Lalong halos ma-praning na si Honey ng makausap si Apollo at mukhang ito pa ang galit sa kanya. Siya pa talaga ang sinabihan nito na madumi ang utak at lumalabas pa na siya ang masama. Sinubukan sana niyang wag ng mag-react at pakalmahin na lamang ang sarili pero hindi niya magawa kaya naman matapos ang ilang minutong nakatitig lang sa phone ay nagpasya din siyang tawagang muli si Apollo. Pero ang babaeng iyon ang sumagot at ipinamukha sa kanya wala siyang karapatang umastang asawa ni Apollo dahil sa napilitan lang naman daw ito na pakasalan siya dahil sa kahilingan ng lolo nito. At talagang pinagdiinan pa nito na ito ang mahal ng kanyang asawa at ito ang tunay na pakakasalan ni Apollo. Ininsulto pa talaga siya dahil sa tunay na dahilan ng pag-uwi ng biglan ni Apollo at iyon daw ay d

