NAKATUNGANGA lang si Mike habang pinagmamasdan niya ang boss niya. Hindi siya makapaniwala sa kinikilos ni Clarence ngayon. Masyado na itong nagiging overacting pagdating sa anak nito. Right. This is his first daddy duty—ang bilhin lahat ng mga gamit sa department store para kay Gianni.
“Here you go. Your-five-big-carts, Sir Clarence,” Mike emphasized those words.
“Ibigay mo na sa kanila ang four carts. Atin ang isang cart dahil pupunta tayo sa toys area.”
Napabuka ng bibig si Mike. Hindi pa nakuntento si Clarence sa pang-ho-hoard sa kids wear and accessories, at kailangan pa nilang pumunta sa toy area. Kung sabagay, hindi makukumpleto ang regalo kung walang mga laruan.
Nanlaki na lang ang mata ni Mike nang sunod-sunod na ipinasok ni Clarence ang mga nahahawakan nitong laruan sa cart nila. Pinulot ni Mike ang isang laruan na para lang sa two to three years old.
“Sir? Mukhang mali po ang nakuha niyo. Pang toddler to, e? Mag-se-seven na po si Gianni.”
“Oh right! Sorry. Tulungan mo ako, Mike na pumili. Kailangan natin mapuno ang cart na ‘yan.”
Napakamot na lang ng ulo si Mike. Pinili niya na lang ang isang robot na pangarap niyang laruan no’ng bata pa siya, pati ang remote controlled na laruang sasakyan.
Pagkatapos niyang ilagay ang mga napili niya sa cart ay nanlaki ang mata niya nang makita si Clarence na hawak-hawak ang isang blue stuffed toy.
“Mike? Sa tingin mo, magugustuhan kaya ‘to ni Mari?”
“H-Hindi po ba nandito tayo para kay Gianni? Why buy it for Mari, Sir? Puno na rin ang apat na malalaking cart natin sa mga sales ladies, and this is our fifth one.”
Ngumiti lang si Clarence habang nakatingin siya sa malayo, iniisip niya si Gianni.
“Kulang pa ‘to sa six years na hindi ko nasustentuhan si Gianni. Saka deserve naman na mabigyan din si Mari ng regalo. She’s a great mom!”
Napakamot na lang muli ng ulo si Mike. Hindi na siya nagsalita pa at hinayaan niya na lang ang overwhelmed niyang boss.
Nagtipon muli sila kasama ang mga sales ladies. “Napuno na po namin, Sir, ang mga high quality items para sa anak niyo.”
“Thank you so much, ladies. Sana bigyan kayo ng bonus ng amo niyo.” Huminto saglit si Clarence. “Wait.” Kinuha ni Clarence ang cell phone niya para tawagan ang may-ari ng mall.
“Hello, Walden Sy?”
“Oh, Clarence Sinclair! What an unexpected call from you? How are you?” ngiting wika nito.
“I’m doing fine, Walden. I called you to say na masaya ako kasi tinutulungan ako ng mga sales ladies mo to pick all the times I want. Uh, can I ask a favor?”
“Sure. Sure. Alam mo naman na magkaibigan tayo sa business. What is it?”
“Can you give a bonus to all your sales ladies here in the department store? I think they deserve it dahil napaka-hardworking nila,” ngiting sabi ni Clarence while looking at the sales ladies.
Marahang tumawa si Walden Sy. “Sure! Dadagdagan ko ang bonus nila.”
“Thank you, Walden Sy. Aasahan ko ‘yan,” ani Clarence saka pinatay ang tawag at tiningnan muli ang mga sales ladies.
“Nothing to worry now, nakausap ko na si Walden Sy. Bibigyan daw kayo ng bonus ng boss niyo.”
Nanlaki ang mata ng mga sales ladies at kinilig sa excitement. “Salamat po, Sir! Sobrang bait niyo naman!”
Dumiretso na sila sa cashier kasama ang limang malalaking cart. Iniwan na sila ng mga sales ladies para bumalik na sa pwesto. Pinagtitinginan sila ng mga tao dahil sa dami ng order nila.
Nasa likod ni Clarence ang isang matandang babae hawak-hawak ang isang pares ng damit pambata. Nakatuon lang ang atensyon ng matanda sa malaking blue stuffed toy. Palihim siyang natawa dahil gandang-ganda siya rito.
Napansin ni Clarence ang matanda kaya pinauna na niya ito sa pila.
“Kayo na po ang mauna. Marami po kasi akong dala baka matagalan po kayo.”
“Ay, ang bait mo naman, hijo.” Napatingin ang matanda sa limang cart ni Clarence. “Bibilhin mo ‘yan lahat?” gulat na tanong nito.
Nahihiyang tumango lang si Clarence. “O-Oho.”
Pinasadahan ng matanda ang tingin niya kay Clarence, napansin niya ang disenteng pananamit ito na mukhang galing ito sa mayamang pamilya.
