"ARE YOU sure you wanna marry Kate Harrington?" naguguluhang tanong ni Mike kay Clarence. Nasa office silang pareho at katatapos lang ng meeting kanina sa mga board of directors.
Si Clarence Sinclair ang nag-iisang anak ng mag-asawang sina Timothy Sinclair at Rosemary Sinclair. At dahil do'n ay siya lang ang tagapagmana ng Sinclair Group.
Napatingin si Clarence sa family picture na nasa mesa at tinitigan niya ang mukha ng mommy niya. Her mother is beaming with happiness habang nakaharap sila sa kamera. Pero 'yon na ang huling litrato na kasama niya ito.
As he started at the photo, bigla na lang naalala ni Clarence ang masasayang alaala sa mommy niya. Hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin siya sa pagkamatay nito.
"I know it might seem sudden, Mike, but there's a reason behind my decision."
Sumandal si Clarence sa upuan niya at pinatunog niya ang mesa gamit ang mga daliri bago niya isiwalat ang bagay na matagal na niyang pinag-isipan.
"It's not about Kate, it's about the Harrington family and what they did to my mother."
Habang nagsasalita siya ay tila nagdilim ang mga mata ni Clarence dahil sa kirot at determinasyon na maghiganti. Naalala niya ang sinapit ng mommy niya, kung paanong pinatay ng mga Harrington ito para makuha lang ang yaman na tinatamasa nila ngayon.
The memory of his mother's suffering ignited his desire for revenge. And the opportunity to marry into the Harrington family is like a strategic move on the chessboard. Kailangan niyang isakripisyo ang marriage status niya para ma-checkmate ang mga ito.
Binaling ni Clarence ang tingin niya sa yellow orchid flower na nasa vase katabi ng family picture. Ito kasi ang paboritong bulaklak ng mommy dahil nakakapagdagdag ito ng aliwalas ng kwarto. At ang vase ay regalo naman ng mommy niya bago ito namatay. Simula no'n ay dala-dala niya lagi ang vase pang-display sa opisina niya.
"Kate's family may appear to be perfect in front of people. . ." Clarence explained, his jaw clenched with rage. ". . . but marrying Kate is my way to ensure that justice is served, and that the Sinclair name will be more powerful," seryosong dugtong niya.
"But how about Marigold Harrington?" tanong muli ni Mike.
Nahagilap ng mata ni Clarence sa labas ng bintana si Mari na inaalalayan na itawid ang matanda palabas ng hotel. Bahagyang napangiti siya rito nang ma-realize niyang may puso ito. Muli siyang naging seryoso nang dahil sa tanong ni Mike.
"She's no longer a part of that family. Harrington already disowned her kaya wala akong problema do'n."
Napataas na lang ng kilay si Mike no'ng aksidenteng narinig niya ang usapan ng magkapatid.
***
BUSY si Mari sa front desk nang lumapit si Patricia sa kanya.
"Mari, halika, may ipapagawa ako sa'yo. Si Lani na lang muna bahala d'yan. Sumunod ka sa akin."
Nagsalubong ang mga kilay ni Mari. Iniisip niya kung ano ang ipapagawa ni Patricia sa kanya. Kaagad niyang sinundan ang manager niya papunta sa lugar kung saan walang tao.
Huminto si Patricia at hinarap si Mari. Bakas sa mukha nito na nahihiya siya sa ipapagawa kay Mari.
"Nakiusap kasi ang head room attendant sa akin na kung pwedeng kumuha ako ng tao na papalit kay Rhian. Bigla na lang kasi ito di pumasok ngayon at wala nang paramdam. Baka siguro nag-awol na. Kailangan niya ng kapalit, kahit ngayong araw lang, Mari. Baka pwedeng ikaw na lang maglinis sa opisina ni Sir Clarence ngayon?"
Nanlaki ang mata ni Mari nang marinig 'yon. Gusto niyang umiling pero nahihiya siyang gawin 'yon sa harap ng manager niya.
Napansin ni Patricia ang reaksyon nito kaya muli siyang nagsalita. "Bayaan mo na, double naman ang sahod mo ngayong araw. Sinabi na rin ng HR sa akin 'yon, marami kasi tayong concierge kaya sa atin sila nakiusap."
