PALINGA-LINGA si Clarence habang naglalakad siya sa lobby ng hotel. Hinahanap niya si Mari para humingi ng tawad sa ginawa ni Kate kanina.
Clarence asked the concierge on duty na si Lina. “Have you seen Mari?” tanong niya.
Umiling si Lina. “Hindi ko po siya nakita. Ang alam ko kasi pinapaglinis siya sa opisina niyo, wala po ba sya do’n?” Ngumiti si Lina at hinawi ang buhok niya dahil sa kilig. “Uhm, ano po pala sasabihin niyo kay Mari? I-re-relay ko na lang po sa kanya.”
Pinilig ni Clarence ang ulo nya. “Don’t worry, hahanapin ko na lang siya mamaya.”
Ilang sandali ay nag-ring ang cell phone niya. Kaagad niyang sinagot ang tawag ni Mike.
“Sir, nasa labas na po ako.”
“Wait for me, Mike.”
May lakad silang dalawa ni Mike dahil pupunta sila department store para simulan ang pagiging ama niya kay Gianni. Aalis na sana siya nang bigla niyang nakita si Mari kausap si Manager Patricia.
Lumapit si Lina kay Mari. “Mari! Nandito ka na pala. Hinahanap ka ni Sir Clarence,” wika ni Lina habang tinuturo si Clarence.
Natigilan si Clarence nang magtama ang mata nila ni Mari. Di kalaunan ay lumapit si Mari kay Clarence. “Sir? Hinahanap niyo raw po ako?”
Nang bumalik na si Clarence sa huwisyo ay napatunog siya ng daliri. “Yes! Hindi mo pa nalinisan ang opisina ko. Where have you been?” kunwaring masungit niyang sabi.
Napakurap ng dalawang beses si Mari. Hindi niya maintindihan ang ugali ni Clarence. Minsan mabait tapos babalik sa pagiging masungit.
Nagsalita si Manager Patricia. “Actually, Sir, nakapag-hire na po ang HR ng bagong cleaner. Currently on training na po siya ngayon kasama ang head housekeeper. Nasa opisina na po sila ngayon.”
Nanlaki ang mata ni Clarence with disappointment. “What?!” gulat niyang sigaw kaya napadilat ng mata ang dalawa at nagtinginan sa isa’t isa.
“I mean. . . I don’t trust that newly hired cleaner, Manager Patricia. Maybe HR should consider my request to retain Mari instead.”
Halos mailuwa ni Mari ang mata niya sa gulat. “S-Sir Clarence, I am only intended to be part of the concierge team. Pansamantala lang po ‘yong pagiging cleaner ko sa office niyo,” reklamo ni Mari. Ayaw din niya kasing makasalubong si Kate katulad ng nangyari kanina.
Seryosong tiningnan ni Clarence sina Mari at Manager Patricia. “No. I insist.”
Binaling ni Clarence ang tingin niya kay Manager Patricia. “Call the head HR immediately na i-cancel ang bagong hired cleaner at ilagay siya sa ibang area. Magkano ang sahod ni Mari sa part-time cleaner niya?”
“T-Twenty thousand po, Sir.”
“Then make it forty thousand,” mabilis na sabi ni Clarence.
Napanganga ang dalawa sa gulat. Mas mataas pa ang sahod ng pagiging cleaner kaysa sa sahod ng isang manager.
“Uh, Sir Clarence, hindi po ba too much po ang offer na ‘yon?” wika ni Manager Patricia. Parang feeling niya kasi na-downgrade siya sa sasahurin ni Mari.
“Too much din ba kung offer-an din kita ng fifty thousand?”
Biglang umaliwalas ang mukha ni Manager Patricia sa narinig niya. Hindi na niya kailangan mag-antay pa ng ilang taon para tumaas ang sahod niya.
“Hindi po, Sir! Tatawagan ko na po kaagad ang head HR ngayon din,” excited na sabi ni Manager Patricia kay Clarence.
“Great! Kung may tanong ang head HR, pakisabi na tawagan ako for confirmation. I have to go now.”
Pagkatalikod pa lang ni Clarence ay bahagyang napangiti siya samantalang tulalang nakatayo si Mari habang pinagmamasdan ang boss niya palabas ng hotel.
