UMILING si Mari sa sinabi ni Clarence. Napatingin siya sa broken vase at kaagad niya ito pinulot isa-isa.
“I’m gonna fix this first,” maluha-luhang sabi niya.
Napasinghap sa galit si Clarence saka hinilamos ng kamay niya ang mukha. Lumapit siya rito at hinila ang braso ni Mari para ilayo mula sa vase. Dahil do’n ay nasugatan ang kamay ni Mari.
Marahas na pinaharap niya si Mari gamit ang kamay niya sa braso nito. Masakit ang pagkahawak ni Clarence kay Mari ngunit tiniis lang ‘yon ng dalaga.
“I said get out of my office! That’s a simple order, Mari, can’t you even follow that?”
Nagliliyab sa puso ni Clarence ang galit lalo na’t makita niya muli ang basag niyang vase. Iniingatan niya ang alaala ng mommy niya mula sa vase. Pero dahil basag na ay para bang nawala na nang tuluyan ‘yon.
Pumasok na si Mike para alalayan si Mari na lumabas na lang ng opisina. Mike understands how Clarence feels. Alam niya ang pinagdaanan nito.
“I’m sorry, Miss Mari, kailangan mo nang umalis dito. Alam kong nagulat ka sa pangyayari pero mahalagang bagay kay Sir Clarence ang nabasag mo.”
Nakayuko lang si Mari at patango-tango lang siya habang pinipigilan ang pag-iyak kahit kanina pa tumutulo ang mga luha niya.
“A-Alis na po ako, Sir Mike. Maraming salamat.”
Pinahid ni Mari ang mga luha niya habang naglalakad siya pabalik ng maintenance room. Nakasalubong niya ang isang lalaking room attendant na tumatakbo patungong opisina ni Clarence, may dala itong panglinis na sa palagay niya ay para ‘yon sa nabasag niyang vase.
Pagdating ni Mari sa maintenance room ay nakita siya ni Patricia. Napansin ng manager niya ang malungkot na mukha nito. Alam na niya ang nangyari at nag-aalala siya para dito.
“Pasensya ka na, Mari, hindi kita na-inform tungkol sa vase ni Sir Clarence.”
Naguguluhan si Mari. Hindi niya maintindihan kung bakit gano’n na lang ang galit ni Clarence no’ng mabasag niya ‘yon.
“Mas mahal pa ba sa buhay ko ang halaga ng vase niya, Ma’am Patricia?” tanong ni Mari.
“That vase, Mari, was priceless. Bigay ng mommy niya ‘yon bago namatay. Pasensya ka na hindi kita nasabihan tungkol do’n.”
Para mang nanghina ang mga tuhod ni Mari sa sinabi ng manager niya. Parang inulanan siya ng guilty. She felt sorry for what happened to his vase. Pero aksidente lang naman nangyari ‘yon, hindi naman niya sinadyang mahulog niya ang vase. Nagulat lang siya sa pagdating ni Clarence.
Malungkot ang mukha ni Mari nang maalala niya ‘yon. Niligay niya ang sarili niya kay Clarence at gano’n din ang mararamdaman niya kapag nasira o nawala ang bagay na pinapahalagaan niya.
Ilang sandali pa ay nakita ni Mari ang basag na vase sa malaking dustpan na dala ng room attendant, at saka nilagay ito sa garbage bag. Itatapon sana nito nang bigla niyang pinigilan ang lalaki.
“H’wag!” aniya nang lumapit siya rito. “Akin na, ako na bahala sa vase ni Sir Clarence.” Inilahad ni Mari ang palad niya sa harap ng lalaki para ibigay ang garbage bag sa kanya.
Naguguluhan ang lalaki kay Mari. Pero dahil mahuhuli na siya sa susunod niyang gagawin ay agad niyang binigay ‘yon kay Mari.
“Pakitapon na lang, Miss Mari. Alis na ako, mahuhuli na ako,” wika ng lalaki nang ibigay ang garbage bag kay Mari.
Tumango si Mari. “Sure. No worries. Thank you,” tugon ni Mari nang hawakan niya ang bag. Umalis kaagad ang lalaki sa maintenance room.
Binuksan ni Mari ang garbage bag at napahinga siya nang malalim nang titigan niya ang basag na vase ni Clarence. She’s thinking about mending the broken vase. Kahit hindi perfect basta buo niyang maibalik ito kay Clarence. Napakuyom na lang si Mari sa determinasyon niyang mabuo muli ang vase. Bigla siyang nakaramdam ng kirot sa kamay at do’n na lang niya napansin na may sugat pala siya rito.
Nasa opisina pa rin si Clarence at malalim ang iniisip dahil na nangyari. Napatingin siya sa sahig nang mapansin ang isang drop ng dugo. May kung anong pag-aalala siyang naramdaman kay Mari dahil alam niyang nasugatan ito.
Magdamag na pinagdidikit-dikit ni Mari ang bawat piraso ng vase gamit ang super glue na binili niya kanina bago siya umuwi sa bahay. Kalahating gabi na siya natapos at maingat na nilagay niya sa safe place ang vase.
“I hope it works,” aniya sa sarili saka napatingin siya sugatan niyang kamay. Nilagyan na niya ng ointment saka band-aid ito kanina. Hindi na importante sa kanya ang kamay niya ang mahalaga ay mabuo niya muli ang vase.
Maagang pumasok si Mari at nagtungo siya kaagad sa opisina ni Clarence. Pagdating niya sa loob ay maingat niyang nilapag sa mesa nito ang nabuo niyang vase. Natuyo na ang super glue rito at para sa kanya ay nagtagumpay si Mari.
Napangiti siya sa achievement na ‘yon saka may kung anong note siyang idinikit sa vase bago niya nilisan ang kwarto.
Di kalaunan ay pumasok na sa opisina si Clarence. Napawi ang seryoso niyang mukha nang makita niya muli ang vase sa mesa. Nanlaki na lang ang mata niya nang lapitan niya ito at hawakan. Napansin ng kamay niya ang papel na nakadikit dito. Agad niya naman itong tinanggal at binasa.
Ibawas niyo na lang ‘to sa sahod ko. -Mari
Napabuga siya ng hangin saka napangiti. He didn’t expect that Mari would mend this broken vase. Dahan-dahan niyang binalik sa mesa ito.
Makalipas ang ilang sandali ay biglang pumasok si Kate sa loob. Masaya niyang nilapitan ang boyfriend at hinalikan ito sa pisngi.
Walang emosyong napatingin si Clarence sa surprise visit ng nobya.
“What are you doing here? Ba’t di ka man lang tumawag?”
Napataas ng kilay si Kate at napawi ang ngiti niya rito. She was expecting something from Clarence dahil birthday niya ngayon.
“Seriously? Nakalimutan mo na naman ang importanteng araw ko?”
Napadilat nang bahagya ang mata ni Clarence ay pasimpleng pinasada ang tingin niya sa kalendaryo sa mesa. Napansin niyang kaarawan pala ni Kate ngayon. He almost forgot!
Clarence grinned, giving Kate a seductive smile that could make her melt as they locked eyes.
“I won’t forget your birthday, hon. I’ve already reserved a luxurious restaurant for tonight.”
Pilyong ngiting tinitigan ni Kate si Clarence saka siya napakagat siya ibabang labi.
“But what I truly desire for my birthday,” Kate trailed off, her finger gently tracing a path down to Clarence’s chest, “is to celebrate it in your bed just like what we did last time. We had so much fun that night. How does that sound, hon?”
Napalunok na lang si Clarence nang kinuyom niya ang kanyang kamay. Ang totoo niyan ay hindi niya gusto na makasama si Kate sa kama. But he wants her to be more obsessive over him kaya nagawa niya ‘yon.
“I’m sorry, Kate. Maybe next time. Alam mo naman na I just recently opened this hotel. I have so many things to do.”
Napanguso si Kate sabay tumango. “Yeah. I understand,” ngumiti siya muli, “Excited na ako sa engagement natin and when the time comes na asawa na kita, hindi ka na makakawala sa akin.” Mainam niyang tiningnan sa mata si Clarence at dinapo ang daliri niya sa mga labi nito.
“See you tonight, hon,” dagdag pa nito saka nag-flying kiss bago umalis.
Napabuga ng hangin si Clarence at sarkastikong tumawa nang marahan. Agad siyang kumuha ng alcohol at ini-spray niya ito sa kanyang kamay. Hindi niya matiis ang pagiging obsessed ni Kate sa kanya. But that served a purpose, dahil malapit na nya makuha ang hustisya sa pagkamatay ng mommy niya.
Dinukot niya ang cell phone mula sa bulsa at tinawagan ang matalik niyang kaibigan na si Jacob Ferrer—isang lawyer na maraming koneksyon sa gobyerno. Si Jacob lang ang malalapitan nya para makuha ang isa sa requirement bago siya ikasal.
“Hello, Jacob.”
“Hey Clarence, it’s been a while dude! What’s up?”
“I have a favor to ask.”
“Yeah, sure, what is it?”
“Pwede ba akong magpatulong sa’yo na makuha ko kaagad ang cenomar ko? I know you have a friend na nasa PSA. I just need it right away.”
“Sure! Bukas na bukas ipapadala ko sa’yo. Just give me the address.”
Napangiti si Clarence. “Thank you, Jacob. Talagang maaasahan kita,” aniya saka binaba ang tawag.
He needed to expedite his wedding with Kate, so he decided to start preparing early. Clarence grinned as he contemplated how the Harrington Group would fall.
Malapit na.
Konting tiis na lang.