MAAGANG pumunta si Kate sa opisina ni Clarence dala ang niluto niyang breakfast. Alam niya kasing hindi ito nag-b-breakfast bago pumasok sa work. Nanlaki ang mata ni Clarence nang makita niyang nasa opisina na si Kate.
“Good morning, hon,” maligayang pagbati ni Kate kay Clarence. Lumapit siya rito para halikan sa labi ngunit umiwas si Clarence.
Kumunot ang noo ni Kate. “What’s wrong? Nag-toothbrush naman ako. Bakit ayaw mo magpahalik sa akin?” inis na tanong ni Kate.
Natikhim si Clarence at hinarap niya ito. “I was in hurry kaya nakalimutan ko ang mag-toothrbush. I’m sorry, hon,” rason niya rito kaya marahang tumawa si Kate.
“That’s so cute, honey. Ayos lang. Come here.” Hinila ni Kate ang braso ni Clarence papunta sa maliit na mesa sa gitna ng mga couch. “I made breakfast for you,” excited na sabi ni Kate.
Napalunok si Clarence nang makita niya ang pagkaing inihanda ni Kate. Isang fried egg, limang slices ng bacon, rice and a cup of coffee.
“W-Wow! T-That’s sweet of you, hon,” nauutal niyang wika kay Kate. Ang totoo niyan ay hindi niya bet ang pagkain ni Kate simula no’ng matikman niyang maalat ang fried egg nito noon.
“Don’t worry, hindi na ‘yan napasobra sa alat. Tinikman ko na ‘yan sila. Nothing to worry about.” Binigay ni Kate ang kutsara at tinidor nito. “Sige na, kumain ka na.”
“S-Salamat.”
Hindi muna kumain si Clarence, hinihintay niya si Kate na umalis ng opisina niya.
“Wala ka bang i-me-meet na client ngayon para sa business niyo?” tanong ni Clarence. Gusto na niya kasing umalis na ‘to sa opisina niya para hindi niya makain ang handa ni Kate.
Umiling si Kate. “Pinostponed ko muna ang meeting ko. Total na-hit ko naman lahat ng mga malalaking kliyente ko. So goods na ako ro’n.”
“Gano’n ba? Ikaw? Ayaw mo ba akong sabayan kumain?”
Napataas ng kilay si Kate at nakaramdam siya ng kilig nang alukin siya ni Clarence. Mabilis na nawala ang kilig na ‘yon nang bigla niyang maalala ang nakita niya kahapon. Gusto niya itanong kay Clarence ‘yon pero nahihiya siya. Baka kasi sabihin na stalker siya.
“Ayos lang, hon, kumain na kasi ako kanina,” ngiting pagtanggi niya rito.
“Alright. Ako na lang ang kakain.”
Napalunok muna si Clarence bago niya sinubo ang pagkain. Napatango siya nang ma-realize na mas masarap pala ang luto ni Kate kumpara ngayon. Napansin ni Kate ang reaksyon ng nobyo kaya marahan siyang tumawa.
“See? Masarap ‘no?”
Ngiting binaling ni Clarence si Kate. “Yeah. This is better than before. I mean. . . masarap naman ‘yong pagkain mo before, mas better lang ‘to,” pagklaro ni Clarence pero tumawa lang si Kate.
“Ang cute mo talaga, hon,” kilig na sabi ni Kate saka pinisil ang pisngi.
Nasa gitna ng pagkain si Clarence nang biglang pumasok sa loob si Mari dala ang panglinis niya. Napilitan kasi siya na mag-part time cleaner dahil kay Manager Patricia.
Nanlaki ang mata ni Kate sa biglaang pagpasok ni Mari. “What the hell?” gulat niyang tanong.
Natigilan si Mari nang makita niya muli ang stepsister niya. Halos mabulunan naman si Clarence nang bigla niyang malunok ang kinakain niya sa gulat. Agad siyang uminom ng tubig.
Kate crossed her arms habang nilapitan niya si Mari. “What on earth are you doing here, Mari?”
Naiilang si Mari kay Kate. “I, um, got a part-time job. Manager Patricia asked me to help with the cleaning habang wala pang kapalit sa nag-awol na cleaner,” sagot niya habang iniiwasan ang tingin dito.
Napaikot na lang ng mata si Kate. A mocking smile was playing on her lips. “Oh, how convenient! From the high and mighty concierge to a part-time janitor. Quite the career change, huh?”
Napatindig si Clarence at nilapitan niya si Kate para pakalmahin ito. “Kate, maybe we can talk about this calmly. . .”
Pero hindi pinalagpas ni Kate ito. She shot him a look before turning back to Mari. “Calmly? Oh, I’m calm, Clarence. I just find it amusing how Mari, the perfect stepsister, has fallen so low. Nakita ba ng manager mo ang pagiging janitor mo kaya nilagay ka rito? O baka naman you are trying to relive Cinderella’s story?”
Napakagat ng labi si Mari. Sumusobra na kasi si Kate sa panglalait sa kanya.
“Hindi naman sa gano’n, Kate. Unang-una sa lahat, hindi ko kaagad ito tinanggap. Nagmamakaawa lang si Ma’am Patricia, at saka extra income ko na rin kasi—”
Kate cut her off nang tumawa siya nang malakas. “Extra income? Right. I bet you’re having a blast scrubbing floors and cleaning toilets. Bagay na bagay sa’yo ‘yon.”
Sinubukan ni Clarence patigilin ang nobya. “Kate, that’s enough. Mari’s just trying to—”
But Kate ignored him, nakapukos ang atensyon niya kay Mari. Pinadilat niya ang kanyang mata dahil sa inis niya. “Tell me, Mari, is this your idea of a happily ever after? Or did you just decide to grace us with your presence because you wanted to see how the ‘common people’ live? Oh sorry, commoner ka na pala ngayon.”
Napakuyom ng kamay si Mari. She is trying to hold back her emotions pero hindi niya kaya. Binitawan niya ang cleaning materials at lakas-loob niyang hinarap si Kate.
“Ano naman ngayon kung nag-pa-part-time cleaner ako sa opisina ni Sir Clarence?” Nanliit ang mata ni Mari habang seryosong nakatitig kay Kate. “Bakit? Nagseselos ka ba?”
Napabuga ng hangin si Kate. “Ako? Nagseselos over you? No way! Hanggang sa apelyido ka na lang bilang Harrington, Mari. Remember? We already disowned you. Hindi makikinabang sa’yo ang Sinclair. You’re nothing now, Mari. Bagay na bagay nga talaga sa’yo ‘yang pagiging cleaner mo. Bakit hindi mo na lang i-fulltime ‘yan?” inis niyang sabi.
“Well, Kate, I don't judge my value based on money or social status. I'm not scared of working hard, and I don't belittle others just because they're in a different situation."
Napataas ng kilay si Kate. Hindi niya inaasan ang pagsagot ni Mari.
"I'm doing this job because I believe in working for what I have and appreciating every honest effort. It's called humility, something you might want to consider," Mari stated, her words piercing through the silence.
Nagulat si Clarence as Mari turned the tables on Kate. Hindi makasagot si Kate sa sinabi ng stepsister niya.
“Siguro mamaya ko na lang gagawin ‘to, Sir Clarence. Ayoko kasing makitang nagseselos siya sa akin,” mapang-inis na sabi ni Mari.
Bitbit na ni Mari ang mga panlinis niya at akmang aalis na siya nang huminto siya saglit at muling humarap kay Kate.
“And by the way, Kate. Mukhang mas kailangan mo ito para naman malinis 'yang budhi mong mas marumi pa sa putik. Gusto mo? Kunin mo na lang sa maintenance room kung nakapag-decide ka na. Alis muna ako, ah?” pilyong ngiting sabi ni Mari saka matagumpay siyang lumabas ng opisina.
Tulalang nakatunganga lang si Kate sa harap ng pinto. Nang bumalik na siya sa huwisyo ay napakuyom siya nang mahigpit. That woman! She getting on my nerves!
Huminga nang malalim si Clarence nang matapos na ang alitan ng dalawa. Babalik na sana siya sa couch nang biglang may tumawag sa kanya. It was Mike calling him. Kaagad niya itong sinagot.
“Yes, Mike?”
"Sir Clarence, confirmed na anak mo nga si Gianni Harrington. Positive ang DNA test mo sa kaniya."
Napangiti si Clarence. Matagal na niyang ramdam na siya ang ama ni Gianni. Ngayon ay confirmed na, he will try his best na i-provide lahat ng kailangan ng anak niya without Mari’s knowing. Napaisip siya nang malalim. Hindi niya alam kung sasabihin niya ba ang totoo kay Mari. Wala pa siyang plano.