Matapos nilang makapahinga mula sa underground tour nila kanina. Naghanda naman sila sa Mangrove tour nila, ilang sandali lang din sila maghintay para sa paddle boat na kanilang sasakyan para makapag tour sa mangrove. Akala niya kung ano iyon, iyon pala ay isang mahabang ilog na ang gilid ay puno ng mga bakawan na sinasabi ng tour guide, kaya pala tinawag na Mangrove. Ang mga bakawan daw doon, karamihan daw ay umabot na ng mahigit isang daang taon. Ganon na katatanda ang mga ito. May mga nasama man na bagong tanim.pero malalaki na rin iyon at halatang ilang taon na rin ang mga puno. Magkatabi sila sa paddle boat ni Apollo, magkahawak kamay lamang silang dalawa. Bago sila sumakay sa bangka sinabihan din sila ng tour kanina na maglagay ng sunblock dahil ang ginagamit pa lang bangka

