Hindi siya agad nakapagsalita pagkakita dito parang nagulat din ang babae ng makita siya. Pero agad na sumama ang mukha nito pagkakita sa kanya. Napansin niya na para bang kakaiba ang itsura ng babae, payat ito, akala mo eh hindi kumakain. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyari hindi na rin ito katulad ng dati na mga damit ay mamahalin at nago-glow ang mukha. Ngayon napakapayat na ng babae at may mga punit pa ang damit nito, maging ang sobrang kahiligan ito noon sa matataas na wedge. At mga mamahalin pa, pero ngayon ibang-iba na ito. Mumurahin na nga ang sandals na suot nito at mukhang luma pa. “Sharmaine?” tawag niya dito, pero patanong dahil sa hindi siya sigurado kung si Sharmaine nga ito. Napangisi ito at tumingin sa kanya ng matalim ang mga mata tila hindi nito nagust