"P-Pero bakit ako, Ma'am? Pwede naman si Lina? Si Olivia? O 'yong ibang staff?" reklamo ni Mari. Nababahala siya na baka pagpasok niya ay nando'n si Kate.
Huminga nang malalim si Patricia.
"Ikaw lang ang naisip ko, Mari. Nakikita ko kasi na medyo close na kayo ni Sir Clarence, at may tiwala siya sa'yo. Mas mapapanatag ako na ikaw na lang."
Napabuga ng hangin si Mari at bahagyang natawa sa sinabi nito. Ano raw? Close daw sila? Naku imposibleng mangyari 'yon!
"Kami? Close? Naku, Ma'am Patricia, nagkakamali ka."
"E hindi ba close 'yong bumaba ka sa kotse ni Sir Clarence no'ng nakaraan?" Naningkit ang mga mata ni Patricia lumapit siya sa mukha ni Mari. Napaatras naman si Mari sa gulat nang gawin ito. "Tell me, may relasyon ba kayo ni Sir Clarence?"
Sinubukang pigilan ni Mari ang tawa niya saka siya napahalakhak.
"Haha! Kami ni Sir? It's a big NO, Ma'am Patricia! Hindi ko aagawin ang jowa ng stepsister ko."
Natigilan si Patricia saka napakurap siya ng dalawang beses.
"S-Stepsister mo si Kate Harrington? Teka. Oo nga, isa ka palang Harrington, at ibigsabihin. . ."
Patango-tango lang si Mari habang hinihintay niya ang sunod nitong sasabihin. Nang mapansin niyang wala nang salitang lumalabas sa bibig ni Patricia ay siya na lang mismo ang dumugtong dito.
"Parte ako ng Harrington family noon," she emphasized.
Naguguluhan si Patricia sa family background ni Mari. Ayaw naman ni Mari na ikwento lahat sa manager niya ang tungkol sa past life niya.
"Sige na nga po. Ako na lang maglilinis sa opisina ni Sir Clarence ngayon. Nasa'n na ba ang maintenance room para kunin ang mga gamit panglinis?"
Itunuro ni Patricia ang daan patungo sa maintenance room. Pagkakuha ni Mari sa mga gamit ay agad siyang nagtungo sa opisina ni Clarence. Walang humpay ang dalangin niya na sana wala si Kate sa loob habang naglalakad siya, at baka mag-away lang ulit sila nito.
Hindi naman siya nabigo pagkabukas niya ng pinto. Saktong wala rin si Clarence kaya malaya siyang makakagalaw sa loob.
Pinasada ni Mari ang paningin niya sa opisina ni Clarence. Katulad ng unang pagbisita niya ay malinis at maaliwalas naman tingnan.
"Ano naman kaya ang lilinisin ko rito? Ang linis-linis na nga, e."
Wala siyang choice kundi maghanap ng malilinisan niya. Kumuha siya ng feather duster at inuna niyang linisan ang bookshelves nito, pagkatapos niya do'n ay sinunod niya ang desk ni Clarence. Lumipas ang ilang minuto ay napahinto siya nang makita ang family picture nito. Walang alinlangan na kinuha niya at tinitigan ito.
"Mukhang teenager pa si Sir Clarence, siguro college student pa siya rito? Pero kung papipiliin ako, mas gwapo siya ngayon," ngiting sabi niya sa sarili.
Binaling ni Mari ang tingin niya sa litrato ng mga magulang ni Clarence. Napahinto siya nang makita ang pamilya na mukha ng tantya niyang ina ni Clarence. Nanlaki ang mata niya at napatakip siya ng bibig nang maalala niya ang sinapit nito, thirteen years ago.
"Mommy pala ni Clarence ito?!" gulat na sambit ni Marigold sa isip.
Ilang sandali pa ay biglang pumasok si Clarence sa opisina. At dahil sa gulat ni Mari ay nasagi ng kamay niya ang flower vase sa desk, kaya nahulog ito ay nabasag.
Nanlaki ang mata ni Clarence sa nangyari.
"What are you doing?!"
Napakuyom siya at napadilat sa galit nang nilapitan ni Clarence si Mari.
"Get out of my office now!" galit tonong sigaw niya dito habang si Mari ay naiiyak sa takot.