“Thanks God, akala ko talaga iyong malaking t-shirt na itim at jagger ang isusuot mo Babe. Bagay sayo ‘yan, buti na lang pala bumili ako niyan sakto pa terno sa suot mo.” masayang wika ni Apollo. Mukhang nagustuhan talaga nito ang outfit niya. Hilig talaga nito ang labas ang dibdib at tiyan, samantalang sa malaking t-shirt at jagger niya kontra talaga ito at mukhang inis na inis pa nga. “Saan ba ang punta natin? Baka naman hindi bagay itong damit ko ha, mapagtawanan lang ako doon." tanong niya dito. “Sa Underground River sa Puerto Prinsesa at Honda Bay puro beach iyon, magbabangka tayo kaya tama lamang ang outfit mo. Sa katunayan binilhan nga kita ng swimsuit na babaunin natin dahil baka magustuhan mong mag-swimming. Bumili din ako ng swimming trunks, mas mabuti na iyong ready palag

