Hindi maintindihan ni Apollo kung bakit hinayaan pa ni Honey na makapasok sa kanilang tahanan ang walang hiyang babaeng sumira ng kanilang relasyon noon. Kay tagal na panahon nitong nagmakaawa sa kanya noon, humihingi ng tawad sa mga nagawa nitong kasalanan para matiyak nito na hindi niya puputulin ang sustento dito. Kasalanan naman niya kung bakit nasanay ito sa luho noon at masyado niya itong na spoiled ng dahil lamang din sa kagustuhan niyang makabawi sa matalik niyang kaibigan. Pero hindi niya akalain na sa mga ginawa niyang iyon ay ganun pa ang igaganti sa kanya ng babae, mukhang may mga ginawa din itong kwento. Maliban sa mga napanood na iyon noon sa cctv, mukhang may mga sinabi din ito sa kanyang asawa. Kaya naman ganon na lamang ang nangyari sa kanila, umabot pa ng mahigit 5

