"Gaga! Mamamasyal kayo tapos iyan ang isusuot mo?" Nakamulagat na wika ng kanyang Ate. Tumawag kasi ito para kumustahin siya. "Ano pa lang isusuot ko Ate? Iyong mga bestidang binili ng kumag na iyon, no way! Magjacket na lang ako, o kaya ay t-shirt!?" Sagot niya sa kapatid. "Aba malamang, summer outfit! Mukhang sa mga beach diyan sa Palawan ang pupuntahan nyo, alangan namang ganyan ang attire mo? Kaloka ka, mas mukha ka pang lalaki sa asawa mo." Wika nito sa kanya na di makapaniwala sa nais niyang isuot. "Ate naman! Nangangati nga ako sa mga damit na iyon eh, tsaka ano iyon magsusuot na naman ako ng heels?" tila naiimbyernang wika na niya sa kanyang ate. "Luka-luka, dapat summer outfit kasi summer ngayon 'di ba tapos magtutungo kayo sa beach. Sa tingin mo hindi ka papansinin ang

