“Sure ka ba na okey ka lang dito? Pwede kitang samahan kung nais mo, mas okey kasi na may kasama ka kesa wala. I know you're still not feeling well, right? You even said your stomach still hurts a bit,” nakangiting wika ni Owen kay Honey. Mabuti na lamang at may kakilala pala itong nakatuka sa billing section ng hospital na iyon kaya napadali ang paglabas nilang dalawa. Kahit maaga pa ay nagawan ng paraan para makalabas na sila natitiyak kasi niya na babalik si Apollo at baka guluhin naman siya nito. Batid niyang hindi siya makakaalis ng basta kapag naabutan siya doon ni Apollo. Ang balak sana talaga niya ay magtungo sa Palawan, kaya lang medyo takot siya dahil na rin sa kalagayan niya. Tsaka ayaw na rin niyang alalahanin pa ang masasayang sandaling pinagsaluhan nilang dalawa ni Apo

