“WHAT are you doing?” pabulong na sabi ni Mari kay Clarence.
“Sabayang mo na lang ako kung ayaw mong mapahiya ang anak mo,” mahinang boses na tugon ni Clarence.
Tumingin si Clarence sa mga umaaway kina Mari at Gianni.
“You don’t have the right na pagsabihan niyo si Mari na nabuntis lang siya sa lalaking hindi niya kilala. That’s only a rumor. We are already married for six years, gusto niyo pa ba ng pruweba? And Gianni is my son.”
Kaagad na napalingon si Mari kay Clarence. Hindi niya alam kung talagang may laman ba ang sinabi nito? O baka naman nasabi lang ‘yon para tulongan ang anak niya?
Nanliit ang mata ni Clarence sa mga ito. “Now, you have to say sorry sa mag-ina ko. Or else I’ll take legal action.”
Napabuga ng hangin ang isa pang babae. “No way! Hindi namin gagawin ‘yon!”
Tinaas ni Clarence ang cell phone niya at seryoso niyang tinitigan ito. "I just recorded your conversation as evidence. If you won't apologize to my wife and son, be prepared to hire a lawyer. I’ll make sure na mauubos lang oras at pera niyo through multiple hearings and legal expenses. And the result? You'll find yourselves behind bars. What do you think about that?"
Kaagad na yumuko ang isang babae at nang makita ng kasama niya ay biglang yumuko rin ang mga ito kasama ang mga bata.
“We’re sorry!” sabay nilang sabi.
Hinila ng mga nanay ang mga anak nila palayo kina Clarence at saka agad na umalis ang mga ito.
Marahang tumawa si Mari habang pinagmamasdan ang mga ‘yon. Ilang sandali pa ay lumapit si Gianni kay Clarence.
“You don’t have to do that po. But thank you kasi pinagtanggol mo po kami ni Mommy.”
Napangiti si Clarence dito at ginulo niya ang buhok ni Gianni. “Ang tapang mo kaya. At tama lang na hindi mo sila pinatulan.”
Ilang sandali pa ay biglang dumating ang advisor ni Gianni na si Mrs. Galvus.
“Magsisimula na po ang family day.” May kung anong binigay ang advisor sa kanila. “Gate pass ‘yan. Tara na,” pag-anyaya ni Mrs. Galvus.
Nagtinginan na lang sina Mari at Clarence habang hawak ang mga Gate Pass ID nila.
“Ano pang hinihintay niyo? Tara na?” muling pag-anyaya ni Mrs. Galvus.
Bumaba ng sasakyan si Mike at binulungan si Clarence, “It’s your chance para makakuha ka ng sample ni Gianni. Ako na bahala i-cancel ang date mo kay Kate.”
Nanlaki ang mata ni Clarence. Tutal nagpanggap na siyang daddy ni Gianni, siguro ay pangangatawan niya na lang hanggang sa matapos ang family day. At saka kailangan din niyang kunin ang sample ni Gianni.
During the family day event, patuloy na nagpanggap si Clarence bilang parte ng family nina Mari at Gianni. The event was filled with games, performances, and bonding activities.
Clarence found himself enjoying time with Gianni kahit sa una ay naiilang siya. He cheered for Gianni during the games, clapped proudly during Gianni’s performance, minsan tinutulungan naman niya sa craft activities ito.
Hindi maiwasan ni Mari na mapangiti nang mapansin niyang maganda ang naging koneksyon ng dalawa. Na-appreciate niya ang effort ni Clarence para maging special ang araw na ‘yon.
No’ng break time na ay lumapit si Mari kay Clarence. “Thank you for doing this for Gianni. It means a lot to him and to me,” maligayang sabi ni Mari.
Ngumiti si Clarence at tumango siya. “I want Gianni to have a memorable day. At saka ayoko na siyang ma-bully. He deserves to be happy.”
