1 month later... "Aheemm... may pa-flowers tayo tol ah!" Nakangiting wika niya kay Apollo. Akala niya sa kanya ang bulaklak kasi parang iyong katulad ng mga bulaklak sa Palawan ang binili nitong bulaklak. Naging okey naman silang dalawa ni Apollo matapos umalis ni Sharmaine sa kanilang bahay. Nasa dalawang linggo din na natili ang babae sa bahay ni Apollo. Naaawa din siya kay Apollo na palagi na lang mamagitan sa kanila kaya siya na lamang ang umiiwas sa babae. Kaya kapag kakain ang mga ito, nagpapadala na lamang siya ng pagkain sa kanyang kwarto. Ayaw na rin kasi niyang makipagtalo pa sa babae. Ayaw na rin niya ng drama kaya umiiwas na lamang talaga siya. Pero gaya ng pinangako niya sa sarili, hindi siya papayag na patuloy pa rin nitong angkinin kaya kahit na nilabag niya ang

