Akala pa naman niya makakatulong sa kanya ang Ate Princess niya iyon pala aasarin pa siya nito. Ang nakakainis lang ngayon, napapaisip tuloy siya kung bakit nga ba siya umiiyak. Sa totoo lang wala naman talaga siyang pakialam kung may babae ito. Ano ba namang karapatan niya? Tama nga naman yung babae na iyon kinasal lamang naman sila dahil sa kagustuhan ng kanilang lolo at lola kaya naman dapat lamang na hindi siya maapektuhan. Isa lang naman ang kailangan niya sa lalaki iyon ay ang maiahon nito ang kanilang factory at pagkatapos niyon maging okay na ang lahat. Kaya dapat lamang na alisin niya sa kanyang isipan na dapat siyang masaktan dahil sa mga ginagawa nito. Ano ba naman kasing kalokohan ang naisip niya kung bakit pa siya tumawag sa lalaki. Tuloy ang babaeng iyon ang sumagot, a

