“Aahh… B-Bakit ang sakit?!” daing ni Honey, napahawak na talaga siya sa kanyang tiyan. Pakiramdam niyang naiihi siya na ewan pero parang basa na ang kanyang panty. Nasa bahay pa siya ni Apollo pero tumawag na siya ng grab driver para magpahatid ng terminal patungo sa lugar kung saan siya panandaliang naging masaya. Kaya lang habang ginagayak niya ang kanyang mga damit hindi niya maintindihan kung bakit may nararamdaman siyang sakit sa kanyang tiyan. Ang totoo kanina pa iyon habang nakasakay siya sa taxi pabalik sa bahay ni Apollo. Pero pinagwalang bahala na lamang niya kanina dahil nasa kotse siya at iniisip din niya ang nangyari kanina sa venue ng birthday party ni Sharmaine. Sa galit niya kanina kahit na narinig pa niya na tinatawag siya ni Apollo ay hindi talaga niya ito nili

