Chapter 14

1943 Words
NANLAKI ang mata ni Mike nang mabasa niya ang marriage certificate ni Clarence. “S-Sir? What’s the meaning of this? Kasal ka na pala kay Marigold Harrington?” gulat niyang tanong habang hawak ang papel. Tumango si Clarence at napahilamos siya ng mukha. Nakaupo lang siya sa couch ng office at malayo ang iniisip. “But how? Paano nangyari ‘yon?” Kinuwento ni Clarence lahat ng nangyari sa kanila ni Mari six years ago. “At dahil sa katangahan ko ay nilagay ko pala ‘yong marriage certificate namin sa envelope. Nasama sa notaryo na dapat kay Ate Diane lang ang natatakan.” “Paano ang engagement at wedding mo kay Kate Harrington?” Huminga nang malalim si Clarence. “I don’t know, Mike. Maybe I have no choice but to ask Mari for an annulment.” Napataas ng dalawang kilay si Mike because he expected that answer. “Hindi ko pwedeng i-delay ang engagement ko kay Kate. Kailangan ko na siyang mapakasalan sa lalong madaling panahon.” “Bakit hindi na lang si Marigold, Sir Clarence?” Napatingin si Clarence kay Mike saka siya umiling. “Hindi pwede, Mike, Marigold is already not a part of the Harrington family. Hindi ba’t pinalayas na siya ng daddy niya?” Tumango si Mike nang maalala niya ‘yon. “Yeah. I remember. You have a point, Sir.” Ilang sandali pa ay natigilan si Clarence nang maalala niya ang sinabi ni Marigold noon. “May tradisyon ang pamilyang Harrington. Ang tradisyon na ibibigay lang namin ang sarili namin sa araw lang mismo ng kasal. My ex-fiance cheated on me with my best friend, a day before our wedding. Dahil hindi raw niya matiis pa paabutin ng kasal ang needs niya. Dahil do’n, nagpunta ako ng bar, nag-party, uminom, at pati p********e ko nawasak.” “And what next?” “Nasira ko ang tradisyon namin. At apat na buwang itinago sa pamilya ko na buntis ako.” “In a one night stand?” Tumango si Mari. “Yes. Gano’n na nga ang nangyari sa akin. Nang malaman ng parents ko, lalo na si daddy, itinakwil nila ako bilang parte ng pamilya nila. Malas daw sa negosyo ang manatili pa ako sa mansyon.” Tulalang napatindig si Clarence nang ma-realize niya na malaki ang tyansang siya ang ama ng anak ni Mari. “No way,” aniya habang nakatingin siya sa malayo. Samantalang si Mike naman ay nagtataka sa iniisip ng boss niya. “What do you mean?” naguguluhan niyang tanong. “Marigold Harrington has a child.” Lumingon si Clarence kay Mike. “We had a child, Mark,” gulat niyang dugtong dito. Namilog ang mata ni Mike dahil hindi rin siya makapaniwala sa sinabi ni Clarence. “S-Sigurado po ba kayo sa sinasabi niyo Sir? Malaking problema nga po ‘yan.” “I’m pretty sure na ako ang ama ng anak ni Mari. But we have to confirm it first by doing a DNA test.” Lumapit si Clarence kay Mike at humarap siya rito. “Mike, you have to investigate about Mari’s child kung akin ba talaga o hindi. Let’s do a DNA test secretly,” seryosong sabi ni Clarence dito. “Y-Yes, Sir. This is noted,” agad na tugon ni Mike. *** MALUNGKOT ang mukha ni Gianni habang nakaupo ito sa sala at nanunuod ng cartoons. Lumapit si Mari sa anak nang mapansin niya ito. Napatingin siya sa TV at comedy naman ang palabas. Bakit kaya ang lungkot ng mukha nito? “Ayos ka lang ba, anak?” tanong niya rito. “I am not,” walang emosyong pagsagot ni Gianni. “Bakit naman? What’s the problem?” May kung anong luhang lumabas sa mata ni Gianni. Sinusubukan niyang pigilan ito ngunit bigla na lang ito dumaloy sa pisngi niya. Nanlaki ang mata ni Mari nang masdan niya ang anak. Kaagad niyang hinaplos ang likod nito at saka siya umupo sa tabi. “What’s wrong, anak? May umaway ba sa’yo?” “Mommy, pinagtatawanan ako ng mga kaklase ko sa school kasi di raw kumpleto ang family ko. Ayokong pumasok ngayon, ayokong um-attend ng family day!” iyak na sabi ni Gianni sabay pahid ng mga luha niya. Huminga nang malalim si Mari. