“Oh? Bakit nandito ka? Akala ko ba pinapatahan mo iyong super OA mong kapatid kuno!” nakasimangot na wika niya ng makita si Apollo na papalapit sa kanyang kinaroroonan. Nasa terrace ulit siya pero sa hindi na sa upuang nandoon siya nakaupo. Nasa konkretong barandilya siya ng terrace. Nakaupo siya doon habang nakatuwid ang mga paa tapos nakasandal naman siya sa haligi ng terrace hindi naman siya mahihiluhin kaya kahit na mataas iyon eh okay lang. Mas nai-enjoy nga niya doon habang kumakain siya ng meryendang kinuha niya kanina sa open cottage na puno ng pagkain. Hindi naman kasi maaari na sila lamang ang mag-meryenda, pagkatapos ng mga paratang ng mga ito sa kanya tapos pag-abala sa kanya kanina na dapat matutulog na lamang siya sa kwarto eh pinapunta pa siya doon. “Mag-usap muna t