“May charity event ba kayo, hijo? Ang bait mo naman.”
Halos matawa si Mike sa sinabi ng matanda ngunit pinigilan niya ito. Paano ba naman kasi? E mukhang totoo naman dahil sa dami ng order ni Clarence.
“Ahh. H-Hindi po, Ma’am. Ano po. . . birthday po kasi ng anak kong lalaki bukas, regalo ko po ‘yan lahat,” nahihiyang tugon ni Clarence.
Napataas ng kilay ang matanda. “Oh? Bukas? Birthday din ng apo ko bukas! Napakaswerte naman ng anak mo,” ngiting sabi pa niya.
Nanlaki ang mata ni Clarence. “Talaga po? G-Gusto niyo po ba bigyan ko siya ng regalo? M-Marami po ako rito,” natatarantang sabi ni Clarence.
Napasampal na lang sa noo si Mike sa sinabi nito. Nakakahiya ‘yon para sa isang ordinaryong tao.
“Ay naku, hijo! H’wag na, sapat na sa akin ‘to. Saka pinaghirapan niyong piliin ang mga ‘yan,” pagtanggi ng matanda. Napakagat na lang ng ibabang labi si Clarence sa kahihiyan.
Mabuti na lang ay inalalayan sila ng mga staffs na i-transfer sila sa ibang counter. Umabot ng halos thirty minutes natapos ma-i-scan ng cashier ang mga items na binili nila. Pinabalot na rin ni Clarence sa box ang mga ‘yon, at syempre pinatanggal din niya lahat ng price tag kaya umabot ng isang oras ang process.
“It’s one hundred fifty eight thousand pesos and seventy five cents po, Sir.”
Agad niyang binigay ang black card niya sa babae. “Here. One time payment only.” Nanlaki naman ang mata ng cashier nang ma-realize niya na sobrang yaman pala ng customer na ‘to.
Pagkatapos na bayaran ay agad na dumiretso sila sa parking lot dala ang dalawang malalaking box na animo’y may package mula sa ibang bansa si Mari. Tinulungan din sila ng tatlong lalaki para buhatin ‘yon.
***
KINABUKASAN. Napahigit ng paghinga si Mari nang gulat niyang makita ang dalawang malalaking box sa labas ng bahay nila. Lumapit siya rito para basahin ang papel sa ibabaw ng package.
Congratulations, Miss Marigold Harrington. You won a surprise package from a raffle draw!
Kumunot ang noo niya nang mabasa ito. “Nanalo ako sa raffle draw?” Walang maalala si Mari na sumali siya sa raffle.
Ilang sandali pa ay lumabas ang Lola Epiphania niya. “Ano ‘yan, Mari? Sino nagpadala ng package?” gulat na tanong ng matanda.
“Hindi ko nga rin po alam, La. Ang sabi rito na nanalo raw ako sa raffle draw. E, wala naman akong maalala na sumali ako sa raffle.”
“Baka naman nakalimutan mo lang. Ang bata-bata mo pa, Mari para makalimutan ang bagay na ‘yon. Halika na, ipasok na natin ‘yan.”
Sinubukan buhatin ng dalawa ang package ngunit nakatatlong hakbang pa lang sila ay nabitawan na nito ito dahil sa bigat.
“Jusko ang bigat pala nito!” reklamo ni Epiphania.
Nagpatulong na lang sila kararating lang na bisitang lalaki para sa birthday ng anak ni Mari. Binuhat ito ang dalawang boxes sa loob.
“Maraming salamat, Roy,” ngiting pasalamat ni Mari.
“Naku! Wala ‘yon, Ate Mari. Ikakain ko na lang ito mamaya,” pabirong sabi nito.
Iilan lang naman ang inimbita nila Mari sa birthday ni Gianni, wala naman din siyang masyadong naging kaibigan sa barangay nila gawa ng busy siya sa pagpapalaki sa anak at negosyo niya noon.
Ilang sandali pa ay dumating na sina Clarence at Mike. Inimbita ni Mari si Clarence bilang pasasalamat do’n sa family day. Request din kasi ni Gianni na makasama niya muli si Clarence.
“Pasok kayo sa munti naming tahanan,” nahihiyang sabi ni Mari.
Pagkapasok na pagkapasok ni Clarence ay bumungad sa kanya ang mukha ng matandang babae na na-meet niya sa department store kahapon.
“Oh! Ikaw ‘yong lalaki do’n sa department store, ‘no?” ngiting gulat pagturo ng matanda kay Clarence.
Natigilan sina Clarence at Mike. Hindi sila makapaniwala na lola pala ‘yon ni Mari! Halos manghina ang mga tuhod ni Clarence sa kaba lalo pa’t makita niya ang dalawang malalaking box sa loob. Kasabay no’n ay nagsilabas ang malamig na pawis niya at saka bumili ang pagtibok ng puso niya.
Mahuhuli kaya sila ni Epiphania?