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya kay Gianni. Wala din kasi siyang alam kung sino ang ama nito. Kung sasabihin niya naman ang totoo, mas lalo itong masasaktan. “Anak, alam mo naman na nag-leave sa trabaho ang mommy para um-attend ng family day ngayon? Ang totoo niyan, patay na ang daddy mo. Iniwan na tayo no’ng baby ka pa. Kaya sabihin mo sa mga classmate mo na masama ang ginagawa nila. Sabihin mo na wala na ang daddy mo, nasa heaven na.” Mas lalong umiyak si Gianni. “Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin, Mommy? Eh di sana pinuntahan natin si daddy sa cemetery?” Niyakap ni Mari ang anak saka tumango. “Sige next time, pupuntahan natin siya sa cemetery,” aniya sabay kagat sa ibabang labi dahil sa kasinungalingan nasabi niya sa kanyang anak. “Sige na, maghanda na tayo. Baka ma-late pa tayo sa opening ceremony.” Hinawakan ni Mari ang magkabilang pisngi ni Gianni saka pinahid ang mga luha. “H’wag ka nang umiyak, okay?” Ngumiti si Gianni. “Opo, Mommy. Sasabihin ko po sa kanila na nasa heaven na ang daddy para di na nila ako awayin.” *** Maagang umalis ng opisina si Clarence para sana sa date nila ni Kate. Ilang sandali pa hininto ni Mike ang sasakyan nang makita sina Mari at Gianni na nag-aabang ng taxi sa daan. Nagsalubong ang kilay ni Clarence sa ginawa ni Mike. “Why did you stop?” Napansin ni Clarence na natingin lang si Mike sa labas kaya napalingon siya sa labas at nanlaki ang mata nang makita ang mag-inang Mari at Gianni. "That's her son, Sir Clarence," Mike said. "Why don't we use this opportunity to obtain a sample from Gianni for a DNA test?" Sasagot sana si Clarence ngunit biglang nag-U turn si Mike papunta sa kabilang side ng kalsada. “What the heck are you doing, Mike?” natatarantang tanong ni Clarence. He didn't know, but since he found out that Mari is his wife, it seems like he's become hesitant to see or talk to her. Hindi siya sigurado sa kilos na gagawin niya. Ayaw niya kasing mapaghalataan siya na alam na niya ang tungkol do’n. Ibinaba ni Mike ang binatan ng sasakyan saka kinausap si Mari. “Miss Mari? What a coincidence!” Nanlaki ang mata ni Mari nang makita si Mike. “S-Sir Mike? A-Anong ginagawa niyo po rito?” “No. Nakita kasi kita sa daan. Ikaw? Saan kayo papunta?” “S-Sa school ng anak ko,” tugon ni Mari. Napatingin si Mike kay Gianni. “Your son?” ngiting tanong niya rito. “Opo, Sir Mike. His name is Gianni Harrington,” pakilala ni Mari. Napataas ng kilay si Clarence saka lumapit siya sa bintana para makita ang bata. “Saan ba school ng anak mo?” “Sa Forbes Academy po.” “Hatid na kita, Miss Mari. Mahirap na makahanap ng taxi ngayon, rush hour din.” Napalunok si Mari saka sumilip siya sa bintana ng sasakyan kung nasa loob ba si Clarence. Ayaw niya kasing makasama ang lalaking ‘yon katulad ng nakaraan. Napalingon si Mike sa likod at sinensyasan si Clarence na lumabas na lang para papasukin si Mari. “What? Me?” pabulong na tanong ni Clarence sa secretary niya. Tumango lang si Mike at saka dinilatan niya si Clarence na lumabas na. Napabuga si Clarence saka sarkastikong tumawa nang marahan. “Alright.” Hindi niya alam pero kabado siya nang buksan niya ang pinto. Pagbaba niya ng sasakyan ay pilit niyang