Malapit nang matapos na ang event kaya pumunta ang tatlo sa photo booth. The photographer captured a moment that seemed like a happy family. Sa isip ni Mari, kung pwede lang na sabihin na niya kay Clarence na totoo talaga silang mag-asawa, pero natatakot siya na baka sa isang iglap lang ay maglaho ang pinagsamahan nila ngayon. Mari chose to stay silent. She preferred to act like everything was okay until Clarence learned the truth on his own.
Akala nila ay matatapos na ang ang event nang biglang nag-announce sa stage ang best married couple of the year. Every year kasi ito ginagawa maliban sa best family of the year. Ilang sandali pa ay napili sina Mari at Clarence as best married couple of the year.
“Congratulations to the Sinclair couple!” maligayang sabi ng emcee.
Lahat ay napalingon kina Mari at Clarence. Hindi makapaniwala ang dalawa na sila ang napili ng mga judges sa event. Dahil do’n ay umakyat na ang dalawa sa stage. Ang hindi nila alam ay nag-aantay sa kanila ang Remarriage Booth.
Sinabitan na ng medalya at binigyan ang dalawa ng certificate.
“Ayan, palakpakan naman natin ang best married couple of the year!” ngiting wika ng emcee.
Babaa na sana sina Mari at Clarence nang biglang nagsalita ang emcee.
“Wait a minute. Hindi pa tapos ang celebration natin sa pagkapanalo niyo. Every year ginagawa natin ang Remarriage Booth.”
Nanlaki ang mata nina Mari at Clarence nang pumasok ang mga staff na gumawa ng booth dala ang mga gamit nilang pang ceremony. Lumapit ang staff kay Mari hawak ang wedding veil saka kinabit ito.
“What’s going on?” tanong ni Clarence kay Mari. Umiling si Mari, “I don’t understand too.”
The Remarriage Booth unfolded as a surprise activity. The emcee explained, "In this booth, it's a symbolic gesture to celebrate love and unity."
Lumapit naman ang isang staff para ibigay ang kanilang mga wedding rings.
“Clarence and Mari, sa Remarriage Booth, you have the opportunity to reaffirm your commitment to each other. Take this moment to express your love once again.”
Nagtinginan muli ang dalawa at hindi sila makapagsalita dahil sa kaba. They didn’t expect this to happen. Parang gusto na lang ni Mari na kainin na lang siya ng lupa dahil sa kahihiyan.
“Let’s start with Clarence,” ani ng emcee saka binigay niya ang mikropono dito.
“What should I say?” pabulong na tanong ni Clarence sa emcee.
“‘Yung dating sinabi mo sa kasal niyo. Nakalimutan mo na ba? Well, sabihin mo na lang kung ano ang nasa puso mo ngayon,” tugon ni emcee.
Wala naman kasing nangyaring gano’n six years ago.
Clarence was looking deeply into Mari’s eyes and gently took her hands.
“Mari, sa araw-araw na kasama ka. . .I am grateful for the love we share. Today, on this special day and special place, I want to renew my promises to you.” Huminga nang malalim si Clarence. He is trying to stay calm dahil nanginginig siya sa kaba. “I promise to stand by you through every twist and turn, to cherish you in moments of joy and comfort you in times of sorrow,” he said directly to Mari’s eyes.
Tila bang natunaw si Mari sa sinabi ni Clarence. May kung anong kuryenteng dumaloy sa katawan niya kasabay no’n ang biglang pagtibok ng puso niya.
Pinasok na ni Clarence sa daliri ni Mari ang wedding ring, gano’n din naman ang ginawa ni Mari.
Akala nila tapos ang ceremony nang magsalita muli ang emcee.
“And you may now kiss the bride, Clarence!” masayang wika nito kasabay ng hiyawan at sigawan ng mga audience sa kilig.
Natigilan ang dalawa sa narinig nila. Marahang tumawa si Mari saka umiling siya sa emcee.
“Naku! Hindi niyo kami matatakasan sa wedding kiss niyo. Hindi kayo bababa ng stage kung hindi mo hahalikan si Mari, Clarence.”
Napalunok na lang si Clarence nang titigan niya si Mari. Biglang uminit ang mukha ng dalawa nang magtama muli ang mata nila.