The reason why he wants Mari to be his office cleaner dahil ayaw niyang mawala sa paningin niya ang asawa niya—este ang ina ng anak niyang si Gianni. At saka minsan na rin siya nanakawan ng gamit sa opisina no’ng nasa Manila pa siya, nag-iingat lang si Clarence ngayon.
Pagkapasok ni Clarence sa kotse ay nagsalita si Mike. “Sir, bukas na pala ang birthday ni Gianni.”
Saglit na nanlaki ang mata ni Clarence at napaisip siya ng malalim. “Good. Sakto dahil pupunta tayo ngayon sa department store.”
Kaagad na kinuha ni Clarence ang pinakamalaking cart ng department store. Nanlaki ang mata ni Mike sa ginawa ng boss niya.
“Sir? Ang laki naman ‘yan? Marami ba tayong bibilhin?” naguguluhang tanong ni Mike, nginitian lang siya ni Clarence.
“Of course! Birthday ng anak ko bukas, kailangan ko bilhin lahat ng mga bagay na sa tingin ko ay magugustuhan niya.”
Marahang tumawa si Mike, ngayon niya lang kasi ito nakitang masaya simula no’ng pumasok siya sa Sinclair Group.
Hindi mapigilan ni Clarence na mapangiti sa bawat pagkuha niya ng mga damit para kay Gianni. He even asked the sales lady to help them choose kung ano ang maganda at bagay sa anak niya.
“Paano mo naman nasabing kakasya ‘yan kay Gianni?” tanong ni Mike.
“Estimated ko lang ‘yan. Basta ang alam ko ay kailangan mas lakihan pa para magamit ni Gianni nang matagal.”
Tumango si Mike, “Kung sabagay, praktikal na ‘yong gano’n.”
“How about this, Sir? Bagay sa kanya ang ganitong kulay dark blue na T-shirt,” wika ng sales lady nang iangat ang damit.
“Sige bibilhin ko ‘yan,” wika ni Clarence. “Uh, Miss, sa tingin mo ba. . . what foot size na kaya ang isang six year old boy? I mean mag-seven na siya bukas.”
Napaisip nang malalim ang sales lady. “Hmm. Halos kaedad niya lang ang anak ng kapatid ko. Siguro mga size 26 or 27 size.”
“I’ll go for 27,” wika ni Clarence saka pumili siya ng sapatos na katabi lang ng mga damitan ng mga pambata.
Dahil overwhelming kay Clarence ang bumili ng mga gamit ni Gianni ay isa-isang pinatawag niya kay Mike lahat ng mga sales ladies sa bawat area na may kinalaman sa kids wear and accessories at para itipon ang mga ito sa harap niya.
Nakaupo si Clarence sa shoe sizing area habang hinihintay niya si Mike at ang mga sales ladies.
“Nandito na ang mga sales ladies, Sir Clarence,” hingal na sabi ni Mike. Napagod siya kakahanap ng mga sales ladies per area.
Tumindig si Clarence at pinasadahan niya ng tingin ang mga ito. May ibang nasa katamtaman na ang gulang at ang iba naman ay sa tingin niya ay dalaga pa ang mga ito.
“Lahat ba ay may mga anak na lalaki rito? O kahit batang lalaki na pamangkin niyo? Pakitaas ang kamay.”
Tinaas ng mga sales ladies ang kamay nila kaya napangiti si Clarence.
“Good.” Umayos ng pagtindig si Clarence saka siya muling nagsalita. “May ipapagawa akong task sa inyo. I have no experience in choosing a kids wear for a six—seven year old boy. Piliin niyo ako ng pinakamagandang item for him. From clothes, pants, socks, underwear, shoes to bags and accessories. I don’t care kung mahal o mura man ‘yan. The important thing is the quality. Bigyan niyo ng allowance size niya para matagal niyang magamit. Are we clear?”
Nagtinginan ang mga sales ladies dahil first time nila maka-encounter ng ganitong klaseng buyer.
“Are we clear?” muling tanong ni Clarence.
“Y-Yes, Sir!” sabay na sabi ng mga ito.
“That’s great!” Lumingon si Clarence sa secretary niya. “Mike, kumuha ka pa ng apat pang malalaking cart,” utos niya dito.