iniiwasan ang tingin kay Mari. “Pasok ka na. Ihahatid ka na namin.” Binagbuksan ni Clarence ng pinto ang mag-ina. “Sige na po, Miss Mari, baka ma-ticket-an tayo rito. Pasok na po kayo.” Huminga nang malalim si Mari saka pumasok sila ni Gianni sa loob. Samantalang lumipat naman si Clarence sa front seat. Pinaandar na ni Mike ang sasakyan. Napansin ni Mike na masyadong tahimik ang paligid, walang ni isa ang umiimik, nakakahiyaan siguro. Napatikhim si Mike and he started to talk,”Wala po ba kayong pasok, Miss Mari?” tanong niya. “Nag-leave po ako Sir Mike para sa family day ng anak ko.” Napatingin sina Mike at Clarence sa rear view mirror. Tinitigan ni Clarence ang anak ni Mari kung kahawig ba niya. Di kalaunan ay napansin ito ni Gianni. “Why are you looking at me?” naguguluhang tanong ni Gianni kaya napatingin si Mari sa rear view mirror. Agad naman na umiwas ng tingin si Clarence dito pero huli dahil nakita na siya ni Mari. Shoot! I’m dead! Paano kung mapansin ni Mari na pinaghihinalaan kong baka anak ko si Gianni? “N-Nothing. . . I am just wondering kung bakit dalawa lang kayo. Your dad is not coming, Gianni?” tanong ni Clarence. “My dad? My dad is already dead. He’s in heaven now,” seryosong tugon ni Gianni. Napapigil ng pagtawa si Mike, samantalang pulang-pula naman ang mukha ni Clarence. Malakas kasi ang kutob ni Clarence na siya ang ama. Paanong nasabi ni Mari na patay na ang ama nito? Kung malaman niyang siya ang tunay na ama ni Gianni, hindi niya mapapatawad is Mari ang pagpatay sa kanya. Pagdating nila sa Forbes Academy ay bumaba na ng sasakyan sina Mari at Gianni. “Maraming salamat po, Sir Clarence at Sir Mike,” ngiti pasalamat ni Mari. Aalis na sana ang sasakyan ng biglang may dumating na mga kaklase ni Gianni kasama ang mga magulang nito. “Uy, Gianni, why are you here?” wika ng batang lalaki saka nagpalinga-linga pa. “You don’t have a dad to join our family day!” dugtong pa nito saka nagtawanan ang kasamahan niya. “Zane is right, Gianni. Dapat di ka sumasali sa ganito. Wala ka kasing daddy!” ani ng isa pang batang lalaki saka nagtawanan muli ang mga ito. Kumunot ang noo ni Mari. “What’s your problem? Ano naman ngayon kung wala ang daddy niya? Hindi niyo dapat inaaway si Gianni. Mag-sorry kayo!” galit tonong sigaw ni Mari. Pulang-pula ang mukha ni Mari dahil sa galit niya. Nanlaki ang mata ng ina ng batang lalaki. “Who are you para pagsalitaan mo ng ganiyang ang anak ko? Huy, Mari, wala kang karapatan.” Napataas ng kilay si Mari saka siya sarkastikong tumawa. “At mas lalo nang walang karapatan ang anak mo na pagsalitaan si Gianni ng gano’n.” Napabuga ng hangin ang babae. “Ano? Eh totoo naman na wala siyang ama. Akala mo hindi namin alam ang kwento tungkol sa’yo? Nabuntis ka lang naman ng lalaking hindi mo kilala. You slut!” Nanlaki ang mata ni Clarence nang marinig niya ang sinabi ng babae. Napakuyom siya ng kamay at sinuot ang dekolor niyang salamin. Di siya nagdalawang isip na bumaba ng sasakyan. Ngumiti siya sa mga ito nang akbayan niya si Mari. “What’s going on, sweetheart? Sino umaaway sa’yo?” Nanlaki ang mata ni Mari sa ginawa ni Clarence, gayundin naman ang mga babae. “At sino ka naman?” tanong ng babae. Kalmadong tinanggal ni Clarence ang sunglasses niya with confidence. Pilyong ngiti ang ginawa niya nang hinila niya si Mari papunta sa kanya. “I’m her husband and Gianni’s father.” Namilog ang mata ni Mari sa pagpapakilala ni Clarence, pati si Gianni ay hindi makapaniwala rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD