niya ‘to. “Surprised to see me, Kate?”
Marahang tumawa si Kate sabay tinakpan ang bibig. “Surprised? Leaving and breaking our family’s tradition was a real shocker. Para mo na lang din inabandona ang pamilya mo.”
Nanatiling kalmado si Mari. “I didn’t abandon anyone. Kayong lahat, except Ate Vina, ang nag-abandon sa akin. Pinili ko na lang magpakasaya.”
“Happiness?” Ngumisi si Kate. “Does breaking a tradition make you happy? You’ve always been the rebellious one.”
Napataas na lang ng kilay si Mari. Hindi tama na pagbintangan siyang rebelde sa pamilya. Nagkamali lang siya at hindi niya ‘yon sinadya.
“Pinili ko ang buhay ko ngayon, Kate. Masaya na akong malaya na ako. Nagagawa ko na lahat ng gusto ko. E, ikaw? Sigurado akong sunod-sunuran ka pa rin sa mommy mo, at lalong-lalo na kay dad.”
Sandaling napawi ang ngiti ni Kate. Bakas sa mukha niya ang inis na tila bang natamaan siya sa sinabi ni Mari.
“Oh, spare me the rebellious act,” sagot ni Kate, pagkatapos ay nakuha na niyang maging kalmado. “You’re just trying to justify your selfish choices.”
“It’s not about rebellion, Kate. It’s all about living a genuine life and making choices for my own happiness. Kaya kong bumalik muli sa mansyon at kunin ko ulit ang loob ni dad, pero hindi ko ‘yon ginawa dahil ayokong mabuhay na hindi masaya.”
Marahang natawa si Kate. “Kaligayahan para masira mo ang tradisyon ng pamilya natin? Truly remarkable, Mari.”
Napabuntong-hininga si Mari. “Hindi ko intensyon na sirain ang pamilya natin. Lahat naman tayo nagkakamali, at hindi ko sinadyang mangyari ‘yon. But, I won’t apologize for being true to myself.”
Kate crossed her arms, naningkit ang kanyang mata habang nang lapitan niya si Mari.
“And what about Ate Vina? She stayed loyal to the family. Unlike you. At h’wag mong sabihin na nagpapakita ka ngayon sa amin para makipag-ayos kay dad? That would never happen!”
Napabuga ng hangin si Mari, dala ng inis niya ay napakuyom siya ng kamay.
“Naiintindihan ni Ate Vina ang pinagdaanan ko, Kate. At wala akong intensyon na makipag-ayos sa inyo. Wala akong balak na bumalik sa Harrington, kung pwede nga lang palitan ko na lang apeliyedo ko, e!”
Nanlaki ang mata ni Kate dahil sa lakas ng boses ni Mari. Magsasalita pa sana siya nang bigla siyang inunahan nito.
“Kailangan ko nang umalis. Ayokong maubos ang oras ko sa walang kwentang usapan.”
Akmang hahabulin ni Kate ang kapatid nang biglang humarang si Mike sa harap niya na kanina pa pala naririnig ang usapan ng dalawa.
“Wala kang karapatan na guluhin ang empleyado ng Hotel de Sinclair. Oras ng duty ni Mari ngayon, pwede naman kayo mag-usap pagkatapos ng shift niya. I hope you understand that, Ma’am Kate.”
Wala sa mood nang maglakad si Mari pabalik sa pwesto nya. Ba’t ba kasi bigla-bigla na lang nagpakita si Kate? Napahinto siya ng paglakad. Napatanong siya kung ano ang relasyon ni Kate kay Clarence? Siguro kliyente lang ito ng Hotel de Sinclair?
Iwinaksi ni Mari sa isip niya ‘yon. Wala naman siyang pakialam kung anong pakay ni Kate kay Clarence. Napatingin na lang siya sa kaniyang orasan, alas dose na pala ng tanghali. Nakaramdam na siya ng gutom kaya dumiretso na lang s’ya sa canteen, eksaktong 12PM shift siya ngayong week sa lunchtime.
May sariling canteen ang Hotel de Sinclair, at libre ang pagkain ng mga empleyado rito. Sosyal nga kasi parang nasa buffet restaurant lang ang ambiance sa loob. At hindi lang ‘yon, masasarap pa ang mga pagkain ng inihahanda sa kanila kaya ang swerte talaga ng mga tao rito. Natuwa naman si Mari sa ideyang ito dahil makakatipid siya ng gastusin.
Natapos na si Mari pumila dala ang napili niyang mga pagkain sa tray. Ilang sandali pa ay nahagilap ng tingin niya ang kumakaway na si Lani, senyales na do’n na lang siyang pumwesto. Agad naman na lumapit si Mari at tinabihan ito.
“Uy, Mari! Kumusta ka? Ano raw sabi ni Sir Clarence?” excited na tanong ni Lani.
“Uhhh. Wala naman. Tungkol lang sa mga requirements ko, gano’n.”
“Ahhh. Ehh ano ‘yong natanggap mo galing PSA? Cenomar mo na ‘yon?” ngiting tanong muli ni Lani.
Pilit na ngumiti si Mari nang tumango siya rito. Hindi niya pwedeng sabihin ang totoo.
“Ang swerte mo naman, Mari, may monthly allowance ka sa kompanya.”
Ilang sandali pa ay umupo ang isang kasamahan nila na si Olivia. Nilatag nito sa mesa ang tray saka nagsalita. “H’wag na nga tayo mainggit kay Mari. Maswerte tayo dahil wala pa tayong malaking responsibilidad.”
Natawa na lang si Mari sa sinabi ni Olivia.
“Tama siya, Lani. Kaya i-enjoy mo muna ang pagiging single mo,” ani Mari saka nagsimula na silang kumain.
Habang kumakain sila ay bigla nilang narinig ang kilig at hiyawan ng mga tao sa loob ng canteen. Napatindig sina Lina at Olivia para usisain ang pangyayari, samantalang ninanamnam ni Mari ang pagkain niya.
“Uyyy! Si Sir Clarence nandito sa canteen. Omg!” kilig na sigaw ni Lina. “At sino namang babaeng kasama ni Sir Clarence?” dagdag pang tanong ni Lina.
Napahinto ng pagkain si Mari saka binaling ang tingin kay Clarence. Napansin niyang kasama nito ang kapatid niyang si Kate na nakahawak sa braso ni Clarence.
“Ay inggit ako! Sino ba ‘yang kasama ni Sir? Nagseselos tuloy ako!” malungkot na sabi ni Lina saka ngumuso.
Muling umupo ang dalawa sa kani-kanilang pwesto sa kabiguan.
“May narinig lang akong usap-usapan kanina sa cr,” ani Olivia kaya napatingin ang dalawa rito.
“Ano raw sabi? Ito naman, oh! Nagpapabitin!” wika ni Lina na halatang atat na malaman ‘yon.
“Ang sabi na may girlfriend na raw si Sir Clarence.”
Halos masamid si Mari nang marinig niya ‘yon habang umiinom siya ng tubig.
“Ano?! May girlfriend na siya? So meaning. . .” Napatingin muli si Lina kina Clarence at Kate. “. . .girlfriend ni Sir Clarence ang kasama niya ngayon?”
“Oo. Tapos hindi lang ‘yon, malapit na niyang maging fiance ‘yang si Kate Harrington.”
Napabuga ng tubig si Mari matapos niyang marinig ang huling sinabi ni Lina.
“Si Kate ang girlfriend ni Sir Clarence?!” ani Mari sa kanyang isip.