Parang naghihina si Apollo sa mga natuksan. Napakasama niya sa kanyang asawa, napakaraming pang-iinsulto at masasakit na salita ang sinabi niya kay Honey. Galit na galit pa siya dito dahil nga sa pang-aapi nito kay Sharmaine pero isang malaking pagkakamali lang pala ang lahat. Puro kadramahan lamang at kasinungalingan ni Sharmaine ang pinapaniwalaan niya. Ibigsabihin kahit na ang biglaang pag-uwi niya ay plinano nito, bakit sobrang napakatanga naman niya! Kaydali niyang maniwala noon, kaya naudlot tuloy ang masasayang sandali nila ni Honey. Ang sabi kasi ng kasambahay noon na tumawag sa kanya, nahimatay si Sharmaine at itinakbo sa hospital. Kaya nagmamadali siyang nag-aya kay Honey na bumalik na ng Manila kahit na hindi pa tapos ang honeymoon nila. Pero pagdating niya sa bahay ni

